Ako si @steemitph, Ipinagmamalaki Kong Ako ay Pilipino

in #teamphilippines7 years ago (edited)

Sa mga mahal kong kababayan, hayaan nyo pong ipakilala ko sa inyo ang aking sarili. Ang aking pong pangalan ay Red Dayao. Ako po ay isinilang, lumaki at patuloy na naninirahan sa makasaysayang probinsya ng Bulacan. Sumapi ako sa steemit noong ika labing walo ng hulyo taong kasalukyan. Ito po ang aking ika dalawamput siyam na araw sa kuminidad na ito. Makailang araw pagkatapos kong sumapi, hinikayat ko ang aking kabiyak na si @dandalion na subukan din ito.

red.jpg

Ako po ay nagtatrabaho sa isa sa mga pinakamalalaking kumpanya sa industriya ng BPO, samantalang si @dandalion naman ay namamalagi sa aming tahanan upang pangasiwaan ang papalaki sa aming dalawang anak, at ang aming mga pamumuhunan sa ibat ibang bagay upang maabot ang aming pangarap na makapagtayo ng maliit na sarili naming hanap-buhay.

Makatapos ang dalawamput siyam na araw sa steemit, ang kinita naming dalawa ay sapat na para mabayaran ang aming bayarin sa tubig at internet. Kami ay parehong nasisiyahan sa steemit at umaasang ito ay isa sa mga magiging daan para kami ay patuloy na makatulong sa ating mga kababayang nangangailangan. Kami po ay namamahala ng tatlo hangang apat na pagkakawang-gawa sa bawat taon. Ang dalawa pong pagkakawang gawa sa nakalipas na taon ay aking ibinahagi dito at nakalikom ng nakasisiyang halaga. Narito po sa baba ang pagbabahagi ko ng dalawang nakalipas na pagkakawang gawa:

Charity Event #1 - Golden Acres Home for the Aged

charity event 1.jpg

Charity Event #2 - Kalantiaw Elementary School

Sa isang salaysay na aming ibinahagi sa inyo, ipinakita ko po ang aking pagunlad sa kumunidad na ito. Malayo pa po ang aming lalakbayin upang matawag na tunay na matagumpay. Ang layunin po ng pagbabahaging ito ay hikayatin ang lahat na magpatuloy kahit na hindi kabilisan ang pagunlad. Pinakamahirap ayon sa aming karanasan and unang mga linggo, gayong pagkatapos naman nuon, madarama na ang pagunlad.

Steemit Experience Day #24 - Stats Updates & Lessons Learned
Steemit Experience Day #26 - Why Is It Important To Keep Going in Steemit

Earning.jpg

Reputation.jpg

Sa mga susunod na linggo nais po naming manghikayat ng mga kaibigan at kakilala na sumapi din sa steemit. Aming pinagiipunan ang mga kagamitan upang maging mahusay at kahalihalina sa mga tao ang gagawin naming panghihikayat. Sa mga kababayan naming taga Bulacan na makakabasa nito, mangyari po lamang na magkumento para tayo ay makapagkita-kita at makakila-kilala.

Bilang pagtatapos, nais ko pong lubos na magpasalamat sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta sa aming magkabiyak. Unang una ang aming mga kaibigan sa #teamphilippines , @surpassinggoogle , @hr1, @suesa, @kaylinart, @minnowsupport, at mga kaibigan sa Peace, Abundance, and Liberty

Sort:  

this is a big step forward for the Filipino people our countrymen to know the greatness lies on Steemit community.

keep up the good work sir :)

Thanks brother. I can see you have started posting in your blog. I will visit that often. Best of luck.

Go kabayan! Go Philippines! 👍

One day, when I grow, I will put up some charity works too 😊

Thanks kabayan. Tyaga lng lalaki rin ang account mo.

welcome here Steemitph ! Nice post, i will follow your account, please follow me at @khunpoom

Welcome @steemitph aboard the steemit express. This is a great platform to express yourself just like any other social media outlet except this one pays its users for interacting with each other. Post good content and your rewards can be limitless but always stay true to yourself.

Checkout this post and give me some feedback on it
https://steemit.com/steemit/@slickhustler007/circle-of-friends-day-15-2017816t9925926z

@slickhustler007
#circleoffriends
#minnowsupport
#cof

Ang ganda ng post mo kaibigan.

I'm happy na makita ang mga mag asawang tulad nyo na masaya habang nag iinvest dito.

At the best ang mga programs nyong pagtulong sa kapwa.

Sigurado akong tuloy tuloy pa ang success nyo.

Cheers!

Thanks sir @rye05 kitakits sa discord channel.

Isang kaaya-ayang blog ito. At tayo na rin ang magtutulungan para maibahagi ang kuwentong ito gamit ang platform ng Steemit! Sana sa ating mga yayayain na maging Steemit member ay mas lalo pa nating hikayating ibahagi nila ang kanilang karanasan via Steemit at ang magiging karanasan naman nila mismo sa miyembro ng site na ito.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by steemitph from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

This post has received a 0.03 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Congratulations @steemitph! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the total payout received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.17
JST 0.032
BTC 63760.92
ETH 2737.73
USDT 1.00
SBD 2.60