Pangalawang Bahagi mula sa Ikatlong Pangkat ng Tagalog Serye

in #tagalogserye7 years ago (edited)

"Awiyao!!!" Habol na sigaw ni Malyari. "Saan ka pupunta?!"

Gulat na napalingon si Awiyao at sinipat ang halos madilim na kagubatan. Tanging liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw para maaninag niya ng bahagya si Malyari.

"Ano'ng ginagawa mo dito Malyari? Bumalik ka na at baka kung mapaano ka."

"Tinatanong kita kung saan ka pupunta!" Galit na galit ang babae na di malaman ni Awiyao kung bakit.

"Magdadasal ako sa ating mga ninuno upang magabayan nila ako ng lubusan. Halika samahan mo ako."

Tiningnan siya ni Malyari mula ulo hanggang paa. Walang kupas ang dalang karisma nito kahit sa halos kadiliman ng gubat. "Sino'ng niloko mo? Hahanapin mo si Liwayway di ba?!?" Sabay turo nito sa maliit na sakong inilapag ng lalaki kanina.

"Ikaw naman Malyari, parang di tayo mag-iisang dibdib s susunod na kabilugan ng buwan. Halika nga dito." Biro niya sabay yapos s baywang ng dalaga, dahan-dahang pinagmasdan niya sa matipid na liwanag ang sobrang simangot na naging mapagtagumpay na ngiti nito.

"O siya, halika ihahatid na kita sa inyo." Marahang bumitaw si Awiyao kay Malyari ngunit siya'y mariing hinalikan ng babae sa ilalim ng buwan.


Naalimpungatan si Malyari dahil sa alulong ng mga aso sa di kalayuan. Napabalikwas siya s damuhang kinahihigan at natuklasang siya ay mag-isa sa madilim na gubat. "Awiyao?" Tawag nito kahit alam niyang wala na ito sa kagubatan. Dali-dali siyang nagbihis at kung saan saan siya nanggigigil na naghanap ngunit wala na talaga ang pinakamamahal niyang lalaki. Nagbalik siya sa kanilang huling pinanggalingan pero wala talaga hindi niya nakita ni anino nito.

"AWIYAOOOO!!!"

Ang tanging sumagot lamang sa kanya ay ang alingawngaw ng sariling boses.

"Magbabayad ka lalaki! Akala mo matatakasan mo ako?!" At siya'y humalakhak na parang sobrang nagagalak kung kaya't nagising ang mga ibon at paniki at nagsiliparan sa nagbubukang liwayway na kalangitan.

Dali-dali niyang inilabas ang itim na anting-anting na ipinamana sa kanya ng kanyang lola sa tuhod at siya ay nagsimulang bumulung-bulong.

image.png
(pinagmulan)

Sa kabilang dako, nagising bigla si Liwayway na kumakabog ang dibdib. Pawisan ito sa loob ng tinigilan niyang kuweba at napaupo habang hinahabol ang kanyang hininga. Kumakabog and dibdib niya. "O mahal naming mga ninuno," taimtim na dasal nito, "Ingatan niyo po ang ama ng magiging anak ko."

Dali-dali itong nag-ayos at kumain bahagya ng pagkaing binaon nya at saka humanda para maglakbay muli patungo sa kung saan mang malayong lugar. Sa labas ng kuweba natanaw niya ang mga rebulto ng kanilang mga ninuno.

image.png
(pinagkunan)

At tila naroon din si Awiyao, ang pinakamamahal niyang lalaki sa buong mundo, na mukhang malalim ang iniisip. Napangiti siya pagkat alam niyang ito ay isa lamang pangitain ng taong nangungulila... Nagsimula na siyang humakbang palayo nang marinig niyang tinatawag ang pangalan niya.

Parang may mali. Nagsimulang kumabog ang dibdib ni Liwayway.

"Irog ko, bakit ka naririto?" Hindi lumilingon si Liwayway sa akala niya'y imahinasyon niyang si Awiyao. Dahan dahan itong humakbang muli palayo.

"Liwayway..."

Nagsimula siyang tumakbo ng mabilis mahigpit na hawak ang kanyang mga gamit sa kanyang sisidlan. "Magtataguan ba tayo irog ko? Hahahahahaaaa." Alam niyang hinahabol din siya ng lalaki at mukhang malapit na siyang maabutan.

Napasigaw siya nang bigla siyang mahuli nito at bumagsak sila sa damuhan. "Bitawan mo ako Bagwis!!!"

"Hahaha, teka kalma, kalma lang," at dahan dahang tumayo ang lalaki mula sa mahigpit na pagkakayakap at pagkakadagan s kanya.

Nanatiling nakadapa sa damuhan si Liwayway, nanginginig at unti-unting naluluha habang mahigpit ang kapit sa sisidlan ng gamit. Napakatanga niya. Napagkamalan niyang si Awiyao ang yumao at malokong kapatid nitong si Bagwis na alam niyang may lihim na pagtingin sa kanya noong nabubuhay pa ito.

Bakit bigla na niyang nakikita, naririnig at nadarama ang multo nito?

Itutuloy...


English version here.

Ano kaya ang susunod na mga pangyayari ngayong may nangyari na sa kanila ni Malyari at Awiyao? At bakit nga ba biglang may mumu sa kwento? Mumu nga ba o...? Hahaha. Isa bang mangkukulam si Malyari? Natatakot na ba kayo? :P

Basahin ang susunod na kabanata kay @tpkidkai. :D

Basahin ang unang bahagi dito.


