Word Poetry Challenge #5". "Watawat ng Pilipinas" : My Entry.
Magandang araw po mga kababayan! At lalong na sa gumawa ng patimpalak na ito na si Ginoong @jassennessaj. Ako po nagagalak na makasali sa patimpalak na ito, sapagkat muling nabubuhay ang pagiging makatang pilipino at muling nasasariwa ang mga nakaraan ng kasaysayan at kahapong lumipas. Narito po ang aking lahok at sana mapagtiisang nyong basahin ang bawat salitang aking ginamit sa pagkatha.😊
Katha ni : @blessedsteemer🙏
Aking pang naalala noong ako ay bata pa,
Dahil sa musmos kong isip ako ay nagtataka?
Habang itinataas ang makulay na kapirasong tela,
Kami ay kumakanta sabay sa pagpugay sa tinatawag na bandila.
Aking pang natatandaan, sa tuwing kinakanta ang Lupang Hinirang
Mga taong napapadaan, humihinto nagbibigay galang.
Silakbo ng kanilang damdamin ay aking nauunawaan,
Pagka't pag-ibig sa Inang Bayan ay aking nararamdaman.
Sa aking pagtatanong ay aking natuklasan,
Na sa bawat simbolo at kulay ay mayroong makasaysayang kahulugan.
Itong watawat ng Pilipinas na aking pinagpupugayan,
At ito ang bandila ng aking Inang Bayan!
Sa aking pagsasaliksik ng kahulugan,
At ayon sa aking napag-aralan sa araling panlipunan,
Ang araw pala ay simbolo ng kalayaan natin sa mga dayuhan.
At ang tatlong tala naman ay nagsisimbolo ng tatlong malaking kapuluan.
Akala ko ay simpleng walong sinag lang ng araw,
Yun pala ay walong probinsiya na nag alsa laban sa mga dayuhan noong araw,
Para makamit natin ang kalayaan
Na tinatamasa ngayon ng ating lipunan.
Ang puting tatsulok ay simbolo ng kalinisan,
At ang kulay asul naman ay nagrerepresenta ng kapayapaan
Ang pulang kulay ay nagpapakita ng kagitingan.
Kapirasong tela na may makasaysayang kahulugan
Pinagyaman ng kabayanihan, na siyang simbolo ng kagitingan.
Ito ang watawat ng Pilipinas ng aking Inang Bayan,
At aking isisigaw sa buong mundo
Pilipinas ang bayan ko, at Pilipino ang Lahi ko!
Salamat po mga kababayan sa oras nyo ng pagbasa ng aking simpleng katha patungkol sa watawat ng Pilipinas, at sana po magustuhan nyo po! Mabuha tayong mga pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!💪
@blessedsteemer🙏
kinilabutan ako!
Maraming salamat po sa pagsali
good luck
Salamat po ng marami sa pagbasa ng aking lahok sir @beyonddisability😊. At akoy nagagalak sa iyong napakagandang komento.😊
good luck po ah sa contest. Sulat lang ng sulat
Ok po sir, Salamat po!,at pasyon ko rin ang pagsusulat ng tula noon pa ngayon lang uli ako nagsusulat at sana marami pa ako matutunan sa mga katulad nyu na mgaling na manunulat.😊
Isa lang din po akong sumusubok gaya ninyo. Sulat lang po ng sulat. Ipahayag ang saloobin sa pamamagitan ng anumang uri ng panulat. Kudos po