TAGALOG SERVE V: PANIMULANG BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT.

in #tagalogserye6 years ago (edited)

toto.png

Ang larawang ito ay nag-mula kay ginoong Toto na ligaw ni Nene.


Si Malou W. Cruz ay isang dalagita na tiga Dona Remedios Trinidad, Bulacan. Nakatira siya sa kaniyang lolo at lola kasama pa nila ang isang malaking pusa na ang ngalan ay Jessa. Malawak ang bukiran nina Malou sa Bulacan. Maraming prutas, gulay, at mga hayop na naka-suga sa parang.

Masayang masaya si Malou umuwi sa kanilang bahay galing sa iskuwelahan, nang tumambad sa kaniya ang walang hiningang lolo't lola. Nanlumo si Malou at napaluhod nang biglang sumulpot ang alaga niyang si Jessa na takot na takot at lumapit ito kay Malou. Kalunos lunos ang sinapit ng mga matatanda sa kamay ng isang makapangyarihang nilalang. Mantakin niyo kinuha ang mga kaluluwa ng mga matatanda at kinuha rin ang kanilang life force. Hinayaan na lamang ni Malou ang mga nangyari. Hindi rin naman nagtagal at ipinalibing rin niya ang kaniyang lolo't lola.

LUMIPAS ANG TATLONG TAON.


Sumapit ang ika labing walong kaarawan ni Malou. Bigla na lamang naalala ni Malou ang kalunos lunos na sinapit ng kaniyang lolo't lola. Hindi napigilan ni Malou na umiyak at sinabing "mag-babayad kayo". Bigla na lamang napitlag si Malou nang marinig niya na may naghuhurumintado doon sa may parang. Dali daling tumakbo papalabas ng bahay si Malou at tiningnan kung ano ang nangyayari sa parang.
fallenangel.jpg

Gulat na gulat at takot na takot si Malou sa kaniyang nakita. "Sino ka? At ano ang pakay mo dito sa Bulacan? Takot na takot na tanong ni Malou sa masamang anghel na diwata. Nandito ako upang kuhanin lahat ng life force sa buong Bulacan at ialay ang mga ito upang buhayin ang diyosa namin na si Karin. Si Karin ay ang diyosa ng mga kalahating anghel at kalahating diwata. Nararamdaman ko na malakas ang life force mo iha, kaya malas mo na lang at kukuhanin ko rin ang iyong life force. Tugon ng masamang anghel na diwata kay Malou. Inilabas ng masamang anghel na diwata ang kaniyang mahiwagang aklat at binigkas ang salitang "Pax Deurum Lyvkvakec". Tila unti unting nanghihina si Malou matapos niyang marinig ang binigkas ng angel na diwata. Lupasay sa hirap si Malou habang unti unting hinihigop ng anghel na diwata ang life force ni Malou, nang biglang may tumama na mahabang sibat sa likod ng angel na diwata. Napa aah aah na lang ang anghel na diwata habang umaagos ang dugo sa kaniyang likod at harap na parte. Hindi pa rin niya lubos maisip kung saan galing ang sibat na tumama sa kaniya. Huminga nang malalim si Malou at nagpasalamat sa diyos na siya'y buhay pa. Maya maya pa'y nag-pakita na ang isang tao na galing sa Dragolandia at sinabing

"Huwag ka na mag-alala binibini at ika'y ligtas na. Ako ay si Domer na nag-mula sa kaharian ng Dragolandia ako rin ang magsisilbing tiga pagbantay mo. Sa ngayon kailangan mo munang sumama sa akin nang sa gayon masigurado ko na ika'y ligtas, dahil hindi titigil ang mga anghel at diwata para mabuhay ang kanilang diyos. Ipapaliwanag namin sa'yo ang lahat lahat kapag nakarating na tayo sa Dragolandia." Paliwanag ni Domer kay Malou.

Huh? Ano pinagsasasabi mo? Nanaginip ba ako? Ano ang kinalaman ko sa gulo niyo? Angel at diwata? Jeskelerd! Ano itey. Pero may punto ka hindi ko alam kung kailan sila ulit sasalakay. Sandali lang at isasama ko lang ang aking pusa na si Jessa. Gulat na gulat na sambit ni Malou kay Domer.

Maya maya pa ay kinuha na ni Malou si Jessa at nagtungo na sila sa Dragolandia. Dito pinaliwanag ni pinunong ViaShivan ang lahat lahat kay Malou. Pinagusapan nila kung ano ano ang dapat mangyari at sinabi rin ni pinunong ViaShivan kung sino at bakit pinatay ang kaniyang lolo't lola. Ipinaliwanag din niya ang buong pagkatao ni Malou. Si Malou pala ay isang tao na may lahing dragon. Ganoon din naman ang lahat ng nakatira sa Dragolandia. Ang nais ni pinuno ay magsanay si Malou sa pakikipaglaban nang sa gayon ay mabuhay ang nakatagong puwersa ni Malou na sinasabi sa propesiya na magliligtas sa buong sanlibutan. Hindi lamang sa Dragolandia at pati na rin sa ibang kaharian. Inatasan ni pinuno ang kaniyang magagaling na tauhan upang sanayin si Malou at ipinagkatiwala rin nito ang isang mahalagang bagay sa kanilang kaharian.

