"Ang Kumpletong Tuntunin Para sa Magandang Asal sa Steemit (Revision 2.0)"-- Filipino Version of The Complete Steemit Etiquette Guide (Revision 2.0).steemCreated with Sketch.

Another great steemian gave me the permission to translate one of his very imformative post- I consider this as a big opportunity! An opportunity to collect more useful information about steemit and share it to the Filipino Community for future promotions, meet-ups or gatherings.

Just recently, I made a translation about "What is Steemit.com?", a repost made by @stellabelle. Now, one of the very popular steemians in steemit, gave me a full support on translating The Complete Steemit Etiquette Guide into Filipino language. Thank you @thecryptofiend!

I find this post very educational as it promotes harmonious relationship between steemit community and its users just by following those simple guidelines. Not just by steemit itself, but also on users to users relationship.

PS: I changed/omitted some of the introduction as if I'm the one discussing it and not @thecryptofiend. Yet, giving thanks and credits to ones who finalized the article was done as a whole and not by a single person.

U5du2vPzTqP264CCFsfxosLQA5wuqz9_1680x8400.jpg

Pagpapakilala

Ito ang nakumpletong bersyon ng gabay para Etiketa ng Steemit.

Sa makailang beses ng sinabi noon na ang mga nakasaad dito ay mga Patnubay at hindi mga Panuntunan.

Ito ay para sa karamihan para maranasan ang magandang karanasan sa steemit lalo na yung mga bago palang. Walang perpekto at suspetsa ko na maraming nahulog sa mga bitag dahil sa mga kamaliang nagawa kagaya sa nasusulat dito.

May kasabihan nga: - "to err is human."

Walang pipigil sa iyo kung gagawin mo ang gusto mo kahit na itoy hindi gusto sa karamihan pero dapat ay handa kang masira ang reputasyo mo at ang imahe mo bilang isang steemian.

Walang makapipigil sa iyo.
Nobody can stop you.

Yan ang nagagawa ng isang desentralisadong plataporma.


U5drjWMYPVTTevksS58coBm22Ezo8tC_1680x8400.jpg

Mga pagbabago at mga pasasalamat

Kompara sa mga nagdaang bersyon ng patunbay na ito, ay may iniba na mga punto at may mga idinagdag na pagbabago at base sa mga tugon sa nakaraan, may mga itinanggal din.
Pinalitan rin ang mga imahe na makikita niyo dito para mabilis mag-load ang artikulo at mga imahe na iniba na sa tingin ay bagay sa paksa.

Mabusisi itong iniayos, tinignana ang mga kamalian at isinulat ng paulit-ulit. Sana ay makatulong ito sa inyo.
U5dtzk3cb9CwsmSGQhTofbc2ou6NwPt_1680x8400.jpg

Malaki ang pasasalamat ko sa mga taong nagbigay ng karagdagang kaalaman at mga amyenda sa artikulo na ito:
@englishtchrivy, @jasonstaggers, @timcliff, @dgiors, @cathi-xx and @stellabelle.


Ang Gabay


Isang mabilis na depinisyon galing sa Cambridge Dictionary


U5dtp3FRdDtnPyYLHVYykhxK4huYT76_1680x8400.png


Mga Patnubay


01) Wag kang mag-post at tumakbo matapos

U5du57bo97hTf2VqUkYVSqwncMXMKFN_1680x8400.jpg

Alam nating kinukulang tayo sa oras ngunit napaka klarong mali naman kung ang gagawin mo lang sa steemit ay mag-post at hindi magkukumento o maghahanap ng mga magagandang artikulo na sa tingin mo ay dapaat mabiyayaan. Sa makatuwid, kumukuha ka sa steemit ng hindi nagbibigay para sa iba o para sa steemit.


02) Wag sumobra sa pag-post

U5dtEUFbJDy1aZvDGvRcnbRE8CD2oSk_1680x8400.jpg

Sa sinabi na nga na karamihan sa mga tao ay hindi sapat ang oras. Maawa ka sa mga sumusunod sa iyo at wag kang mag-post na sobra sa puwedeng ipost araw-araw. Maaari kang mawalan ng mga taga sunod at maiibsan rin ang mga matatanggap mong gantimpala sa mga gawa mo.


03) Wag mag-post ng mga malalaswang bagay o larawan na hindi naka tag sa NSFW

U5dsMV5qCEMV6Ya5v2DLnEcdx3f9sbK_1680x8400.jpg

Ito ay importante. Maaaring katanggap tanggap yan sa inyong lugar o bansa pero hindi lahat ng nakakakita niyan ay tanggap sa kanila. Dahil maaring ang bumabasa nito ay isang bata. Dapat itanim sa kukuti na ang mga post na ito kapag hindi naka tag sa naayong tag na nsfw ay mafaflag.


