"Word Poetry Challenge #5 Tagalog Edition" | Pag-Anunso sa mga Nanalo

Magandang Gabi Makatang Kababayan!

Lubos ang aking galak sa lagpas napakaraming entry na isinumite ng ating mga kabayan ng "Word Poetry Challenge | Tagalog Edition" na may temang "Watawat ng Pilipinas". Ang inyong mga likha ay nagpaantig sa damdamin ng nakararami. Salamat sa mainit na pagsuporta at sa pagsasabuhay ng wikang Filipino na inilalathala natin sa Steem Blockchain.

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @beyonddisability, ang ating hurado para sa pag-usisa sa mga katagang ginamit ng ating mga kalahok.

Salamat kay @beyonddisability

Dahil siya'y nahirapan sa pagpili ng mga nanalo sa paligsahan, ang ating hurado ay magbibigay ng tig 0.5 SBD sa apat na mga kathang hindi pinalad na makapasok sa tatlong tulang mananalo. Ito'y isang mabuting gawa!

Narito ang mga Nanalo

2nd runner-up

@blessedsteemer

Word Poetry Challenge #5". "Watawat ng Pilipinas" : My Entry.

Komento ng Hurado :

Napakalinis ng pagkakapahayag ng tulang ito. Walang paikot-ikot. Swak na swak sa temang "Watawat ng Pilipinas". Ang mga nasaad ay base sa katotohanan. Tila nakikita ko ang isang batang tumatangi sa watawat ng kanyang lahi at kinikilala ang pinagdaanan nito bago naging malayang sumasayaw sa saliw ng hangin. Yung batang iyon ang nakaramdam ng Nasyonalismo dahil sa kalayaang tinatamasa nya ngayon .


1st runner-up

@wondersofnature

Word Poetry Challenge #5 : Watawat ng Pilipinas

Komento ng Hurado :

Yung tula na may kwento pa. Tapos na ang panahon ng katipunanero na siyang mga nakipaglaban sa mga Kastila. Sila na mga nagbuwis ng buhay na ating kinikilalang bayani matayog lamang na maiwagayway ang bandila na patunay ng kasarinlang Pilipino. Sa modernong panahon, higit noong panahon ng pagkubkob sa Marawi... ng ibinaba ang pambansang bandila at pinalitan ng bagong mukha ng terorismo... ang mga sundalong Pilipino ang nakipagdigma at nagtaas muli ng bantayog ng watawat na kaluluwa ng ating lahi. Akma ang pamagat na Watawat ng Pilipinas sa akda. Ang ganda po ng daloy ng kwento. Kapana-panabik ang susunod na bahagi.


Champion

@jemio-art

Word Poetry Challenge #5 : Watawat ng Pilipinas

Komento ng Hurado :

Sa lahat ng entry, ito po ang walang katulad. Kung nakakapagsalita nga ang bandila, maaaring ang nasa tula ang mamumutawi sa kanyang mga labi. Dapat na "Watawat ng Pilipinas" ang titulo nito dahil ito ang bida ng likha. Ang bigyan ng emosyon ang isang bagay na hindi nakakapagpahayag ay isang estilong dapat bigyan ng pagkilala. Parang yung watawat mismo na inuugoy ng hangin ang kumakausap sa mambabasa


Narito din ang Apat ng Napili ng Hurado na bigyan ng Parangal

Maraming Salamat sa Pagsuporta!

Maraming salamat sa suporta mga kabayan. Kung nais ninyong suportahan ang patimpalak na ito :

Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :

  • Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]
  • Kung maaari I-upvote ang post na ito.

Aasahan ko ang inyong mga Entry bukas!

Sort:  

That is really amazing and your initiative for Poetry challenge contest.

really wonderful poetry post. good worldchallenge. thanks for @jassennessaj

Maraming salamat po! At mabuhay po taung lahat!

Wow! Maraming salamat kabayan @jassennessaj sa napakagandang patimpalak na ito at sa ating hurado @beyonddisability. Lubos ang aking kagalakan na isa ang aking likhang tula sa inyong mga nagustuhan. Naway pagpalain kayo ng Maykapal ng mas marami pang biyaya! :D

Hello @wondersofnature. May PM ako sa discord. Pwede mo po bang mabasa? maraming salamat.

MARAMING SALAMAT PO!

Grabe po di ko po inasahan na ako ang mananalo sa patimpalak na ito! Maraming salamat po talaga!

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 67651.34
ETH 3798.05
USDT 1.00
SBD 3.53