Tayong "Dalawa, Kahit Ngaun Lang, Kahit Saglit Lang, at Kahit Sa Huling Pagkakataon Lang

in #story6 years ago (edited)

Screenshot_20180426_013726.png
image source

Nagising si girl na mabigat ang pakiramdam, masakit din ang mga mata nya, namumugto yata. Naalala nya nasa hotel pala sya, nakakalungkot mag-isa, nakakabaliw.

Screenshot_20180426_013833.png
image source

Kinuha nya ang kanyang cellphone, buo na ang pasya nya, kailangan nyang makasama si boy ngaun, kahit man lang sa huling pagkakataon. Kailangang gumawa sya ng paraan bago pa sya tuluyan mabaliw.

Tinawagan nya ang phone ni boy, nag ring ito at may sumagot. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni girl, sumagot ito at ang tanging nasabi nya ay " ako 'to puntahan mo ako please, maghihintay ako". Sabay end nya ng call, nanginginig din ang kamay nya. Nakilala sya ni boy kasi tinawag nito ang pangalan nya.

Screenshot_20180426_014044.png
image source

Si boy, pauwi na sya galing ng work, tumunog ang cp nya pero hindi nya kilala ang number. Biglang na excite ang puso nya, si girl ang nasa kabilang linya. Napakalungkot ng boses nito, kailangan niyang puntahan si girl sa address na tinext nito.

Screenshot_20180426_015204.png
image source

Nagtaka sya, anung ginawa-gawa dito ni girl sa lugar na 'to? May nangyari kayang masama kay girl dito. Kinakabahan sya kay nagmadali syang pumunta sa room nito.
Kumatok sya at pagbukas ng pinto, maamo ngunit malungkot na mukha ni girl ang tumambad sa kanya.

Screenshot_20180426_021029.png
image source

Niyakap niya ito, natatakot syang malaman na may masamang nangyari dito. God, hindi nya lubos maisip na ganito nya namiss si girl. Ang tagal nyang hinintay ang pagkakataong ganito, ang makita at mayakap muli si girl.

Screenshot_20180426_022907.png
image source

Umiyak ito yumakap din ng mahigpit sa kanya, para bang ayaw na syang pakawalan nito. God, mas lalo nyang naramdaman na mahal na mahal nya si girl. Hindi nya na hahayaang magkalayo pa sila, kahit anung mangyari.

Screenshot_20180426_022827.png
image source

Ang pagkikita kaya nilang yun ang susi para hindi na sila magkalayo? Happy ending na nga ba nina boy at girl?

Mga chapters:

Chapter 1: https://steemit.com/story/@lynbabe10/ako-ba-ang-nagkulang-o-ikaw-ang-di-lumaban

Chapter 2: https://steemit.com/story/@lynbabe10/how-do-you-heal-a-broken-heart

Chapter 3: https://steemit.com/story/@lynbabe10/pinaglalayo-nga-ba-sila-ng-tadhana

Chapter 4: https://steemit.com/story/@lynbabe10/bagong-pag-ibig-ba-o-panibagong-pagkabigo

Chapter 5: https://steemit.com/story/@lynbabe10/masakit-na-kabanata-ng-pag-big!

Chapter 6:
https://steemit.com/kwento/@lynbabe10/surpresa-ng-pagmamahal-from-boy-with-love

Chapter 7:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/sana-ako-na-lang-sana-ako-parin-ako-na-lang-ulit

Thanks for the support
@hr1
@tagalogtrail
@surpassinggoogle
@arcange
@masterbot
@steemgigger
@raphaelle

and to all na nagsusubaybay sa kwentong sinusulat ko..hindi ko na kayo iisa-isahin pa, maraming thanks po.

Please follow, upvote and reesteem po. Salamat

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64275.05
ETH 3147.49
USDT 1.00
SBD 4.29