"Ikaw lamang ang tanging makakapagsuot nito Malou sapagkat ikaw ang susunod na tiga pagmana ng mahiwagang glab." Ika ni pinunong ViaShivan kay Malou.

Walang nagawa si Malou at tinanggap ang nasabing glab. Nang maisuot ang glab ay bigla na lamang lumiwanag sa kapaligiran ng Dragolandia at bigla na lang nagkaroon ng tatoo si Malou sa kaniyang likod. Ang lahat ay nagsilabasan nang makita nila ang liwanag sa palasyo. Tinitigan rin nila si Malou at napaisip kung siya ba talaga ang susunod na tiga pagmana. Sa panlabas na anyo ni Malou ay makikita ang kaniyang alindog at makinis na balat, subalit nakaramdam kaagad ng malakas na puwersa ang duke ng palasyo na si Hector.

Sinanay ng mga kawal at iba pang mga opisyales si Malou sa kaharian ng Dragolandia. Hindi naman siya nahirapan maliban sa isang pamamaraan na hindi maperpekto ni Malou. Ang palabasin ang malaking dragon na si Lemron. Sa una ay puro maliliit na dragon lamang ang lumalabas. Nang biglang mapagpasiyahan na itapon sa bangin si Malou upang mapalabas ang dragon na si Lemron. Pumayag naman si Malou na itulak sa matarik na bangin at nang maitulak sa bangin si Malou sumigaw ito at kinagat ang isang daliri at hinigop ang bahagyang dugo. Nagiba ang itsura ni Malou, nang mapalabas niya ang malaking dragon, lumipad sila pabalik sa itaas. Ayaw kilalanin ni Lemron si Malou bilang kaniyang amo, walang nagawa si Malou kung hindi labanan ang malaking dragon at talunin ito, para narin kumbinsihin ito na siya ang kaniyang amo. Pinabagsak ni Malou si Lemron at kaniya itong ginapi subalit hindi pa rin kumbinsido si Lemron. Sa isip isip ni Lemron bakit siya susunod sa isang paslit lamang.

aden.jpg

Kinabukasan binigyan ng misyon ni pinunong ViaShivan si Malou. "Malou may natanggap akong balita na ang iyong bansa ay sinalakay ulit ng mga anghel at diwata. Kaya sa una mong misyon ay supilin ang mga kampon ng kasamaan sa timog na bahagi na iyong bansa. Isama mo rin sa iyo si Domer dahil bihasa na siya sa pakikipaglaban, bagamat ika'y malakas, wala ka pa namang karanasan sa pakikipaglaban. Pasasaan din Malou at masasagot mo rin ang mga katanungan sa iyong sarili. Sa ngayon kailangan ka ng mga kababayan mong tiga lupa. Alam kong bihasa ka na sa pag-gamit ng ilusyon, iba't ibang klase ng mga armas at higit sa lahat kabisado mo na gamitin ang glab na ibinigay ko sa'yo. Kaya magmadali kayo at pigilan na makuha ang mga life force sa katimugan ng iyong bansa."

Nang makalapag sa Davao Del Norte sina Malou at Domer. Nag-anyong tao muna sina Malou at Domer. Nang bigla silang sinalakay na di mawari kung saan galing, tila naka ramdam ng malakas na life force ang mga kalaban at agad agad sinugod si Malou.........

ITUTULOY BUKAS NI @chinitacharmer









Ang mga larawan na ginamit ay nagmula sa; 1.)Pinterest 2.) Pinterest

Mga Karakter
Bida : Malou. Malakas ang life force kaya madaming naaakit na kunin ito. May alindog na parang kay alam niyo na.
Kontra-bida : Siyempre hindi pa namin agad sasabihin umpisa pa lang ito e.
Mga Elemento sa Kwento: (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
1 .Pusa

  1. Tato
  2. Paghihiganti / hustisya
    Tema ng Ika-Limang Serye:
    Pantasya

Unang Pangkat
Username sa Steemit Araw ng Iskedyul
@cheche016 Huwebes
@jamesanity06 Byernes
@johnpd Sabado
@romeskie Linggo

Ikalawang Pangkat
Username sa Steemit Araw ng Iskedyul
@twotripleow Huwebes
@chinitacharmer Byernes
@jemzem Sabado
@jazzhero Linggo

Sort:  

Inumpisahan na ni Ginoong @twotripleow ang laban! Swak agad sa temang pantasya. Ang daming half breed! Tapos Pilipinas pa ang setting talaga hahaha. Kababayan mo pala ginoo si Malou tapos dahil taga Davao si Maine dun ang laban nila.

Hahaha. Siyempre tagalog tayo. Bahala na si Chinita kung lilipad ba sila sa Japan para magaral ng ninjutsu. Sa lugar nila Chinita ang epic battle haha.

