Tagalog Serye V: Pangalawang Bahagi ng Pangalawang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Ang nakaraan... sa panulat ni @twotripleow

Nang makalapag sa Davao Del Norte sina Malou at Domer. Nag-anyong tao muna sina Malou at Domer. Nang bigla silang sinalakay na di mawari kung saan galing, tila naka ramdam ng malakas na life force ang mga kalaban at agad agad sinugod si Malou.........

DQmUQoWRR6ZeSRKzWF8UJLEiegDnzb9Yk6fSL2pZc9g3X8x_1680x8400.png


"Daikamaitachi no Jutsu! Tanggapin mo ang aking great cutting whirlwind technique!" bulalas ni JunJun, at lahat ng saging sa buong banana plantation ni Digong ay nakalbo!

"Lingling ngayon na!"

"Dokueki no Jutsu! Hindi na gyud kayo makatas sa aking poison extraction technique! Bwahahaha!" At biglang lumabas ang napaka-kapal na usok mula sa kalangitan na may dalang lason!

banana-plantation.jpg

Banana plantation sa Davao del Norte. Itinuturing ang probinsyang ito bilang Banana Capital of the Philippines

Nagbunyi ang dalawang diwatang anghel na sina JunJun at Lingling sa pag-aakalang napasailalim na sa kanilang ninjutsu sina Malou at Domer. Nang biglang...

"Rasengan!!!"

At bumulusok ang naglalakihang fireballs mula sa kamay ni Domer patungo sa mga kalaban!

Umilag si JunJun at LingLing sa mga pamatay na fireballs. Tumambling-tumbling at nagpagulong-gulong sila sa nakalbong sagingan hanggang tuluyan na ngang maubos ang nag-aapoy na puwersa ni Domer.

"Agay! Agay! Kalakas man diay nang mga kalaban natin uy!" bulalas ni JunJun ng madaplisan ng Rasengan ni Domer. Kung hindi siya naka-ilag ay malamang dead on the spot na siya.

"JunJun!!! Ok ra ka dira?" tanong ni Lingling sa kaibigang sugatan!

"Wag ka ragud mag sigeg Bisaya Lingling bi kay hindi makaintindi ang ating mga readers! Oo, ok ra ko!"

"Kahirap man gud mag Tagalog ba. At isa pa, nasa Davao man gud tayo!"

"Tama na nga ang daldal Lingling! Mamamatay na tayo, puro ka parin kalokohan!"

"Ok kuya! Eto na, ilalabas ko na ang aking Shapeshifting Technique. Shoten no Jutsu!

At nag transform silang dalawa bilang mga Agila! At tumakas mula kay Domer!

images.jpeg

Agila ang Pambansang Ibon ng Pilipinas at matatagpuan sa mga masusukal na kabundukan ng Davao Region. Pag nasa Davao ka, bumisita sa Philippine Eagle Farm at makikita mo ang mga naglalakihang agila, at iba pang endangered species ng bansa tulad ng Pilandok atbp.


"Wow, Domer, ang tindi ng ginawa mo kanina! Nakakablib at nakakainlab naman yung galawan mong yun!"

"Hehe, salamat Malou! Siyempre kailangan kong protektahan ang tagapagmana ng glabs ng Dragolandia at ang tanging makakapaglabas ng kapangyarihan ni Lemron (ang dragon) na siyang makakatalo sa kalaban!"

Flashback...

Ang taray ni atey!

Alam ni Domer na may nag-aabang na panganib sa kanila ni Malou. Kaya bago pa man sila nakalapag sa Davao ay gumamit siya ng isang ninjutsu.

"Malou, ako muna ang unang lalabas, at wag na wag kang magpapakita muna hanggat di ko sinasabi."

Pumayag naman si Malou sa sinabi ng kaibigan.

"Oroke no Jutsu!" sambit ni Domer at biglang lumabas ang isang seksing babae na akala ng mga kalaban ay si Malou.

"Kage bunshin no Jutsu!" dagdag ni Domer na nagpalabas naman ng kanyang clone.

Ang mga clones ang nakita ng mga kalabang sina JunJun at LingLing kaya hindi sila tinablan ng ninjutsu na pinakawalan ng dalawa.

"Ayeee at kinilig naman aketch sa sinabi mo! Turuan mo nga rin ako ng Kage Bunshin no Jutsu!"

"Iyon talaga ang isa sa mga rason kung bakit nandito tayo sa Davao. Maliban sa kailangan nating sugpuin ang dalawang anghel na diwata na naka-assign dito, tuturuan din kita ng mga jutsu na magagamit mo sa pakikipaglaban. At ang pinaka importante mong matutunan ay ang summoning technique at kung paano mo maco-control si Lemron."

"Aba kung ganon pala, ano pa ang hinihintay natin, simulan na nating ang training!"

