TAGALOG SERVE V: IKATLONG BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT

in #tagalogserye6 years ago

toto.png

Ang nakaraan...

"Tama na ang pangchecheret Lingling at salamat sa banana chips pero mas bet ko ang durian! I-summon mo na nga ang lahat ng anghel na diwata, at magpunta na tayong lahat sa Cateel!"

At tinawagan na nga ni LingLing ang lahat ng ka-tropa niya sa Tambayan ni Toto, at lahat sila ay nagsanib pwersa upang pabagsakin ang mga tagapagtanggol ng life force mula sa kaharian ng Dragolandia!


“Master, nakahanda na po ang lahat ng diwata’t anghel sa labas!” ani Lingling habang nakayuko at nakaluhod sa harap ng kanilang pinuno na nakaupo sa magarang upuan.

Tumigil sa pagsubo ng kinakaing potato chips ang kanilang pinuno at tumayo.

“Pakilagay ito sa ref at babalikan ko iyan mamaya pagkatapos ng pagpupulong,” utos ng kanilang pinuno habang inaabot kay Lingling ang potato chips. “At saka huwag na huwag kang magtatangkang dumukot kahit isang piraso niyan dahil bilang ko iyan, Lingling. Malilintikan ka sa akin kapag kumulang sa bilang ang piraso niyan.”

“Opo, Master Toto!” malungkot na sagot ni Lingling dahil nabasa ni Toto ang plano niya sa potato chips nito.

Pagkatapos sabihin kay Lingling ang kaniyang mahalagang habilin ay agad siyang lumabas ng kuwarto upang harapin ang ipinatawag na mga kampon.

Natigil sa pagdaldal ang lahat ng tropa ni Toto nang makita nila ang kanilang pinuno. Yumuko silang lahat bilang pagbibigay-pugay.

Bagama’t maliit ang kanilang pinuno, malaki ang respeto nila rito dahil sa kapangyarihan nito na wala pang nakatatalo. Nanggagaling ang lakas at kapangyarihan ni Toto sa tarsier na tattoo na nakabalot sa katawan nito na back to back. Hindi nila alam kung bakit tarsier ang tattoo nito at ayaw din nilang magtanong kahit nais nilang malaman dahil nakita nila kung paano ito magalit nang minsan ay nagbigay ng suhestiyon ang isang diwata na papalitan ng mabangis na hayop ang tattoo ni Toto.

Napakalakas ng kanilang pinuno kaya silang lahat ay naging sunud-sunuran sa kanya. Kapalit ng kanilang katapatan at pagsunod sa kanya ay ipinangako ni Toto na bibigyan sila ng dobleng lakas at ibibigay nito ang lahat ng kanilang gusto.

Dati silang mamamayan ng Dragolandia na tumiwalag sa samahan upang sumama kay Toto. Hindi naman sila binigo ni Toto at domoble nga ang kanilang lakas gaya nga ng ipinangako nito.

“Pinatawag ko kayong lahat upang ipagbigay-alam sa inyo na oras na upang lipulin natin ang Dragolandia! Kailangan na nating buhayin ang pinakamamahal kong si Karin!”

“Pero paano, Master? Hindi ba’t inilipat na nila ang portal patungo sa kanilang mundo simula noong tumiwalag kami? Paano tayo makakapunta roon gayong hindi na natin alam kung saan ang bagong portal?” tanong naman ni Junjun.

“Sa tulong ng ating espiya, alam ko na kung nasaan ang bagong portal patungong Dragolandia!” humalakhak siya at dinampot ang isang malusog na pusa.

Bigla namang nag-anyong itim na anghel ang pusa at saka ngumisi. “Sa Cebu ang kanilang bagong portal!”

“Maaasahan ka talaga, Jessa!” muling humalakhak si Toto at tinapik ang balikat ni Jessa. “Ngayong alam na natin ang kinaroroonan ng portal patungong Dragolandia, oras na para sumulong tayo at lipulin sila nang sa gayon ay wala nang hahadlang sa balak nating higupin ang lahat ng life force sa mundong ibabaw!”

Naging alerto ang lahat ng tropa ni Toto. Sabay nilang inilagay ang kanilang dalawang daliri sa kanilang kokote at saka pumikit. Ilang Segundo ang nakalipas ay sabay silang naglaho at nag-teleport papuntang Cebu.

Kung saan-saang parte sila ng Cebu napadpad dahil hindi nila alam kung saang banda nga ba ng Cebu naroon ang portal. Excited sila masyado kaya hindi sila nakapagtanong kay Toto kung saan ang eksaktong lokasyon ng portal.

“Excited much? Sa Kawasan Falls ang portal! Kailangang umakyat ng second level at tumalon para mapasok ang portal ng Dragolandia!” Buti na lang at pwede silang kausapin ni Toto gamit ang mind communication.

Capture.PNG

Sa kabilang dako…

“Anong meron, Lemron? Hindi ka yata mapakali?” tanong ni Malou sa ngayo’y kaibigan na na dragon.

Naglabas ng kakaibang init si Lemron habang nakapikit. Lumapit naman si Domer sa kanila at kinabahan nang makita si Lemron na nagkakaganoon.

“Nagkakaganyan lang mga dragon kapag may nararamdaman silang malakas na itim na pwersang maaaring maghatid ng matinding panganib sa Dragolandia!”

Umusok naman ang ilong ni Lemron at tumitig kay Malou na tila kinakausap siya.

“Ano? Kailangan nating pumunta ng Cebu? Nanganganib ang Dragolandia?”

Tumango si Lemron at mayamaya lang ay isinakay na siya nito sa likod pati na rin si Domer. Lumipad sila papuntang Cebu at agad na nakarating pagkaraan ng ilang minuto.