Mga Karakter

Kontrabida: Ang Bulag na Batas: taong mahigpit na ipinapatupad ang batas, at karaniwang maimpluwensya o nasa panig nya ang batas. (Malyari)
Ang Habulin/Pogi: lalaking magaling magpahulog ng loob ng mga kababaihan (Awiyao)
Bayani: Ang Outlaw: outcast at mas nais maging mapagisa (Liwayway)

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)

Amulet/Anting Anting (anting-anting ng lola sa tuhod)
Lumang Larawan
Betrothal or Arranged Marriage (Awiyao at Malyari)
Rivalry (Liwayway at Malyari, Bagwis at Awiyao)

Tema ng Ikalawang TagalogSerye

Gotiko - Kombinasyon ng "Fiction" "Katatakutan" at "Kamatayan"




IMG_20180216_065807_20180216070540108.jpg

WARNING:
Spam comments will be FLAGGED / DOWNVOTED if it is not revised upon warning.

All rights reserved.
Written by @artgirl for Steemit.
© Art x Stephanie Rue

@artgirl is a freelance artist and also a sales person. Currently an agent for resort-type condo communities in Metro Manila.
For any art or property inquiries, you can chat me up on steem.chat or send me a Facebook message. Link in my bio.


IMG_20180216_065807_20180216070540108.jpg


For my art, writings and other posts, feel free to check my blog page.

image.png

my-Bitlanders-banner2.gif



Like it?
Upvote, Follow and Resteem for appreciation.

♥ Thanks! ♥

Sort:  

Woooahh!!! Ang galing ooohhh.. :) :) May pa tumba tumba sa damuhan effect pa. HAHA :D :D Thanks @artgirl :) :)

Ahahaha, jusko ewan kung anu-ano na lang yan. Hahaha.

Okay lang naman ahh.. Galing nga ehh :) :) tumutulo na sipon ko.. Haay! Kainis. :(

Luh may sipon ka? Naku, bili na ng Lola Remedios. Hahaha.

Oo. Huhu :( Kakastart lang. Yung feeling na ansakit sakit ng lalamunan at ulo ko tapos pag yumuko pa ako, tumutulo yung sipon. Waaaahhh!!! Ayokooo naaa.. huhuhu :(

Dali bili ka s 7-11, Watsons or Mercury Drugs malay m epektib din sau. :D P10 lang un.

Grabe! Damang-dama ko na ang higpit ng laban sa tatlong grupo! Nagma-marathon kasi ako sa pagbabasa ngayon kaya nasundan ko ang mga kwento ng tatlong pangkat.
Ang ganda ng pagkakadugtong mo rito, @artgirl! Mas pinatindi mo pa ang temang katatakutan kasi nagsisimula na rin akong matakot. Hindi ko naman kasi inakala na may pagkamangkukulam pala itong si Malyari. Ang husay nito! :D

Hahaha, salamat powhz! :D

I want to learn Tagalog because my girlfriend is a Filipina from Paranaque ;)

Hahaha, I wonder who the girlfriend is. hahahahaha. Maybe you should join us and write part of the story. hahaha.

Maybe. She can access my account. LOL

Hahahaha! Ang galing! Mabubuntis ba si Malyari? Hahabulin ba niya si Awiyao gamit ang kanyang itim na mahika? Ano ang kanyang kapangyarihan?

Mukhang mapasabak ang habak ni Liwayway sa anting anting ni Malyari! Sino ang mas makapangyarihan, ang pulang bato o ang itim na anting anting!

At sino si Bagwis? Siya ba ay isang kaibigan o kaaway? Nakakalerky! Andaming ganap. Hahaha. Talagang kaabang abang ito! Good job sister! 😍

Excited na kami @JassennessaJ!

Hahaha tenkyuberimats! :D Nag-enjoy naman ako kakaimbento. hahaha. Ita-translate ko nga. Try ko lang if ok din s English. Wahaha.

pagbabae ang gumawa laging may bed scene
nakaksabik ang susuno na bahagi

Yung totoo? Hahahaha... Grabe ha. :D Ganyan kasi yung character. Wahahaha.

ambulol ng comment ko haha

Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase https://
3. Type re
Get Featured Instantly & Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness

Ang husay @artgirl ginalingan mo bes. Heheh na enjoy ko ang mga parte na parang hindi ang usual na si @artgirl ang nagsusulat.
Inexpect ko na medyo may pagka komedya pero MAS MAHUSAY pa ang iyong naipamalas plus tribo-tribo ang naging labanan

Liwayway! Pag ayaw na sa iyo ni Awiyao may naghihintay sa iyong tarsier handa kang tanggapin.

Iwan mo na sya magkakaroon pa sila ng anak.

Hahahaha... salamat. Shempre hindi pwedeng komedya kasi seryoso yung simula eh.

Sure ka magkakaanak sila? Baka tiyanak lumabas? Ahahaha.

Grabeeee kasama na sya sa tagalog seryeeee

Hahaha import lang. Extra saling kit kit. hahahaha.

Sali ka sa discord hahhahaa lakas ng loob magyaya di naman active hahaha

hahaha wag n ok n ko as import pag minsan. hahahaa

Hahahhaa taray import lang para makipagkulitan din ahhahaha

Hahahaha paminsan minsan lang para sikat. charrr. hahahaha.

Celebrity import :D Ang ganda ng kwento at pagkakatuloy. Medyo nagpa-abang ako sa punchline, nakasanayan na sayo. Pero wala man, maganda pa rin lalo na yun cliffhanger. Nice. Sa susunod daw ulit :D

Hahaha churi powhz seryoso kasi e kaya wlang punchline. 😂

Tenkyuuu.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 94161.55
ETH 3327.52
USDT 1.00
SBD 3.17