"Word Poetry Challenge #3 Tagalog Edition" | Pag-Anunso sa mga Nanalo
Magandang Gabi mga Makatang Pinoy!
Lubos ang aking galak sa lagpas napakaraming entry na isinumite ng ating mga kabayan ng "Word Poetry Challenge | Tagalog Edition" na may temang "Gintong Medalya". Salamat sa mainit na pagsuporta at sa pagsasabuhay ng wikang Filipino na inilalathala natin sa Steem Blockchain.
Ako'y lubos na nagpapasalamat kay tropang @jazzhero, ang ating hurado.
Mensahe ng Hurado
Isang malaking karangalan po ang mapili na maging hurado ng patimpalak ngayong edisyon. Napakarami po akong nabasa na magagandang tula na pumukaw ng samu't saring mga emosyon. Sobra po akong nahirapan mamili ng magwawagi (migraine-level po 😅), kaya't minabuti kong gumawa ng personal na pamantayan sa pagpili:
Pamantayan | Halaga |
---|---|
Mensahe at Paggamit ng Tema | 30% |
Daloy at Tunog | 30% |
Estilo at Pagka-orihinal | 30% |
Kahusayang Teknikal | 10% |
Lubos po akong nagpapasalamat kay @jassennessaj para sa oportunidad, at sa lahat ng manunulat na lumahok sa paligsahang ito. Nakaka-elibs po talaga ang inyong mga likha 😍 Mabuhay po kayong lahat!
Narito ang mga Nanalo :
Hurado : @jazzhero
2nd runner-up
@kyanzieuno
Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya
Nagustuhan ko ang atensyong binigay ng may-akda sa hirap at inspirasyon sa likod ng isang gintong medalya . Maganda po ang bawat tugma at solido na naihatid ang mensahe mula umpisa hanggang sa nakakalugod na paalala sa pangwakas.
1st runner-up
@romeskie
"Word Poetry Challenge #3". Tema : "Gintong Medalya" | Tagalog Edition
Ang unang talata ay epektibo at mabilis na naipinta ang kuwento sa likod ng tula. Naibigan ko ang estilo at perspektibo na ginamit ng may-akda na nakikipagusap sa isang basta. Ngunit pinaka-panalo po ang mensahe na mas marami pang mahalaga kaysa sa gintong medalya .
Champion
@oscargabat
“Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya” #1
Noong unang beses kong nabasa ang tula ay naramdaman ko ng mapipili ko ito bilang isa sa mga magwawagi. At nagkataon na matapos ko mabasa ang lahat ng tula ay ito pa rin ang pinakatumatak at nangibabaw sa huli.
Napili ko ang tulang ito para sa kakaibang atake, swabeng daloy at kuwentong puno ng puso. Ang bawat talata'y nakakapukaw talaga ng imahinasyon at emosyon. Nakakagiliw din ang surpresang hatid sa dulo. Saludo ako sayo, @oscargabat. Para sa'yo ang gintong medalya ngayong linggo.
Maraming Salamat sa Pagsuporta!
Maraming salamat sa suporta mga kabayan. Kung nais ninyong suportahan ang patimpalak na ito :
Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :
- Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
- Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]
- Kung maaari I-upvote ang post na ito.
Salamat po ulit sir @jassennessaj sa bagong linggo na patimpalak na ito. At para po kay sir @jazzhero, maraming salamat po sir sa napakagandang komento po niyo at sa pagpili sa aking akda. At sa lahat ng mga kasali, congrats po sa ating lahat. Job well done. 😊. Nawa’y palawakin pa ang talento at wikang Fiipino dito sa steem it.🙂
Congrats ulit. Maganda talaga ang iyong likha, kaya naman back-to-back win.
Baka sa susunod ikaw naman ang maging hurado. 🙂
Maraming salamat ulit sir @jazzhero. 🙂👍
..congrats....🎉🎉🎉
Kongrats! Sa mga nagwagi at sa sumali! Napakahusay nyo lahat! Sa susunod sasali uli ako. Salamat ng marami ginoong @jassennessaj sa patimpalak na ito! Mabuhay po kayu!😊
Salamat @jassennessaj at kay hurado @jazzhero! Congrats ka oca @oscargabat at kay @kyanzieuno!
Ang galing po ng tula nyo @romeskie, pati na rin po yun mga hindi ko napili, magagaling lahat 😊
Nahirapan ako sa pagpili talaga 😅 Salamat din kay tropang Jassen na nagbigay ng oportunidad sakin na maging hurado. Nakakatuwa rin ang experience.
Tropa, napakahanep ng pagiging hurado mo. Loding lodi talga kayo ni @tpkidkai. Salamat sa pagpapaunlak.
Alam mong Lodi ka din namin 😊 More pawer sayo at sa iyong mga proyekto.
Salamat Ma’am @romeskie! Congrats din sa inyo!🙂
https://steemit.com/wordchallenge/@loraine/word-poetry-challenge-3-gintong-medalya
congratulations sa lahat ng nanalo! Salamat kay @jazzhero and @jassennessaj sa pagkakataong ito. Congratulations din sa mga nanalo at sumali sa patimpalak na ito. 😘
Idola two times na daog. Lahi ra gyud. Congratulations makata @kyanzieuno!
Salamat engr @josephace135!
Way sapayan nurse @kyanzieuno!
Galing mo!
Congratulations sa nagwagi at sa lahat ng sumali sa patimpalak. Such an inspiration. :)