Ayos! Bigla kong naalala ang Flame of Recca habang binabasa 'yong dragon na part. ❤❤❤
First time kong susulat ng kwentong dragon kaya excited din akong masubukan. Maganda ang plot ng story, boss. Bibigyan namin ito ng hustisya. Hehehhehe. Good job! 👍

Boss hindi mo na kailangan sabihin iyan. Alam na alam ko na kalibre mo sa pagsusulat hehe. Pasensiya na rin kayo hindi ako sanay gumawa love story na fantasy pa. Labanan na lang ulit haha. Basta may fantasy yun naman ang tema hehe. 4 na eps na di ko pa nababasa sa BNM. Aadikin ko na lang next time madaming galaan ngayon, pero tila walang sardinas sa Luzon hehe. Nalibot ko na Bataan at Zambales wala ako nakita.

Huwag mo akong pigilan, boss. Kasi hindi naman kita chinacharot. Heheheh. Pasok na pasok kasi sa fantasy itong isinulat mo plus excited akong magdugtong kasi bago sa akin ang makapagsulat ng kwentong dragon. Alam mo naman, trip kong subukan lahat. Pwera lang sa bawal na gamot. Hahahhaha.
Punta ka na kasing Cebu para ma-meet mo na mga friendship nating sardinas. 😂

Hehe lagi na lang kasing mga anghel at diwata ang mga bida, kaya kapag ako gumawa sila naman ang mga kalaban. Alam na alam ko na kalibre mo boss siguradong sigurado ako na panalong panalo iyan sa masa. Gustong gustong ko talaga magtungo sa Cebu kaya lang talaga madaming mapapabayaan, sana mayroong humalili sa'kin magsuga ng mga manok at magdilig ng mga halaman. Para sa mga kaibigang sardinas. Hanep na Luzon walang sardinas.

Tigatapos lang kami ng sinimulan mo, boss. Maganda ang simula kaya nakakaganang magdugtong. 😊
Maraming sardinas sa Luzon. Nasa lata nga lang. Hehehhehe

Ay tama, Recca nga! Ang ganda ng setup, @twotripleow. Pang pantasya talaga.
Pero may something suspiscious sa pusa .... Magaling na pagkakagawa muli boss 2K!

Oo boss Jazz. Parang Hyaka Samurai Girls haha. Iyong unggoy naging kakampi, kaso hindi ko na pwede duktungan pa. Galit na si @toto-ph. Palagi daw malaki ang sobra ko na salita. Kaya ngayon 100+ lang sobra ko hehe. Sobra parin pala.

nyahaha! anLupit taLaga! sana makontrol ni Malou si Lemron at tawagin din sina Madoka at Saiha. 😂
pero tawang-tawa ako dito... "Napa aah aah na lang ang anghel na diwata habang umaagos ang dugo sa kaniyang likod at harap na parte" di ko alam kung green lang ba ako mag-isip o nakuha ki ung joke. 😂😂😂

Ika nga alam na this ang ibig sabihin niyan, sobrang mahirap ang sumulat kapag seryoso masyado. Si Chinita na bahala bukas kung ano ang mangyayari sa Davao Del Norte.

Hahaha dalawa naiisip q sa plot na ito. Game of thrones, Daenerys Targaryen at Naruto when he was taming Kurama! Grabw gusrong gusto q ung mga gantong plot haha. Bukas q na gawin ginoo at akoy antok na. Magaling ang iyong nasimulan kaya susubukan qng bigyan ng justice! :) And thank unsa pag consider sa Davao del norte bilang nxt location haha. Magandng exposure ito para sa aming munting probinsya 😅😂

Saka isama mo pa High School DXD at Hyaka Samurai Girls haha. Ito siguro napapala ko kapag palaging nanonood ng Anime. Walang ano man. Ganito talaga medyo haluaan natin nang magandang lugar lugar ko simula tapos sa inyo maglalaban hehe dahil mo din sa Cebu para kanila Jem haha.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Appreciate that. Thanks for the follow. I did the same.

yown, dami mo tlga natutunan sa pagbabasa ng bulgar at tiktik pati toro...ang ganda ng kwento kaabang abang ung kasunod n kabanata goodluck and strive for more

Seryoso bro sa Bulgar talaga ako madami natutunan, tinapos ko iyong storya ni Totoy Mola. Si Chinita na bahala sa susunod na kabanata hehe. For the win ika nga.

hahahaha marami tlga natututunan sa bulgar

pantasyang pantasya ang dating.swak agad sa tema.
naisip ko naman dit oyung Eragon. Gustong gusto ko yung pelikula na iyon.
aabangan ko ito

Hehe pero parang High School DXD ito na may halong Naruto at kung ano ano pa hehe. GOT saka Hyaka Ryoran Samurai Girls. Ganoon din sa 2nd episode mo pa malalaman ang labanan.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.031
BTC 61083.24
ETH 2670.20
USDT 1.00
SBD 2.61