Word Poetry Challenge #5 : Watawat ng Pilipinas
Itong tula na ito ay alay ko sa mga sundalong lumalaban para sa ating bansa. Inspirado ang tula na ito sa pangyayari sa marawi.
Watawat ng Pilipinas
Sabay pahid sa pumapatak na luha
Upang sa digmaan ay ganado at babangon
Sa pagaakalang hindi na ako babalik sa iyong mga yakap
Hintayin mo ko, ako'y babalik, hindi mawawala
Ito na, ito na ang simula ng laban
Sa'ming pagbaba parang iba ang ihip ng hangin
sabay tumba ng aking mga kasama, ako'y nanginig
Pero 'di pwedeng sumuko, pilit lumaban
Sabay sabing "Mahal ko ang aking bayan" ng malakas
Habang hawak hawak ko ang watawat ng aking pinagmulan
nakakaiyak ito.
bakit parang nabasa ko ang sarili kong gawa
pinahirapan mo ako
maraming salamat po sa pagsali
good luck
Salamat po @beyonddisability 😊
wala pong anuman
Ang lakas ng iyong tula @jembee, at buong buo ang kwento. Gusto ko rin yang may bilang bilang. Balang araw matutuo din ako nyan. Good job po.
Salamat po 😄