Tagalog Serye : Unang Bahagi mula sa Ikatlong Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)

U5du5vbXn7yCU8JidP6HXaMYytKkU1H_1680x8400.jpg

Aking irog,

Sa oras na mabasa mo ang sulat na ito, malamang ako ay nakalayo na. Hindi madali sa akin ang desisyong ito ngunit pinili ko na lamang lumayo, para sa ikabubuti ng lahat.

Alam kong may usapan tayong sabay na lalayo. Ngunit, alam ko ring may tungkulin kang dapat gampanan. Mas kailangan ka ng tribo, kesa mas kailangan kita. Ito ang sakripisyong alay ko sa aking mga mahal sa buhay at sa ating tribo -- ang patayin ang aking puso, upang kayong mga mahal ko ay mabuhay ng payapa.

Mahirap man, ngunit mahal, hanggang dito na lang tayo. Salamat sa lahat ng alala. Naway maging maligaya ka sa piling niya.

Nagmamahal,

Liwayway


Di mapigil ang pagluha ni Liwayway habang sinusulat ang kanyang huling paalam sa kanyang pinakamamahal na si Awiyao. Gustohin man niyang manatili sa piling nito ay hindi maaari sapagkat siya ay isang hamak na alipin lamang, at si Awiyao ay isang maharlika.

9ac90ae37f10d870a2bb95a5fc806587.jpg

Pinagkunan

Bagama't siya ay maganda, matalino, at mahusay sa maraming bagay, hindi nito mababago ang kanyang kapalaran -- ang anak ng alipin ay isa ring alipin.

Nagsimula ang lahat ng maging tagapagsilbi si Liwayway sa tahanan ng pamilya ni Awiyao. Bata pa lamang sila ay naging magkasundo na ang dalawa. Noong sila ay bata pa, sabay silang naliligo sa batis at nanghuhuli ng isda na gagawin nilang tanghalian. Tuwing hapon, nagpaparamihan sila ng makukuhang bayabas sa gubat. Doon, sila ay nagkakantahan. Gamit ang dahon ng saging, gumagawa ng tunog si Awiyao na siya namang sinasabyan ni Liwayway sa pamamagitan ng pagkanta. Hindi nila batid ang pagkakaiba ng estado ng kanilang buhay.

Habang nagdadalaga si Liwayway ay lalong lumulutang ang kanyang kagandahan. Hindi siya ordinaryong babae. Siya ay nagtataglay ng kakaibang talino. Magaling siya sa larangan ng panitikan. Siya ang pinupuntahan ng mga maharlika upang magsulat ng bugtong, salawikain, o tanaga na itatanghal nila kada linggo upang makapagdulot ng kasiyahan sa lahat.

238NEhV (1).jpg

Pinagkunan

Dahil sa kanyang angking galing at kagandahan, maraming babae ang naiinggit at may tinatagong poot sa kanya, lalo na nung mapansin nila ang pagiging sobrang lapit niya kay Awiyao -- anak ng isa sa pinaka-maimpluwensyang pamilya sa kanilang tribo. Maliban sa kanyang kagwapuhan at kakisigan, siya rin ay ang pinaka-magaling na mandirigma sa kanilang tribo. Isa siyang "boy of every girl's dreams!"

3d3f5d0d3c6cabfbe1b0d1e374ce3b1c.jpg

Pinagkunan

Isa sa kanyang masugid na tagahanga ay si Malyari, anak ng datu ng tribong Mekeni. Bata pa lamang ito ay may lihim na itong pagtingin kay Awiyao. Maganda si Malyari, at matalino rin. Ngunit kahit anong dikit niya kay Awiyao ay hindi parin siya pinapansin nito sapagkat ang kanyang puso at isipan ay nabihag na ni Liwayway.

Isang araw, habang sila ay namamasyal sa gubat ay nagtapat ng pag-ibig si Awiyao kay Liwayway. Kumakabog kabog pa ang dibdib ng binata habang sinasambit ang mga salitang “Mahal kita!”.

Natulala si Liwayway sa kanyang mga narinig. Naghalong kilig, saya, at takot ang kanyang naramdaman. Saya, dahil parehas sila ng nararamdaman; at takot, dahil alam niyang bawal ang kanilang pag-iibigan. Ngunit hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Sinagot niya agad ang binata.

