"Word Poetry Challenge #3". Tema : "Gintong Medalya" | Tagalog Edition

in #wordchallenge6 years ago

FB_IMG_1526881219727.jpg

Bata, bata, bakit ka nakatulala?
Bakit nag-iisa? Ikaw ba'y nawawala?
Bata, bata bakit ka lumuluha?
Bakit mga mata mo'y walang bakas ng saya?

Bata, bata Ikinalulungkot ko ang nangyari
Nasungkit ng iba, ang medalyang minimithi
Ngayon palang, humihingi na ako ng pasintabi
Mayroon ako sa iyong imumungkahi

Maraming sa mundo ay higit na mahalaga
Kaysa sa karangalan o sa gintong medalya
Hindi rin mali, sa paligsahan ay sumali
Wala rin masamang gustuhing ika'y magwagi

Wala rin namang pangit kung ikaw ay matalo
O kung sa araw ng pagtatapos ika'y dulo
Kung hindi mo maiuwi ang unang karangalang banggit
Bata, bata wag mag-alala di ako magagalit

Hindi dapat laging tamis ng pagkapanalo
Dapat maranasan mo rin ang pait ng pagkatalo
Dahil ito ang bubuo ng pagkatao mo
Dito ka tunay na matututo

Kaya bata, bata wag mong masyadong dibdibin
Ang iyong kakayanan, patuloy mo lang linangin
Maglaro, maglibang, matuto, makipagkaibigan
Dahil iyon ang mahalaga, di lamang ang gintong medalya


Ang larawan ay kinuha ko mula sa aking photography page sa Facebook.

Maraming salamat sa pagbabasa!


2123526103.gif

Sort:  

Ang ganda nito madam.

Thank you po boss @iyanpol12. :-)

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 68154.08
ETH 3274.07
USDT 1.00
SBD 2.66