04) Wag maging peke, kumopya at mag-post ng hindi sa iyo

U5ds7ZyBpYAUM7YQQT6yocypKVLwGbJ_1680x8400.jpg

Ito ay importante. Ito ay para sa mga taong nagbabalat kayo para lang magkapera sa steemit. Kumukuha at nagpopost ng mga nilalaman na hindi naman sa kanila. Marami ang nakatingin at nagmamasid sa inyo dito at alam nila na mahuhuli din kayo. Kahit anung laki ng pera pa yan, hindi yan mapapawi ng nasirang reputasyon mo.


05) Wag mag-spam ng tag. Gamitin ang wastong tag

U5dsBZnbFL9FcKPWo3W5xXmna85rRTm_1680x8400.jpg

Kapag ang post mo ay hindi akma sa tag na gusto mong gamitin ay wag mo nang gamitin na tag iyan. Maraming hindi gusto ang hindi tamang paggamit ng tag na nararapat sa post mo at malimit ipinaflag nila ang mga post na ito.


06) Wag mong i-resteem ang lahat ng nakikita mo

U5dsFgCoeYTPzzTeHAm7K7kb6McGvZL_1680x8400.jpg

Halos kagaya lang ito ng pag-post nang marami o lagpas sa post na dapat sa isang araw. Maganda ang naidudulot ng pag resteem ngunit dapat ay tinitignan mo rin ang pananaw ng mga tagasunod mo kung ang ireresteem mo ba ay magugustuhan nila o hindi. Dapat maging marahan lang sa pagresteem ng mga post kung gaano ito karami o kadalang iresteem.


07) Wag mag-post na mga links sa comment box na walang kinalaman sa post

U5dr98dnhmtAuhQQrPprEVkddd5cNuK_1680x8400.jpg

Ito ay tinatawag link spamming. Nauunawaan namin na malaking oras ang ginugul mo sa post mo ngunit kapag ito ay ibinahagi mo sa ibang artikulo na hindi naman related o walang kinalaman sa paksa ay hindi makabubuti sa reputasyon mo. May mga chat channel na naaayun sa ginagawa mo at mga online forums na puwede mong ibahagi ang iyong gawa.


08) Wag direktang humingi ng boto sa iba

U5drnDtA1EiePowY5pFPuvtbAjcSzNC_1680x8400.jpg

Kagaya din ito sa pagpost ng mga links. Ang paghingi ng boto ay okay lang kapag ito ay nasa isang promotion channel gaya ng steemit.chat o discord app. Wala namang masama kung hihingi ng boto wag nga direkta at dapat sa masistemang paraan na hindi nakakailang sa ibang steemian na bumabasa.


09) Wag umasa na iboboto ka dahil binoto mo siya

U5dtQuCrkqEcJvdaHYzMRd6nSmRPAzw_1680x8400.jpg

Kung binoboto mo ang isang steemian dahil sa ginawa niyang magandang artikulo para lang iboto ka rin niya ay hindi rin maganda. Bumoto ka dahil gusto mo ang gawa niya hindi yung gusto mo ring iboto ka rin niya. May mga ilan din na nakasasama sa loob dahil binoto mo sila na hindi naman binasa ang kabuohang gawa.


10) Wag kang manuhol para sa boto o follow o para magkapera

U5dqz9vcrsBBPKyqFhpJ6Ca3nGHLRuq_1680x8400.jpg

Isang bagay na madali lang maunawaan at unawain. Magagalit lang ang mga taong ginaganito mo at ikaw ay mafaflag. At tsaka hindi lahat ng tagasunod mo na binabayaran mo ay susunod sa iyo kaya sayang lang ang pera na binigay mo. At wag rin hihingi ng pera ng walang basehan na bagay gaya ng mga charity o kung anu man. Nakasasama ito sa iyo at sa reputasyon mo.


11) Wag gamitin ang steem wallet para sa atensyon

U5dtv9o4EfFKjYWX129oZrPwWRX38A8_1680x8400.jpg

Ang steem wallet ay pinapayagan kang magsumiti ng mga mensahe sa iba. Ngunit may mga iilan na ginagamit ang steem wallet para ma-ipromote ang kanilang sarili o kanikanilang gawa. Wag itong gawin dahil sayang sa pera at nakakasama sa ibang steemian.