Ibinaba sila ni Lemron sa Kawasan Falls at papasok na sana sila sa loob ng portal nang biglang magsidatingan ang napakaraming diwata’t anghel.

“Sa wakas, nagkita ulit tayo!”

Napalingon sina Malou at Domer sa pinanggalingan ng boses.

“Toto!” nanlaki ang mga mata ni Domer nang makita ang dating kaibigan.

“Domer, my friend!” nakangising sambit nito at saka si Malou naman ang binalingan. “Anak ko!”

Natameme si Malou sa narinig. Lalo naman siyang natameme nang makita ang alagang si Jessa na biglang nagbagong-anyo mula sa pagiging pusa hanggang sa pagiging itim na anghel.

“Sumama ka sa amin, Malou. Kami ang iyong tunay na kakampi! At sila ang pumatay sa lolo’t lola mo!” ani Jessa.

“Huwag kang maniwala sa kanila, Malou! Sila ang humigop sa life force ng lolo’t lola mo dahil matagal nang nais higupin ng ama mo ang life force ng kanyang mga magulang para mas maging malakas. At ngayon, ikaw naman ang pupunteryahin niya dahil life force ng tatlong kadugo ang kailangan niyang higupin upang magkaroon ng walang kapantay na lakas!” paliwanag naman ni Domer.

Naguguluhan si Malou sa nangyayari at hindi niya alam kung sino ang paniniwalaan.

“Talaga bang siya ang ama ko? Pero kung totoo ang sinasabi mo, Domer…bakit hindi niya hinigop ang life force ko kasabay ng paghigop niya sa life force nina lolo’t lola?”

“Dahil kailangan munang lumakas ang life force mo upang maging epektibo ang kanyang balak. Hinihintay niyang tumungtong ka ng labing-walong taong gulang. At si Jessa pala ang ipinadala niyang espiya dahil alam nilang kukunin ka namin sa takdang panahon at dadalhin sa Dragolandia. Kaya alam na nila ngayon ang kinaroroonan ng portal dahil sa kanya!”

Lumingon naman si Malou kay Jessa at nangingilid na ang kanyang mga luha.

“J-Jessa, itinuring kitang kaibigan. Hindi kita ginutom at pinakain kita ng paborito mong tuyo’t sardinas araw-araw. Tapos, tatraydurin mo lang pala ako?” sumbat niya rito. “Ang sama n’yo! Hindi ko hahayaang magtagumpay kayo sa masasama ninyong balak! Ipaghihiganti ko sina lolo't lola! Dadaan mo na kayo sa aking mga kamay bago n’yo mapasok ang Dragolandia!”

At biglang naglabas ng matinding enerhiya si Malou dahil sa matinding galit. Sinenyasan niya si Lemron na agad namang nakuha ang gusto niya at lumapit ito sa kanya.

“Fusion!” Nagpang-abot ang kanilang mga daliri ni Lemron upang mag-fuse.

Pagkaraan ng ilang segundo ay sumabog ang matinding liwanag sa kinaroroonan nina Malou. At nang matapos ang kanilang fusion ay napanganga ang lahat sa pag-iisang anyo nina Malou at Lemron.

Kalahating dragon at kalahating tao ang nasa harap nila. Ang katawan ng nilalang ay dragon at ang ulo naman ay ang ulo ni Malou.

“Ang sagwa!” komento naman ni Domer nang makita ang anyo nila.

Itutuloy...

a.png

Narito po ang mga naunang bahagi ng TagalogSerye ng Ikalawang Pangkat:
Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi

Pinagkunan ng imahe: 1, 2

Narito ang prompt para sa linggong ito.

Mga Karakter

Bida : The Siren: Alluring highly feminine character that lures men. (Cleopatra, Poison Ivy from Batman)
Kontra-bida : The Pied Piper: A character that lures innocent victims (Pied Piper of Hamelin; Witch in Hansel & Gretel)

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)

Cat
Body Painting/Tattoo
Revenge

Tema ng Ika-Limang Serye

Pantasya

Mga kasali sa TagalogSerye ngayong linggong ito:

Unang Pangkat
@cheche016 - Huwebes
@jamesanity06 - Byernes
@johnpd - Sabado
@romeskie - Linggo

Ikalawang Pangkat
@twotripleow - Huwebes
@chinitacharmer - Byernes
@jemzem - Sabado
@jazzhero - Linggo

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Hahaha! Sister tawang tawa din aq dito! Ang ganda ng development ng storya, worth the wait din talaga! 😍 At natuwa aq na ang portal napunta sa Cebu, haha! UAE nlng ang kulang at kumpleto na! Waaahhahaha! 🤣 At salamat sa pag insert ng mga elemento. Nakay Kendal na ang susi ng tagumpay! Cheret! 😅🤣

Nag-tour na talaga sila. Hahahah. Kadugo yata ni Dora ang mga karakter. Bahala na si Ken sa ending. :D

Ay grabe idol talaga. Wala na akong sasabihin sobrang ganda nito.

Ayy grabe boss. Dahil 'yan sa maganda mong sinimulan kasi. :D

Hha hindi rin a. Pero baka ipatalo tayo nila Toto at JunJun kasi kontrabida sila. Hindi kaya? Gusto kasi nila bida sila hehe.

Ayuko na kalaban parin ako. Gawin niyo pu akong bida. Huwaaaaah!

ang sakti ng tyan ko kakatawa hahahaahahah

Promise, hindi ko na aapihin si Toto as a character sa susunod. Quota na ako sa kanya. hehehehhe

naku baka magtampo yan. di na kayo natoto haha.
pero ang saya talaga eh

oo nga baka magresign na curator yan

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 67321.51
ETH 3513.34
USDT 1.00
SBD 2.83