Hindi Ako Nagkulang, Ikaw Ang Hindi Lumaban!

in #story6 years ago (edited)

Chapter 2

Screenshot_20180321_091104.png
Image Source

Nagpatuloy si girl sa kolehiyo at walang araw na di tumatawag at nagtitext si boy. Nangungumusta araw-araw at miss na miss na daw sya nito. Ganun din naman si girl pero kilangan nilang magtiis.
May minsan din na pinapadalhan sya ni boy ng pang tuition kapag medyo kapos sila.

Screenshot_20180321_092313.png
Image Source

At palagi ding bumibisita ang magulang ni boy sa kanya, yun daw ang bilin ni boy para di masyadong malungkot si girl. Isinasama din sya ng magulang ni boy sa reunion o family outing. Pamilya na din ang turing nila kay girl kaya kahit papaano natutuwa sya at nakakampante.

Screenshot_20180321_091500.png
Image Source

Dumaan ang monthsaries nila, ang valentine, ang birthday nya, at anniversary nila na di nya kasama si boy mag celebrate. Ang bilis, mag lilimang taon na pala sila. Lumipas pa ang ilang buwan na tawag, text, tawag, text lang ang paraan nila para mabawasan kahit papanu ang pangungulila nila sa isa't isa.

Screenshot_20180321_092152.png
Image Source

Nakailang beses na din syang sinurpresa ni boy. Minsan sinasadya nitong di sya itext yun pala pauwi ito. Pagdating nito kung ano-ano ang dala, hugable bear, flowers, keychain, bracelet. At ang pinakaingatan ni girl ay ang kwentas na bigay nito. Initial name kasi ni boy ang nakasulat sa pendant nito. Ginawa ni girl na simbolo yung kwentas, sinabi nya na kung maputol o mawala yun ibig sabihin magkakahiwalay sila at hindi sila ang para sa isa't isa.

Screenshot_20180321_092732.png
Image Source

Ang huling alis ni boy iniwan nito ang isang pangakong babalik agad kasi matatapos na ang kontrata nito sa trabaho. Hindi na naihatid ni girl si boy sa terminal dahil may pasok sya. Ang pangako na yun ay di natupad dahil ilang buwan pa lng nakatanggap ng text si girl mula kay boy. Parang di naman dapat sa kanya ang text na yun. Nagkamali yata ito ng send. Sabi kasi sa text "Ma patawad tulungan mo ako, nakabuntis ako." Kumabog ang dibdib ni girl at nanginig din ang kanyang mga kamay. Bakit ganun ang text ni boy. Nung tinanong nya si boy sabi nito nakitxt daw kasi yung pinsan nito baka daw nasend kay girl. Dahil tiwala si girl kay boy kay yun din ang pinaniwalaan nya.

Screenshot_20180321_095933.png
Image Source

Magmula ng matanggap nya ang text na yun iba na ang pakiramdam ni girl. Medyo nagbago na din si boy. Bihira na ito magtext at kapag tumatawag naman ito ay malungkot palagi ang boses. Kapag tinatanong ni girl kung may problema ba ito laging wala ang sagot nito. Ok lang daw ito at medyo busy lang. Pero hindi ito ang boy na kilala nya. Always positvie kasi yun at masayahin lalo pag tumatawag. Ramdam ni girl na may mali.

Screenshot_20180321_095458.png
Image Source

Isang gabi habang nakasunod si girl sa prosisyon ng simbahan, kasama ang mga kaibigan nya, biglang tumunog ang cellphone nya. Si boy ang tumatawag, ngunit bakit lasing ito. Umiiyak din ito at halos di nya maintindihan ang sinasabi. Humihingi ito ng kapatawaran dahil malaki daw ang nagawa nitong kasalanan sa kanya. Sana daw maunawaan sya ni girl. Alam daw ng Diyos kung gaano sya nasasaktan ngaun na masasaktan nya si girl. Nalilito man si girl nagawa nyang magtanong kung bakit nagkakaganun si boy. Doon na sumampal kay girl ang buong katotohanan. Si boy nga ang nakabuntis.

Screenshot_20180321_104545.png
Image Source

Para syang binagsakan ng langit at lupa. Hindi din sya makaiyak, parang syang sinasakal kaya walang lumalabas na boses sa kanya. Pero walang tigil sa pagpatak ang mga luha ni girl. Tulala din sya habang naghihinang umupo sa kalsada.

Screenshot_20180321_102338.png
Image Source

Wala mang maintindihan ang mga kaibigan nya sa nangyari, pinayuhan sya ng mga ito na iiyak lang ang lahat. At kung maari daw ay isigaw nya para makalabas ang hinanakit nya. Ganun nga ang ginawa ni girl. Humagulgol sya ng malakas na nakaagaw pansin din sa prosesyon kaya pinili nilang hindi na sumabay doon.

Ang sakit sakit, di nya maipaliwanag ang sakit. Nakakabaliw ang pakiramdam na dinudurog ang puso nya sa sobrang sakit. Bakit ba nagawa ni boy sa kanya yun. Sya nga ba ang nagkulang o ito ang hindi lumaban? Paano na ang pag ibig nila at ang mga pangarap nila, maglalaho na lng ba yun?

Nakailang tawag pa si boy pero di nya magawang sagutin. Baka kasi kung anu pa ang masabi nya dito. Kahit ang nanay nito ay tumatawag na din sa kanya kaya bilang paggalang sinagot nya ang tawag ng nanay nito. Babyahe daw ito papuntang Maynila para makausap ang nabuntis ni boy. Nakiusap din ito na kung pwede daw sagutin ni girl ang mga tawag ni boy kasi nag aalala sila sa kung anu ang pwedeng gawin nito.

Screenshot_20180321_100940.png
Image Source

Gabi-gabing tumatawag c boy at walang gabing hindi ito lasing. Ramdam ni girl ang pain nito at paulit-ulit din ang paghingi nito ng tawad sa kanya. Bawat paghingi nito ng tawag dumudurog sa puso nya. Walang alam ang nanay nya sa mga nangyari kaya pinili nyang ilihim yun.

Screenshot_20180321_095015.png
Image Source

Hanggang sa umuwi na ang nanay ni boy na kasama ito. Sinundo sya ni boy sa iskol nila, malungkot ito at nangayayat din. Yumakap ito sa kanya at bumulong ng I'm sorry", naluluha si girl pero pinigil nya lng ang emosyon nya. Dumeritso sila sa bahay nito. Doon si girl kinausap ng nanay nito na pumayag na daw yung nabuntis ni boy na ibigay ang bata pagkapanganak. Kakausapin daw nila ang nanay ni girl kung payag pero dahil si girl ang involve sya muna ang tinanong nga mga magulang ni boy kung papayag sya sa ganung arrangement. Tahimik lang si girl, sinabi nyang di nya pa alam kung anung isasagot nya, kaya pag iisipan nya pa.

Screenshot_20180321_093922.png
Image Source

Gulong-gulo pa ang isip ni girl kaya hindi nya alam ang isasagot nya. Niyakap ulit sya ni boy. Naisip nya kung ito na katapusan ng pagmamahalan nila pipilitin nyang kayanin ang lahat ng sakit. Pipilitin nyang mag move on dahil sabi nga sa kanta "there is life even after a broken heart.

Tanggapin kaya ni girl ang anak ni boy sa iba?
Abangan po yan sa susunod na kabanata.
Salamat sa pagbabasa sana nag enjoy kayo 😊

Yung hindi po nabasa ang chapter 1 just click this link:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/ako-ba-ang-nagkulang-o-ikaw-ang-di-lumaba

Sort:  

what a nice article :)

may chapter one yan..click mo yung link sa baba para mabasa mo ung kwento:)

Gigil ako kay boy. Nabasa ko na kanina pagka comment mo kaso di ko na na commentan may asignment pa kasi ako sa M.A.P.E.H. kanina

Ang ganda po! Next week ulit.

Ay nga po pala ang tag po para makita ng ibang taga steemitfamilyph ay steemitfamilyph po at hindi steemfamilyph.

oh..kaya pala..sige change ko po:) thanks for reading.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 58690.10
ETH 2310.28
USDT 1.00
SBD 2.49