Unti-unting nagdampi ang kanilang mga labi. Iyon na siguro ang pinakamasayang araw ng kanilang buhay, ngunit, hindi nagtagal ang kanilang kasiyahan.


1200px-Angami_1863b.jpg

Pinagkunan

Sa lingguhang patimpalak sa panitikan ng kanilang tribo, anim na buwan ang nakalipas buhat ng naging magkarelasyon si Awiyao at Liwayway, nagbunyi ang lahat sa anunsyo ni Datu Sinukuan.

“Malugod kong inaanunsyo ang pag-iisang dibdib ng aking anak na si Malyari at ng ating pinakamakisig na mandirigmang si Awiyao ngayong susunod na kabilugan ng buwan, kaya maghanda ang lahat para sa pinaka engrandeng selebrasyon na ito!” sigaw ng Datu.

Gulat na gulat si Awiyao! Tumayo siya sa kinauupuan at magsasalita na sana, ngunit pinigilan siya ng kanyang amang si Apo Sawe.

“Huwag kang mag amok dito, kung ayaw mong dumanak ang dugo ngayong gabi.” bulong ng ama.

Naisip niya agad si Liwayway. Nang makita niyang umiiyak ang dalaga, parang nadurog ang kanyang puso. Wala siyang alam sa anunsyo, ngunit alam din niyang walang sinumang pwedeng kumalaban kay Datu Sinukuan. Siya ang batas, at tanging batas niya lang ang dapat sundin.

Nangingig ang tuhod ni Awiyao habang naglalakad patungo kay Malyari, habang si Malyari naman ay umabot na sa tenga ang ngiti.

Samantala, si Liwayway ay tumakbo palayo sa kasiyahan. Nakaramdam siya ng panankit ng dibdib at bigla na lamang itong nahilo at sumuka.

"Hindi maaari ito! Hindi maaring magbunga ang maling pag-ibig namin ni Awiyao!" mangiyak-ngiyak na sambit ni Liwayway sa sarili.

Kinabukasan ay humayo si Liwayway sa bundok upang puntahan si Apong Sumala, ang pinakamagaling na babaylan ng tribong Mekeni, na pinalayas dahil minsan na niyang sinuway si Datu Sinukuan. Di siya nagawang patayin ng Datu sapagkat may paniniwala silang mapaparusahan ni Bathala ang sinumang mananakit sa isang babaylan.

Matapos ang isang buong araw na paglalakbay, nakarating din siya sa bahay nito. Nasa tuktok ito ng bundok, at walang sinuman ang nangahas na pumunta dito dahil sa paniniwalang siya ay isang mangkukulam. Kung sa bagay, marunong naman siyang mangkulam, pero ni minsan di niya ito ginamit sa masama. Nagkalakas lang ng loob si Liwayway dahil si Apong Sumala ay kanyang inang (lola).

"Anak, umupo ka, at inumin mo ang tsaang ito. Makakatulong ito upang mabawi mo ang iyong lakas." konsern na tugon ni Apong Sumala.

"Paano niyo po nalamang darating ako Inang?" tanong ng dalaga.

"Nakalimutan mo na bang ako ang pinaka-magaling na babaylan ng ating tribo?" sagot ni Apong.

"Alam ko rin kung bakit nandito ka. Dinadala mo ang anak ni Awiyao. Alam mo ang mangyayari sayo at sa ating buong angkan kung malalaman nila ang iyong pagdadalantao." dagdag ni Apong.

"Alam ko po Inang, papatayin ng Datu ang ating buong angkan sa pagsuway sa kanyang batas, kaya nandito ako ngayon upang humingi ng payo sa inyo." sagot ni Liwayway.

"Gustuhin ko mang kupkupin ka, ngunit alam ng datu at ni Awiyao ang lugar na ito. Matutunton ka nila rito. Kaya kailangan mong umalis, at magpakalayo." naiiyak na payo ni Apong.

heart-redjasper-510x600_grande.jpg

Pinagkunan

"Narito ang aking habak. Isa itong anting-anting na minana ko pa sa ating mga ninuno. Ito ang magsisilbing gabay mo sa iyong paglalakbay, at magiging proteksyon mo at ng sanggol sa iyong sinapuponan sa oras ng panganib." dagdag ni Apong.

