FILIPINO FICTION: ANG LIHIM NI GC.

in #tagalogserye6 years ago (edited)

7hbd465r2e.png
Pixabay

"Hoy pogi bakit ganiyan ka makatitig sa akin? Korsonada mo ba ako? At saka ano ginawa mo riyan sa matandang kasama mo? Wala ka na bang awa na natitira sa katawan mo?" Pasinghal na bigkas ni GC sa mamang nangaalipin ng matanda.

Bakit ano ang pakiealam mo, hindi mo ba alam na itong matandang katabi ko ngayon ay ang aking kasintahan? Masunurin lang talaga siya "submissive" siya sa wikang Ingles. Oo kuya korsonada talaga kita. Ang laki-laki naman ng katawan mo at saka ang haba ng mga braso mo. Ganiyan na ganiyan ang tipo naming lalaki. Iisa lang naman ang hilig naming mag-asawa Iyon ay ang kumain ng saging. Tugon ng baklitang may asawa sa pasinghal na wika ni GC.

Nawindang nang lubusan si GC sa rebelasiyon na narinig sa isang istranghero na nagmula pa kung saan. Hindi inakala ni GC na isa palang binabae ang nakasalubong sa daan. Hindi rin niya lubos maisip na mag-asawa pala ang nakasalimuha kani-kanina lang. Ang turan kasi ni GC ay isang lalaki na mapagmalabis ang kaniyang nakasalimuha. Gusto niya sana saklolohan ngunit iba pala ang sitwasiyon. Iling na lang nang iling si GC habang naglalakad papauwi sa inuupahang bahay. Nang makauwi ay binuhay niya ang kaniyang telebisiyon at ang tumambad sa kaniya ay; "Dalawang bakla nag-away sa kanto, isa napasubo." Ito po si Billy Joe nag-uulat para sa news 49."

Pinatay agad ni GC ang telebisyon at agad-agad na pumasok sa kusina upang naghanap ng pagkain. Hinalughog nang maiigi ni GC ang kusina subalit wala itong nakita maski isa, kaya naman napilitan na siyang magpa-deliver na lang ng pagkain. Sakto naman sa oras ang pagdating ng pizza pie na kaniyang pina-deliver. Walang labas, walang kulang.

Lumipas ang magdamag at sumapit na ang umaga. Pumasok na sa trabaho si GC. Pagkadating na pagkadating sa trabaho ay binulaga si GC ng mga katrabaho. Pitlag na pitlag ang mokong at napasigaw nang malakas na "ayyyy". Gulat na gulat ang mga katrabaho sa nasaksihan. Iniisip tuloy ng mga katrabaho na isa ring binabae si GC. Marami ang hindi naniniwala sapagkat gwapo at sobrang hilig sa babae ni GC. Sobrang maginoo at saka kalaban ng mga masasamang loob. Nagsipagbalikan na sa kani-kanilang trabaho ang mga empleyado ng kompanya.

Nang makabalik sa trabaho ay agad nilang pinagtsismisan ang pobreng GC. Hunta roon, hunta rito ang pinaggagagawa ng mga walang magawang empleyado.

Samantala si GC naman ay patay malisya lang sa mga haka-haka ng mga katrabaho niya. Batid niya sa sarili na siya ay lalaking-lalaki sa isip salit at sa gawa. Nagtrabaho na lang nang maiigi si GC, nang sa gayon ay may pag-asa siya na mapuri ng kaniyang amo. Hanggang sa sumapit na ang uwian. Nilapitan ni GC si Carmen at niyaya niya itong kumain sa labas. Dahil nga sa gwapo at matipuno si GC ay walang kaabog-abog ay pumayag si Carmen.

Nang makarating sa isang mamahaling kainan ay naghuntahan ang dalawa na tila nagkahuhulugan na ng loob. "Kapag ba malaki ang SU, malaki rin ang PEK?" tanong ni GC kay Carmen.

Napa huh? Na lang ang inosenteng Carmen. Maya-maya pa ay sinagot na rin ni GC ang tanong niya sa dalaga "kapag malaki ang SUGAT, siyempre malaki ang PEKLAT. Ikaw talaga kung ano-ano ang iniisip tayo na nga at magkainan na tayo. "Mabuti pa nga. Ikaw puro ka kalokohan GC." Sagot ni Carmen sa mapagbirong si GC.

Panay ang tawanan nina Carmen at GC. Nang dumating ang kanilang amo na si Roger at maya-maya pa ay umorder na ang binatang amo. Si Roger pala ay may lihim na pagtingin kay Carmen. Kaya pala hindi tinatanggal ni Roger si Carmen sa trabaho ay gustong-gusto pala niya ang dalaga, kahit na alam naman niyang mahina ito at panay ang pagliban sa trabaho.

Nakisama lang sina GC at Carmen sa kanilang amo, kahit na yamot na yamot na si GC. Walang magawa ang gwapong binata kung hindi sumunod na lang sa agos. Ilang minuto pa ang lumipas at dumating ang mga body guards ni Roger. Ang akala ni Carmen ay ligtas na sila sapagkat dumating ang mga bataan ni boss Roger. Ang hindi niya alam ay yayayain ng mga bataaan ni Roger na lumabas na s GC papaalis sa restaurant. Hayun na nga. Sinenyasan na ni Roger ang mga bataan na yayain na lumabas si GC upang magpahangin.

Natakot si Carmen ngunit ipinaliwanag ng amo na wala siyang dapat ikabahala dahil ihahatid na ng mga bataan ni Roger si GC sa kaniyang bagong sasakyan. Maniwala naman ang loka sapagkat batid niyang parang si Bruce Lee kung makipaglaban. Minsan na rin naman niyang nasaksihan ito noong sila ay mga bata pa.

Sampung taon ang nakalilipas...


Sina GC at Carmen ay magkababata. Magkasing edad sila at pala-palaging magkaklase ang dalawa simula kinder hanggang 1st year high school. Naglalakad pauwi sina GC at Carmen nang may biglan bumulaga sa kanila. Tatlong armadong kalalakihan ang nag-aabang sa kanila sa kanto. Habang lumalakad ang dalawa ay inakbayan ng isang lalaking may balisong si GC. Si Carmen naman ay nasa gilid lang. Nang nalingat ang lalaking may hawak ng balisong ay biglang sumibat sa pagtakbo ang loko mahiya mo si The Flash sa tuling tumakbo.

Tumigil pansamantala ang hapong-hapo na sina GC at Carmen. Nang malaman nila na nakalayo na sila ay "Carmen ano bilib ka na ba sa bilis kong tumakbo?" Pagmamayabang ni GC.

Oo bilib na bilib ako sa'yo. Ang bilis mo palang tumakbo, ang akala ko lalabanan mo silang tatlo nang saksakan. Tugon ni Carmen sa nagmamayabang na GC.

Sa restaurant. Kaya pala tiwala si Carmen kay GC dahil mabilis pala itong tumakbo, hindi dahil magaling makipaglaban.

ITUTULOY BUKAS.












2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  
Hello.😊

Congratulations @twotripleow your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.

You may check the post here.😉


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.


See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

Hahahaahha!! Boss magandang simula ito!😂😂 nice!

Hindi pa pala counted to kasi hindi pa nagsisimula haha excited ako

Haha sayang. Gawa ba ulit ng panibago?

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by twotripleow[DeShawn Tragnetti] from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Hello twotripleow!

Congratulations! This post has been randomly Resteemed! For a chance to get more of your content resteemed join the Steem Engine Team

Jaja! Graveeeh!

O bakit ka tumatawa?

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 66330.08
ETH 3331.87
USDT 1.00
SBD 2.70