1515417_orig.jpg

Aliwagwag Falls ng Cateel, Davao Oriental

Nagtungo agad ang dalawa sa Aliwagwag Falls, sa bayan ng Cateel, Davao Oriental. Kailangan nila ang puwersa ng tubig upang mas lumakas pa ang chakra ni Malou na kakailanganin niya upang kontrolin si Lemron (ang dragon)!

Mayroong tatlong kailangang gawin si Malou upang mapasunod niya ang dragon!

Una: Palakasin ang kaniyang chakra hanggang sa umabot ito sa level 1000. Nasa level 20 palang ang kaya niyang ilabas sa ngayon.

Pangalawa: Buksan ang lagusan ng puwersang nagsisilbing hadlang upang makapasok siya sa utak ni Lemron. Ang pwersang ito ay tinatawag nilang "The Barrier", at mawawasak lamang ito kapag umabot na siya sa level 1000.

Pangatlo: Kapag nawasak na ang Barrier, kailangan niyang pumasok sa utak ni Lemron, gamit ang kanyang "Mind Control Jutsu" na kailangan parin niyang pag-aralan. Kapag nagtagumpay siya rito ay mapapasunod na niya ang dragon sa kaniyang gusto!

Unang araw ng training.

Matindi na agad ang pinagawa ni Domer kay Malou. Tinuruan siya ni Domer ng iba't ibang martial arts! Natuto siya agad ng lima: Arnis, Krav Maga, Kung Fu, Muay Thai, at Brazilian Jiu-Jitsu. Sinadya ito para alam niya kung paano aatake kahit anong nationality pa ang kalaban!

Pangalawang araw

Nagsimula na sila sa pag control ng chakra. Sinubukan ni Malou na palakasin ang kaniyang chakra hanggang level 1000. At dahil lampas na ako sa deadline at overtime na, na achieve niya na agad ang level 1000.

Pangatlong araw

Ayaw magpatalo ni Lemron! Kabogera rin siya gaya ng clone ni Malou at sireno ni cheche!

"Kuchiyose no Jutsu!" bulalas ni Malou at na-summon na nga niya si Lemron!

Huwag na natin patagalin pa! Nawasak na ni Malou ang Barrier, at nakapasok na siya sa isip ni Lemron! Ginamit niya ang kaniyang mind control jutsu kaya naman naging mag BFF na ang dalawa, at lahat ng sinasabi niya ay sinusunod na ng dragon. Oo, ganon kabilis! Fantasy naman ito eh kaya WOW MAGIC!

Sa kabilang dako...

"Hindi jud pwede magtagumpay ang dalawa sa kanilang misyon ba! Malalagot talaga tayo nito ni bossing ba. Huhu!!" pag-aalalang sambit ni LingLing.

"Magplano jud tayo kay matapang baya masyado yun si bossing! Ok, ganito. Magpunta tayo sa Cateel, Davao Oriental kasi andun man sila. Tawagin natin ang lahat ng mga anghel na diwata at pag-tulungan natin ang dalawa. Lyamado tayo kasi wala silang kasama!" sagot ni JunJun.

"Hala uy, kagaling mo talaga kuya JunJun ba. Lodi na talaga kita! Ito po banana chips, para mas ganahan ka pang mag-isip ng fighting strategies natin!"

"Tama na ang pangchecheret Lingling at salamat sa banana chips pero mas bet ko ang durian! I-summon mo na nga ang lahat ng anghel na diwata, at magpunta na tayong lahat sa Cateel!"

At tinawagan na nga ni LingLing ang lahat ng ka-tropa niya sa Tambayan ni Toto, at lahat sila ay nagsanib pwersa upang pabagsakin ang mga tagapagtanggol ng life force mula sa kaharian ng Dragolandia!

Itutuloy...

DQmbRK3NXgabN887A5mg4oFkjL44bYwQizzRzXBJQsDGSKS.jpg

Sa aking mga ka grupo sa pangalawang pangkat, pasensorry po sa sobrang delay ng parte ko! Sobrang na busy at napagod po kasi ako sa nakaraang mga araw. Peace po! And for d perstaym, di ako lumampas ng 1000 words! haha. Di ko talaga forte ang temang pantasya, kaya pasensorry ulit kung ganyan ang kinalabasan! Hahaha! Kaya sis @jemzem, ikaw na ang bahala sa susunod! :D

Isa pa pala, sa storyang ito, nasa Davao ang setting, ito rin ang aking hometown! May iba kaming istilo sa pagsasalita ng Tagalog dito. Haha. Kaya ganyan ang dialogue nina JunJun at LingLing para naman localized talaga! Lol! Kung may hindi po kayo naintindihan, maaari namang ako'y inyong i-tag sa comment section, at masaya ko itong ita-translate para sa inyo. :)

Pasensorry din kay JunJun at LingLing na nadamay pa sa kabaliwan ko. Na nosebleed na ako, kaya di na ako nag-isip ng ibang pangalan pa. hahaha

Mga iba pang pinagkunan ng letrato : pang-apat , pang-anim

Unang Pangkat

@cheche016 Huwebes
@jamesanity06 Byernes
@johnpd Sabado
@romeskie Linggo

Ikalawang Pangkat

@twotripleow Huwebes
@chinitacharmer Byernes
@jemzem Sabado
@jazzhero Linggo

DQmbRK3NXgabN887A5mg4oFkjL44bYwQizzRzXBJQsDGSKS.jpg

Olodi_Maine_11.jpg

Shout out kay JunJun ng @tagalogtrail sa napakagandang banner na itey!

