Word Poetry Challenge #15: Pagbabalik
Pag-aalaga mo sa ’kin ay kakaiba
Para sa akin ika’y napakadakila
Maswerte ako at ikaw aking naging Ina
Pero masaya ako kahit ikaw lang aking kasama
Ginawa mo lahat sa abot ng iyong makakaya
Ginagampanan ang pagiging Ina’t Ama na mag-isa
Kahit nahihirapan ka’y ‘di mo maamin
Kapag may problema’y nakangiti ka pa rin
Bawat tawa mo’y kay sarap damhin
Sa gawaing bahay ika’y tinutulungan
Para hindi ka na mahihirapan
Hayaan mong kita’y pagsilbihan
Na sa ibang bansa kami’y mamasukan
Tumuloy ako kahit hindi mo pinapayagan
Sa mithiing ipaparanas sa ’yo ang kaginhawaan
Lahat ng paghihirap aking dinaranas
Kinaya ko lahat para sa ating bukas
Paghihirap natin ay wala ng bakas
Sa mga dasal ay mayroon ng sagot
At mapapawi na ang lahat ng lungkot
Noong mawalay sa’yo, puso ko’y napuno ng takot
Sa aking pagbabalik, may ipon na sapat
Nang ako’y umalis ika’y umiiyak
Ngayon marahil ika’y magagalak
Ako’y napapikit sa nadatnan ko sa ating tahanan
Ating munting bahay ay puno ng kalungkutan
Mga kamag-anak ay naghihinagpis sa iyong pamamaalam
Ni sa tawag o sulat, walang kang ipinaalam
Mabuti pang ako na lang ang namatay
Dahil tagumpay na dala ay wala ng saysay
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta ng aking mga akda.
Sa bawat kalungkutan ay may dalang pag-asa. Labag man ito sa kalooban ngunit ito ang nararapat para sa magandang kinabukasan.
Tama po kayo Sir... Lahat ng nangyayari at mangyayari pa ay may kadahilanan. Bawat sakuna ay may naghihintay na magandang bukas kaya huwag mawalan ng pag-asa. Laban lang.
Congratulations @chameh! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard: