Tagalog Banat: Mga Masters ng Linyang Hugot at Pickup - Unang Edisyon

in #tagalogbanat6 years ago (edited)


Galing ang orihinal na imahe sa pixabay.com

Maraming salamat po sa lahat ng nakilahok sa aming pinaka-unang tagisan ng mga linyang hugot at pickup. Talaga naman naipamalas nyo ang lalim ng kasawian ... at pati na rin ang inyong pagka-kengkoy 😆 sa inyong mga linyang binitawan. Kaya naman po masigabong palakpakan 👏 para sa lahat ng sumali:

@jennybeans - Hugot ng pusong Malungkot - Charr!
@cheche016 - Nasaktan ka? Tara tawanan natin :D
@beyonddisability - Juice ka ba? ... Boom!
@jenny018 - TagalogBanat pa more
@itsmejayvee - Hugot at banat mula sa kaibuturan ng puso
@ladyjah - Hugot ng Pusong Parinig #FlanongWaley

Salamat din sa paglagay ng kwento at konteksto sa inyong mga likhang linya. Hindi man po namin ni-require, kusa nyo pong pinaganda ang inyong mga gawa upang maging isang kumpletong post. Salamat din po sa suggestion ni bb. @immarojas para sa mas ikakaganda pa ng patimpalak na ito sa susunod na edisyon.

Ako po si Junjun ng TagalogTrail, kasama ang katropang si Toto, na opisyal na iianunsyo ang Mga Masters ng Linyang Hugot at Pickup sa unang edisyon.

Ispesyal na Pagkilala

Bagama't sobra talagang nagustuhan po namin ang likha ni @itsmejayvee at @ladyjah , hindi po nakaabot ang kanilang mga likha para sa deadline ng patimpalak na nagtapos kahapon. Kaya't pasensya na po at hindi mabibilang sa mga opisyal na kalahok ang inyong gawa.


Nova-dy but you talaga @itsmejayvee, kaso na-late ...
Sobrang benta sana nito kay Toto dahil mahilig yun sa chichiria



Instant panalo na po sana 'to kung umabot @ladyjah , bias ako kasi favorite ko leche flan haha 😆

Ikalawang Parangal sa Linyang Hugot


Mula sa "babaeng walang poreber" na si @cheche016. Pasensya na at mas mahal pa rin yang lugaw mo na iyan kaysa sa papremyo namin 😅

Ikalawang Parangal sa Linyang Pickup (Dalawang Kalahok ang Napili)


Juice colored! 😂. Simple pero may impact ang banat ni @beyonddisability


At talaga namang nakakabusog ang banat at imahe na ginamit ni @jenny018!

Ang Napiling Master ng Hugot


Ang pait at ang lalim; talagang nagbunga ang pagusulat sa #steemitserye at nakapaglabas ng malakasang hugot si @jennybeans

Ang Napiling Master ng Pickup


Ito ang pinto na magbubukas sa poreber ni @cheche016 - isang malupit na pickup line! 💖

Sa Kabuuan

Nagkamit po ang mga kalahok sa patimpalak ng mga gantimpala:

KalahokSBD
@cheche0161.50 SBD
@jennybeans1.25 SBD
@beyonddisability0.125 SBD
@jenny0180.125 SBD



Ipapamahagi po ang mga gantimpala bukas o sa susunod na araw.
Muli, marami pong salamat sa lahat ng lumahok. Bagama't wala pong sunod na edisyon ngayong darating na linggo, hindi pa po ito ang huling #tagalogbanat natin. Mas pagiibayuhin lang po muna namin ang patimpalak ng banatan at mas magbibigay lang po muna tayo ng oras (at SBD) para sa iba pang parating na aktibidad. Sa uulitin po!

Sort:  

Ang galing din talaga ng lahat ng sumali. Congrats po sa mga nanalo!

Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting tambayan ay malaya po namin kayong ini-imbitahan na makigulo. Walang masyadong mga plano ang mga nandun sa buhay panay sulat at kulitan lang. narito po ang discord link Tropa ni Toto Discord.

Congrats sa.mga winners!!! Sayang hindi ako naka join sa.contest;) galing ng contest n ito..cute na cute din😂

Hehe meron pa pong mga susunod na patimpalak. Kaya't #teamabangers tayo bukas at sa mga susunod na araw.

  • Toto ng TagalogTrail

Wow! Congrats sa lahat ng nanalo! Sasali ako dapat dito kaso ang daming ganap sa buhay. Gala there and everywhere. 😂
Pero buti na rin at hindi sumali, taob din sa ganda ng entries nila e. 😂

Yung gala there and everywhere alam ko yan dama kita dyan. Hahahahha
Pero sympre dapat sumali ka parin more chances of winning.

Hahahaha. Kainis nga e. Gagawa sana ako kanina kaso may gala ulit. Di na kinaya ng powers. Sa susunod, magta-time management na ako. 😂

Hahah ayos lang yan Gala is love
gala is <3 <3

Salamat @tagalogtrail toto and jun2..

Hahaha naku kung nakahabol si kapatid na @itsmejayvee ndi sana ako nanalo malufet ung nova-dy but you! Hahahaha patok

Oo patok na patok talaga. Kaya't dapat maging mapagmatyag din lagi. Huwag magpahuli.

Infairness may tubo nako sa kinain komg lugaw 😂.. Maraming salamat talaga..

ito po bang contest ay open sa lahat? o doon sa mga kasali lamang sa discord??gusto ko po kasi sana sumali sa susunod na edisyon.

Hello @llivrazav open sa lahat ang patimpalak ni @tagalogtrail maliban sa #tagalogserye dahil may grupo-grupo ito. Abangan nyo po ang susunod na patimpalak :)

ay salamat naman po kung ganoon. nasasabik akong sumali sa susunod na patimpalak.

Hahaha salamat @tagalogtrail

Nanalo pa la ang waley kong hugot hahahaha

Hahaha havey kaya yung hugot! Lubos naming naibigan yun @jennybeans!

salamat.. mejo hindi ko naintindihan ..haha nagsubmit lang ako ...

Wow! congrats sa mga nanalo.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60181.17
ETH 2419.82
USDT 1.00
SBD 2.44