Sort:  

Sa mga pamamaraan pa lang swak na swak na! Alam ko madededs sina JunJun at Lingling kasi hinay pa sila. At yes kasabot ko, hindi ko lang mai type ang isasagot ko kapag bisaya na. Sana sa next battlefield sa Cebu at sa last part sa UAE hehe.

Hahaha! Depende na un kay @jemzem kung papatayin niya ang dalawa. Kawawa naman! Kaunti lang ang exposure haha! Feeling ko matutuloy ung Cebu at UAE! haha. Kung taga saan ang writer, dun din ang setting! Haha

Oo sana nga kapag ubos na mga life force sa PH. Mabubuhay na si Karin haha at tapos na ang role nina JunJun at Lingling. Doon maglalaban nang bongang bonga sina Malou at Karin ay grabe nakaka excite kaayo ang next episode. Bitin din parang Naruto lang cheret!

Hahaha, kaya na yan ni Jemzem at Kendal! :D

Nakakatuwa yung labanan! Hahaha. Worth the wait teacher @chinitacharmer. Olodi talaga. Hahaha.

Hahaha! Maraming salamat sis at nagustuhan mo! 😍😄

marunong ka na din mag-comedy Min-min. 😂 at nakaka-elibs na memoryado mo ang mga jutsu na yan. nag-promote ka pa ng turismo sa Davao. sana pinakita mo din ung mga delicacies ng Davao. hehehe
P.S.
tawang-tawa ako sa pinaggagawa ni Jun-jun at Lingling at sa lenggwahe nila kahit di ko naintindihan

Wahahaha. Salamat Jampol! Lodi kasi kita kaya nakakahawa rin ung mga komedyang banat nnu sa team komedya. Haha, oo nga ano, dapat may banana chips, durian, at pomelo haha.

P.S. salamat sa pag komento 😂🤣😅

ay wag mo na pala isama sa kwento ung mga delicacies, ipadala mo na lang sa amin dito sa Antipolo. nyahaha! unang anime - flame of recca, pangalawa naruto. ano kayang animé ang isasama ni @jemzem? 😊

Barney daw haha! Un lang daw ang pinapanood niya dati eh! 🤣😅

Nasali ko na Jampol. Tignan mo sa taas. hahaha! Sinunod ko lang ang suggestion mo! Masunurin ako eh! 😊

nyahaha! nabasa ko na ang update. sabi ko ipadala mo na lang sa amin dito sa Antipolo. waaah! wag mo ipamigay kay junjun at lingling, magtira ka ng para sa akin.

Barter tau! Padalhan mo muna aq ng revel bar na gawa ni wifey mo. Hahaha!

saan ba pwedeng magpa-ship ng pagkain? ayaw tanggapin sa LBC eh. nyahaha! gusto ko ng marang at durian. 😊

Magbakasyon nlng kau dito! Lilibre q kau ng marang tag singko lng un dito eh. Haha. Tas may puno kami ng durian din. At ginawa na natin chatbox ung comment section hehe

Aku pu ba ung tinutukoy mo dito sis Maine? Mukhang gusto ko nga pu ng ganyang powers. Sana makapagpalit-anyo ako kasing sexy and kasing tangkad ng Miss Universe. Sana din meron ako summoning teknik para pwede ku palabasin si Tatay kapag magbabayad na ako ng pinamili ko.

Haha inspired by ur character si Lingling dito sa story. Magandang power nga ung summoning technique. Hanep pag ganun! 😄

Katawaa nako while nagbasa, sis @chinitacharmer! Hahahahahah. Daghan kayog kaboang. Lingaw kayo ko jud. Bahalag wa ko ka-relate sa Naruto, lingaw gihapon kayo! Naapil pajud sila Junjun ug Lingling! :D

Hahaha! Nabuang sad ko pagsulat nako ani sis! Hahaha! Paghuman pud nako sulat nahimuot kaau q sa resulta. Hahaha! Gorabels na diha sis! Para sa olodi banner! Hahaha

Hahahahha. resulta basta lutaw kayo magsuwat. Mas nindot man diay ang resulta kung way klaro pagkahuna-hunaa. :D

Hahaha mao jud sis! Lol

hangsaya
pagbisaya kahit kontrabida ang bait pa rin
nagmamarathon ako

Hahaha! Localized halos lahat ung kwento namin. Haha. Salamat po sa pagdaan boss! :)

sobrang nakakagaan yung nakaraang tagalog serye

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 67321.51
ETH 3513.34
USDT 1.00
SBD 2.83