Word Poetry Challenge #8: TAGPUAN

in #wordchallenge6 years ago

TAGPUAN
orihinal na likha ni
@marizen

Halakhak at tawanan kapag nagsamasama
Kaming magkakaibigan at magbabarkada
Sila ang karamay sa hirap at saya
Ang sarap isipin na kaibigan ko sila

Kapag nag-aya na ang isa sa aming tagpuan
Walang hihindi ni isa man
Magdadala ng gitara’t kami’y magkakantahan
Musikang aming nilikha na kay sarap pakinggan

Sa tagpuang ito’y madami na kaming pinagdaanan
Dito pinagtibay ang aming samahan
Masarap magkaroon ng mga kaibigan
Kayu-kayo lang ang nagkakaintindihan

Sa mga simpleng senyales
Na para bang utak nami’y pares
Iisa lang ang aming mga nais
Na ni isa man ay walang aalis

Sa aming tagpuan kami’y unang nagkita-kita
Dito rin kaming lubos na nagkakilala
Sa isat isa’y madami kaming naging alaala
Na kahit kailanman hinding-hindi mababalewala

Kung ang isa ay may problema
Sa aming tagpuan kami'y pumupunta
Siguradong problema naming ay mawawala
Dahil sa mga barkada kong walang kasing sigla

Sila ay tunay kong maaasahan
Pakiramdam ko’y kanilang pinapagaan
Maging ayos lang ang lahat, sila’y gumagawa ng paraan
Na kahit minsan ay dala’y puro kalokohan

Sa mga problema ko na kailangan ko ng payo
Lahat sila’y nakikinig at nagseseryoso
Sila ang aking kaibigang totoo
Pinagmamalaki ko sila ng taas noo

Hindi nangiiwan, laging nasa tabi
Ni minsan sa akin ay hindi humindi
Kahit saan sila’y aking kakampi
Barkadang binuo kailanman hinding-hindi magsisisi

Hindi mabubuo ang barkada kung hindi dahil sa inyo
Sa ating tagpuan, naging iisa tayo
Magkaibigan hanggang sa pagtanda
Walang makakasira at makaka-giba

Sort:  

Congratulations @marizen your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.
You may check the post here.


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.

See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

thank you so much @bestofph :D lovelots :*

napakagaling talaga sa poetry neto! congrats :)

hahaha judeline! hahaha salamat love you! :* @judeeey03

sipag lng.. alot more surprises coming your way... magaling k nmn tlga ee

thank you sa support :)Godbless you :D


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

reading the poem made me remember those days with my friends too.. keep steeming

thank you so much :D

Nakakamangha at nakakarelate ako sa akda mo kabayan. Sana po manalo ang inyong akda kabayan@marizen. Gudluck po.😊

Marami salamat po :)

nice @marizen keep posting.

Congratulations @marizen! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard!


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.24
JST 0.038
BTC 94514.58
ETH 3259.44
USDT 1.00
SBD 3.16