"Maraming salamat Inang. Kahit masakit lisanin ang aking mga mahal sa buhay, kailangan ko itong gawin upang wala nang dumanak pa na dugo." sagot ni Liwayway.

Nag alay ng dasal si Apong para kay Liwayway. Nagyakapan ang dalawa. At humayo na si Liwayway pabalik sa kanilang tribo. Ang habak ni Apong ang nagsilbing liwanag ni Liwayway sa kaniyang paglalakbay pauwi.

"Ang ganda naman ng habak na ito. Hugis puso at kulay pula pa. Salamat sa gabay aking mga ninuno." bulong ni Liwayway sa habak.

Umaga na ng makarating si Liwayway sa gubat -- ang pasukan papunta sa kanilang tribo. Di paman siya nakarating sa loob ay hinablot na siya ni Awiyao at sila ay tumakbo patungo sa kanilang sekretong tagpuan.

"Irog ko, kaytagal kitang hinanap. Nag-alala ako ng sobra sa iyo. Saan ka ba galing?" tanong ni Awiyao.

"Nagpalipas lang ako ng gabi sa patag, dahil nasaktan ako ng sobra." sagot ni Liwayway.

"Maghanda ka, aalis tayo sa lugar na ito. Magtanan tayo. Dito tayo magkikita, mamayang hating-gabi. Huwag mo akong bibiguin. Kailangan ko nang umalis sapagkat ako ay pinasusundan ni Malyari." sambit ni Awiyao.

"Makakaasa ka, irog ko!" sagot ni Liwayway.

Nagmadaling tumakbo si Awiyao palayo kay Liwayway. Habang si Liwayway ay nakatitig lamang sa iniirog hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin. Kumuha siya ng papel at panulat, at isinulat niya na ang kanyang huling paalam. Nilagay niya ang sulat sa ibabaw ng malaking bato kasama ang kanilang lumang letrato na pinatungan niya ng mas maliit na bato upang hindi malipad ng hangin.

Dali-dali niyang pinuntahan ang kaniyang ama at ina upang magpaalam. Nag-iyakan sila at nagyakapan. Dala-dala ang isang maliit na bag na may laman na damit at kaunting pagkain, nilisan niya ang kanilang tribo.

Lumingon siya sa huling pagkakataon, habang umiiyak. Di man niya alam kung saan patungo, alam naman niyang gagabayan siya ng kanyang mga ninuno sa pamamagitan ng habak na kanyang bitbit.

Itutuloy...



Abangan ang susunod na kabanata!

  • Saan kaya mapapadpad si Liwayway? Baka ma wrong turn siya at mapadpad sa lugar ng mga cannibal! Naku naku naku!
  • Sino-sino kaya ang kanyang makikilala? Mabubuting mga tao ba ito? O baka naman kagaya ni Lucy na isang manananggal. May baby pa naman siya, mmmmmm, yummy!
  • Hahanapin kaya siya ni Awiyao o ipupush nito ang pagpapakasal kay Malyari?
  • O baka naman may makilalang bagong pag-ibig ang ating bida? Pwede! Hot mama naman siya!
  • Ano kaya ang kapangyarihan ng habak?
  • Malalaman kaya ni Awiyao na pinagbubuntis ni Liwayway ang kanilang anak?

Kung ano ang kahihinatnan ng kwento, ito ay nakasalalay na sa aking ka tropang si @creyestxsa94! Abangan niyo ang kaabang abang na adbentyur ni Liwayway ang hot mama ng tribong Mekeni!

DQmbRK3NXgabN887A5mg4oFkjL44bYwQizzRzXBJQsDGSKS.jpg

Ako po ay humihingi ng paumanhin sapagkat ako ay sumobra sa isang libong salita. Hindi ko po kasi mapigilan ang bugso ng aking damdamin, dahil ito ang unang kwentong isinulat ko gamit ang wikang Filipino. Nakaka-excite pala! Kaya salamat sa mga ka tropa kong si Toto at JunJun na nagtatago sa pangalang @tagalogtrail sa patimpalak na ito. Dahil dito, nalaman kong kaya ko naman palang magsulat gamit ang ating sariling wika.

