“Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya” #1

in #wordchallenge6 years ago

6513D080-DB4D-422F-8D2B-ADB1AA02E0C2.jpeg

Nay, malapit na ako magtapos
Nag sunog ako ng kilay kahit tayo’y kapos
Nay, Matagal ko tong inantay
Masusuklian ko na ang pagod mo saki’y walang kapantay

Nay, makakauwi ka ba?
Gusto ko kase ikaw ang kasama
Ang umakyat patungo sa entablado
At malaman ng lahat na “Nanay ko ito”

Nay, Valedictorian pala ako
Makakakuha ako ng medalyang ginto
“Anak, di ako makakauwi” iyong sambit
Nakakalungkot, gusto ko sana ikaw ang magsabit

Nay, pinaghirapan ko makuha ang medalyang ito
Nakakaiyak kasi wala ka dito
Ikaw ang aking inspirasyon
Sayang lang kase wala ka sa ganitong pagkakataon

Nay, ito na yung pangako ko sa iyo
Makakuha ng medalyang kulay ginto
Ito’y aking sayo’y iniaalay
Para matustusan ang kalyo sayong mga kamay

Nay, aakyat na pala ako sa entablado
Pero sa likod ko, narinig ko ang boses mo “Anak andito ako”
Naluha at natuwa sa iyong sorpresa
Nay, yumoko ka at sayo ko isusuot ang gintong medalya.

Salamat po sa pagbabasa.

1A338EA3-278F-43EE-868D-A1333BA0BA3F.jpeg

Sort:  

Congratulations @oscargabat! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Huhu. Tagos naman sa puso itong tula mo kuya Oscar.
Ang ganda ng pagkakasulat at ng kwentong nakapaloob dito. Ginalingan na naman po ninyo :) - Junjun ng #tagalogtrail

Komento mo’y di ko inasahan sir @junjun! Salamat po ng marami. Sana’y atin pang mapalawak ang ating wika sa komunidad na ito. 😊

Lahat naman ng mga tula at kwento na hugot tagus lagi sa iyo Junjun. Pero magaling nga si ginoong @oscargabat ako naman ang naiisip ko habang binabasa ko to yung eksena pag mag o audition sa teatro.

"Nay! Ito na po ang pancit na bagong bili.
Inay! Gising na! Kain na tayo"

Oo ginawa ko yan dati kaya medyo ganun ang feels. Nawa'y palarin ka sa patimpalak ginoo.

Sobra din pala ang lawak ng inyong imahinasyon sir. Salamat po sa pagkilala ng aking mga tula sir.

Tila tunay na buhay @oscargabat, isa yan sa pinakamasayang gantimpala sa ating mga magulang. The best feeling naman sa mga anak kung si ina o ama ang magsasabit ng medalya

Oo nga po eh. Hehe. Yan ang pinakamagndang regalo ng anak sa kanilang magulang. Di nabibili saan man.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 60951.51
ETH 3381.22
USDT 1.00
SBD 2.48