Bagong Pag-ibig Ba o Panibagong Pagkabigo!?

in #story6 years ago (edited)

Si Sign ay isang mabait na kaibigan ni girl. Tahimik nga lang ito hindi katulad ni boy na sobrang kwela. Naging close sila sa isa't isa at marami na ding naikwento si girl kay Sign about kay boy. Mula ng binigyan sya ni Sign ng kwentas nagdalawang isip sya kung ito na nga ba ang para sa kanya. Si Sign na nga ba ang taong hiniling nya kay God? Pero bakit si boy pa din ang hinahanap hanap ng puso nya.

image source

Isang araw, habang lunch break ni girl sa work laking tuwa nya ng makatanggap sya ng text mula kay boy. Hindi nya alam kung papanu nito nakuha ang number nya pero hindi n yun mahalaga. Ni-save nya agad ang number nito, nagpalitan din sila ng text, nagkumustahan at tumawag din ito nung araw na yun after ng work ni girl. Halata ang tuwa sa boses nito kaya nagpasya silang magkita. Parang gustong nyang hilahin ang araw para makapag day off na sya dahil excited na syang makita si boy.

image source

Pero bakit ganun, di pa man sila nagkikita nawalan nanaman sya ng kontak kay boy. Ito kasing tiyuhin nya kinuha ang cellphone nyang nakapatong sa tokador habang naliligo sya. Isinanla ng tiyuhin nya ang cellphone para makapag-karakrus ito. At ang sim daw ay nilagay nito sa garter ng short pants nito, pero nawala din. Nanghihinang napaiyak si girl, papanu pa nya matatanong si boy kung saan sila magkikita. Sabi pa naman nito magtitext na lang daw ito, pero papanu nya pa matatanggap ang text nito. Umiyak ng umiyak si girl hindi dahil wala na syang cellphone kundi dahil nawalan nanaman sya ng pag asang makita si boy. Buti na lang malapit na ang sahod nya makakabili sya ng kahit mumurahin lang na cellphone para makontak ang pamilya nya sa probinsya.

image source

Lumipas ang ilang linggo na laging malungkot c girl,nakabili na din sya ng bagong phone pero anu pa ba ang silbi nun. Naisip nya na minsan mapaglaro talaga ang tadhana. Nakakapagod palang magmahal, maghintay, at lalo na ang umasa. Marahil si Sign na nga ang para sa kanya, nanliligaw na din kasi ito at umaasa ng sagot mula sa kanya. Sasagutin na niya si Sign, buo na ang desisyon nya. Wala naman na syang hahanapin pa kay Sign kasi mabait ito.

image source

Sinagot nga ni girl si Sign at tuwang-tuwa ito. Naging maayos naman ang relasyon nila at hatid sundo din sya nito sa work. Palagi din silang kumakain sa labas at namamasyal pero di pa rin maiwasang hindi sumagi sa isip ni girl si boy, may bago na din kaya ito? Naiisip din kaya sya nito?, Marahil nagtatampo si boy dahil di na sya nito makontak at di natuloy ang pagkikita nila.

image source

Ang bilis lumipas ng araw, tatlong buwan na pala sila ni Sign. Pero bakit parang may mali. Minsan magkasama sila pero palagi naman itong busy sa phone nito. Dahil hindi nya ugaling mangalikot ng phone ng boyfriend nya hinayaan nya lang ito. Bakit wala man lang syang nadamang pangamba o pagsiselos. Kapag may tumatawag sa phone nito na magkasama sila iniu-off nito ang phone. Minsan sasagutin nito pero dumidistansya pa ito sa kanya, di tulad ng dati na kahit sa harap nya nagri-recieve ito ng call.

image source

Malapit ng matapos ang contract nya at naiba din ang shift nya. Naisipan nyang puntahan si Sign sa inuupahan nito, kaba-baba pa lang ni girl sa tricy nakita nya si Sign sa may kanto. Di sya napansin ni Sign kasi may kasama itong babae, mukhang nag-aabang sila ng tricy. Nagtago si girl, kitang-kita nya ang dalawa sa pwesto nya at nakuhanan nya ng picture ang mga ito. Pinasakay lang ni Sign yung babae pero humalik pa ito kay Sign. Hindi sya tanga para hindi mag-isip ng masama kaya pinili nyang umuwi na lang. Ayaw nyang tanungin ito tungkol dun,naluluhang napailing na lang si girl. Wow ha,ilang buwan pa lang sila ganun na si Sign. Anu ba ang silbi ng sign na hiningi nya kung tulad ni Sign ang makakatuluyan nya. Sa maikling panahon ng relasyon nila nagawa na nitong magloko.

image source

Nagkunwaring walang alam si girl sa mga nangyayari kaya nagpatuloy lang ang relasyon nila. Apat na buwan ng relasyon nila, ayon at nahuli nya nanaman ang mga itong magkasama at sweet na sweet din. Gaya ng una hindi nya tinanong si Sign, kinuhanan nya lang ulit ng picture ang dalawa. Hindi nya masi-sisi ito kasi siguro halata nito na di pa sya makamove-on kay boy.

image source

Tapos na nga ang kontrata ni girl, nagyaya ang mga mga ka-trabaho nyang mag videoke. Napainom sya ng konti kaya sinundo sya ni Sign, niyakap nya ito ng mahigpit bago sya pumasok ng bahay. May namuong luha sa mga mata nya, minahal nya din si Sign, marahil hindi sapat yun. Hindi nya sinabi dito na uuwi sya ng probinsya. Gusto nyang palayain si Sign kaya uuwi sya, gusto nya ding makapag bakasyon at makapag-isip. Nag-iwan sya ng sulat pamamaalam para kay Sign at inilakip nya yung kwentas na bigay nito at mga pictures nito kasama ang babae. Hindi sya galit o nagtatampo, mas magaan pa nga ang loob nya ngaun. Nakahinga sya ng maluwag, mula ngayun hindi na sya aasa at hindi na rin nya hahanapin ang pag-ibig, di na rin sya maniniwala sa sign.

image source

Sometimes we have to be strong to let go and be patient enough to wait for what we deserve.

Magiging masaya pa kaya si girl ngaung dalawang beses syang nabigo?

Chapter 1: https://steemit.com/story/@lynbabe10/ako-ba-ang-nagkulang-o-ikaw-ang-di-lumaba

Chapter 2: https://steemit.com/story/@lynbabe10/how-do-you-heal-a-broken-heart

Chapter 3: https://steemit.com/story/@lynbabe10/pinaglalayo-nga-ba-sila-ng-tadhana

Sort:  

People who liked this post also liked:

INSPIRE OTHERS TO FIND THEIR VOICE... by @bakhtiar7

The Queen Of Nature by @sahariar01

We are Discover Steem, if you like our work consider giving us an upvote. :) If you don't wish to receive recommendations under your posts, reply with STOP.

Tsk! Sign!! Bakit ka ganyan akala ko pa naman okay ka na kay Girl!

Kawawa naman si girl lagi nalang syang nasasaktan.

Kaya nga eh..sana sa next chapter masaya naman:)

naku! lokong sign niyan ah... salamat sayong kwento @lynbabe10.

welcome po:)

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 58495.34
ETH 2300.70
USDT 1.00
SBD 2.47