Mga karakter na ginamit sa unang bahagi ng kwento:

  • Kontrabida: Ang Bulag na Batas: taong mahigpit na ipinapatupad ang batas, at karaniwang maimpluwensya o nasa panig nya ang batas. (Datu Sinukuan)
  • Ang Habulin/Pogi: lalaking magaling magpahulog ng loob ng mga kababaihan (Awiyao)
  • Bayani: Ang Outlaw: outcast at mas nais maging mapagisa (Liwayway)

Mga Elemento sa Kwento

  • Amulet/Anting Anting (habak)
  • Lumang Larawan
  • Bethrotal or Arranged Marriage (Malyari and Awiyao)
  • Rivalry (Liwayway at Malyari)

DQmbRK3NXgabN887A5mg4oFkjL44bYwQizzRzXBJQsDGSKS.jpg

Abangan niyo rin ang kwento ng ibang grupo! Masaya to, pramis! :D

Mga Pangkat

Unang Pangkat:
@cheche016 - Lunes
@julie26 - Martes
@rodylina - Miyerkules
@jazzhero - Huwebes
@jenel - Byernes

Ikalawang Pangkat:
@BeyondDisability - Lunes
@ailyndelmonte - Martes
@Valerie15 - Miyerkules
@jemzem - Huwebes
@itsmejayvee - Byernes

Ikatlong Pangkat:
@chinitacharmer - Lunes
@creyestxsa94 - Martes
@JassennessaJ - Miyerkules
@tpkidkai - Huwebes
@johnpd- Byernes

Sort:  

Ang lalim!! dinugo ilong ko haha

hahaha, ano nalang ako sir Mav! Nagka hemorrhage na ata ako! hahaha

Haha. Awiyao hanapin mo si liwayway ..
Ung susunod na magdudugtong nmn sis 😂 sila nmn mahirapan.

Maraming salamat sis. Excited narin aq qng anong mangyayari kay Dana! Hahaha. Uu nga, sila naman mahirapan, haha. although nag bigay naman taung dalawa ng mga cues kung pano nila pwedeng sundan ung kwento. Mga lodi naman ung mga un. For sure mas sasaya oa ang kwento 😅

Haha, gets ko na kung bakit hindi pwedeng modernong salita :D

Grabe ang lupit naman neto at ang lalim ng tagalugan. Nosebleed talaga haha. Maganda at exciting ang pagsisimula. At nagets ko na din bakit ka pa lalo nahirapan, ang haba na nya kesa sa 1K words :D

Good job, epic itong Tagalog na kwento mo. Looking forward to the next ones.

Wahahaha. Akala ko kc sis dapat malagay na lahat ng prompts sa kwento. Pwde naman palang hindi 😅

Maraming salamat sa pagbasa kahit mejo mahaba xa. Nakasalalay na sa aking mga ka tropa ang susunod na kabanata. 😄

Ang galing! Partida unang gawang Tagalog tapos may pagka Bagani din ang tema. Sabik na akong malaman ang mga susunod na mangyayari kay Liwayway.

Goodluck Ikatlong pangkat!

Maraming salamat Toto/Junjun! Nahirapan aq pro nag enjoy aq ng sobra! Baka ung mga ibang kwento q sa Ingles na di q pa nasusundan, gawin q nalang din Tagalog serye. 😅😂 Thanks for pushing me to do this. It's a humbling experience. Cheret. Di q alam pano i translate un, basta un na un! 😅😆

Uy waw. Seryoso itey... Uhm... @creyestxsa94 sigurado ka ba ako magtutuloy neto? Hahaha, kaya m n yata yan o. :P

Sge na, Ikaw na muna please? Hehe :) :)

D b keri? Haha sige one time lang ah. :D

Yup. Ngayon lang promise.. Hehe :) :) Di ko pa nabasa ehh.. Kagigising ko lang. whahaha :D :D

Kaya ka pala na-pressure huh. Alam ko n ngayon. 😂😂😂

HAHA! :D Sorry.. Ngayon lang naman ehh.. next time hindi na. Thank yooouuuu :) :)

Wow si @artgirl ang magtutuloy ng kwento! Excited na me! 😍 😍 Ano kayang timpla ang mailalagay mo dito.

