Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan (#2)

in #wordchallenge6 years ago


Source: Pixabay

Naglakbay ng ilang milya para ako ay makarating
sa lugar na ating pagtatagpuan.
Ang aking dibdib ay mabilis na tumitibok
habang binabasa ang iyong mensahe.

Ramdam ko ang sakit na iyong nadarama
kaya ako'y paparating para iligtas ka.
Mula sa malulupit na mga tao na umabuso sa 'yo.
Tahan lang, ako ay paparating na
bagama't ako ay may takot na nadarama.

Habang ako ay papalapit, may narinig akong boses.
Boses na kagaya sa yo, bigla akong kinabahan.
Pagbaba ko sa kotse, ako'y lumakad ng mabilis.
Hinahanap kita, "nasaan ka na?"
Ako ay pagod na, di pa rin kita makita.

Hanggang aking narinig ang sigaw
na humihingi ng saklolo. "Tulong!"
Humarap ako sa kaliwa, ikaw ay nakita.
Di ako nakagalaw ng aking makita. Naka-nganga.
Ako ay nahuli na, pinagmasdan na lamang na nakaalis ang masamang tao.

Ako ay lumapit, sumisigaw habang umiiyak!
Pasensya ka na, ako ay nahuli na makarating
sa ating tagpuan. Biglang umulan at kumidlat,
at ako ay biglang napahiga sa lupa.

Ito ay aking ikalawang lahok sa patimpalak ni @jassennessaj na Word Challenge na mababasa dito

Sort:  

Congratulations @iyanpol12! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You published 4 posts in one day

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last post from @steemitboard!


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Napakasaklap namn ng pangyayari sa tagpuan na to...gudluck po sa iyong pangalawang lahok ginoong @iyanpol12

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 63343.26
ETH 3484.52
USDT 1.00
SBD 2.53