Luh hahaha. Chacharotin ko sana kaso seryoso simula. Whew. D pwedeng ano. Hahaha.

Why oh why? Hehe. Go @artgirl! Excited na aqng malaman qng anong mangyayari kay Liwayway at kay Awiyao! 😄

Eto pla sabi nya n nakaka-pressure. Hahahaha. Wag po mag-expect masyado pls... Nkakahiya baka ano lang magawa ko. Hahaha.

Excited na kaming mabasa ang kadugtong sis! 😃 Walang pressure sis, katuwaan lang naman ito! 😍

Nyahaha abangan!!! Na-excite din ako magsulat. Sinusulat ko na sha. Hahaha.

Mahusay at nakaka intrigang simula! Kami ay nanabik malaman kung ano ang kahahantungan ng mga pangyayari sa buhay ni Liwayway at ng kanyang isisilang na supling.

Great job, @chinitacharmer! We are including this in our Daily Featured Post for today! Please keep using the steemph tag so we that the SteemPh family can find and continue to support your future posts.

Maraming salamat sa suporta @steemph.davao! Nahirapan man, pero kinaya naman! Maraming nosebleed nga lang naranasan q 😂

Sana tangkilikin nu rin ang iba kobg ka tropa sa pangatlong pangkat, pati narin ang ibang grupo na bumubuo ng Tagalog serye.

Muli, maraming salamat. Ako ay lubos na nagagalak sa rekognasyong ito. :)

isa itong pasabog @chinitacharmer. Nakahusay. Nakahiya yung ginawa ko...gusto ko na mabasa ang kasunod

Babasahin q pa ang sa nyo brotha! Excited na aq! 😃

Maraming maraming salamat sa pagbasa sa aking nasulat, kahit mejo mahaba ! 😅

maraming salamat din sa pagbabasa. Sobrang ganda ng kwentong ito :)

Pak na pak! Ang husay nito @chinitacharmer! Pangtelebisyon ang plot! Saka kinilig pa ako nung sinabi ni Awiyao na magtatanan sila. Hahahhah. Sana naman may pagtatanan ngang magaganap. Pero siyempre, depende na iyon sa trip ni @creyestxsa94. Hehehehe

HAHA! :D Si @artgirl muna sub ko ngayon. :D Siya muna magpapatuloy ng kwento. :D Medyo busy busy kasi ako today eh kasi malapit na ang election. Tatakbo yung auntie ko. :D :D

Akala ko ikaw ang tatakbo. Hehhehe. Pero ayos lang 'yan. Sana magkagrupo pa rin tayo sa susunod para manalo pa rin. :D

HAHAHA! :D Oo, tatakbo ako. Tatakbo sa Oval. LOL :D :D Joke lang.. Haha :D oo nga ehh.. :D :)

Maraming salamat @jemzem. Sobrang na enjoy q ang pagsulat ng kwentong ito gamit ang ating wika. Perstaym ko pro buti nlng nairaos. Yun nga lng andming dugong tumulo sa aking ilong 😂😅

Natapos na nga rin pala ni @artgirl ang karugtong ng kwento! Mas kapana-panabik pa ang mga eksena! Naway patuloy nyong tangkilikin ang aming kwento. Good luck din sa grupo nu. Lahat kau mga lodi!

Ang bangis ng kwento haha nabasa ko din yung kay @artgirl grabe gagaling niyo guys

Maraming salamat sister! Lahat tau magaling, cheret kasali aq hahaha 😅 Ang lupet din ng kwento nnu, at ng kabilang grupo. Ang saya lang. Nag eenjoy aq maxado sa tropahang ito! 😄

Haha korek may kwela may seryoso haha 😂😂 halo halo at rambol rambol na yang mga kwentong yan ..pero pwera biro galing..cge na nga natin hahha charooot

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 57676.72
ETH 2356.36
USDT 1.00
SBD 2.39