12) Wag gamitin ang @all sa chat channels

U5ds8nRCBcttnCP6xARrzbgcynzmzGv_1680x8400.jpg

Kapag nakasali kana sa mga chat channels ay siguradong alam mo na kung ano ito. Nakukuha nito ang atensyon ng lahat ng tao na nasa channel at ito ay nakakarindi. Kaya iwasan ang @all o @everyone lalo na sa discord app channels.


13) Wag kontakin ng direkta ang mga taong di mo kilala sa chat channels

U5dteaQrSXC2cGPc3xmDGpEV8grTrJK_1680x8400.jpg

Maraming mga steemian na gumagawa nito na nagbibigay mensahe na pribado sa mga whales o mga malalaking steemians o sa mga steemians na may malalaking SP. Wag itong gawin maliban kung okay lang sa taong kinokontak mo lalo na kung importanteng bagay ang mensahe mo. Pero ang pag bahagi ng post ay hindi kaaya aya.


14) Wag i-flag ang nilalaman dahil di ka sang-ayun sa gumawa o sa nilalaman

U5dsRApMST17YqNd19zYNYTfHJM1cgG_1680x8400.jpg

Malaking isyu ito dahil maraming hindi sang-ayon sa pag flag ng mga nilalaman dahil lang hindi nila gusto ito. Napag sangayunan na ng buong kumunidad na ang pag flag ay para sa mga nilalaman na mapang abuso at hindi nakakabuti sa steemit. Kung may mga bagay na hindi mo gusto, mag lagay ka ng kumento sa artikulo at magpaliwanag at hindi yung ipaflag mo yung nilalaman.


15) Wag maging stalker o troll

U5drDiHv2bMQZryTFx2S37pb4qjTwKX_1680x8400.jpg

Okay lang na humanga sa mg magagandang steemians na sumasali dito sa steemit. Ngunit kapag ang paghanga mo ay sumobra na at naging stalker kana ay hindi na maganda at nakakabahala na sa tao. At yung mga aktibidadis na nagpapakita ng karahasan o kriminalidad ay siguradong nalalathala sa blockchain kaya ito ay isang stupidong gawain. Kasabay narin sa pagiging troll nakikita sa iyong reputasyon.


16) Wag mong ibahagi ang mga hindi kaaya-ayang mensahe sa iba

U5drq9uXvxNKeE3q8vJcHWu42GbLkhm_1680x8400.jpg

Napansin ko lang na may mga mensaheng binibigay ang ilang steemian sa mga magagandang babae sa steemit na hindi kaaya-aya. Alam kong di na dapat ito bigan ng malisya ngunit dapat isaalng alang natin na ang steemit ay para sa lahat lalo na sa kababaihan na ang steemit ay hindi kumunindad ng mga bastos na tao. Isipin niyo na lang kung ang mama mo ay nasa steemit at nababasa niya ang mga ganitong bagay.


17) Wag maging reyna ng kadramahan

U5dsC1QbNXKpXfgjVmLiUx8yx6do7NK_1680x8400.jpg

Tayong lahat ay nakaranas na ng hindi magagandang araw sa ating buhay at ang dapat nating gawing solusyon ay ang pag arte ng naaayun sa ating mga edad. Marami diyan na sa halip gawin ang tama ay sumobra pa ito at pinapahiya pa ang sarili na hindi namamalayan.


18) Wag dudahan agad-agad ang isa't isa

U5dtEQ8ndExcTXLDSUAtKit2aqyB3Wx_1680x8400.jpg

Hindi na ito bag. Ang bawat steemian ay naghahanap ng mga butas sa isa't isa na sa tingin ko ay mali. Sa tingin ko ay mabuti ang pagiging mitikuluso sa ibang steemian kapag sila ay napatunayan na may ginagawang kababalaghan o kamalian.


19) Wag mong gawing personal na bagay

U5dtuh1BmG83Tu49RaYrCtqTa2TrjXN_1680x8400.jpg

Kapag may mga bagay kang hindi nagustuhan, mas maaging pagusapam ito ng masinsinan at hindi yung gagawa ka ng post na nagpupunto sa isang tao o bagay na hindi mo gusto at naghihikayat pa ng ibang tao na kumampi sa iyo dahil sa tingin mo ikaw ay tama.


20) Wag punahin ang gawa ng iba maliban kung hinihingi nila

U5du6if5RFSYLvBfoYGV8Ay8pTAuaKu_1680x8400.jpg

Kapag hindi hinihingi ng gumawa ng nilalaman ang opinyon mo o kritisismo mo ay wag na wag mo itong punahin sa kung anu ang nakita mo. Kapag hinihingi naman ito sa iyo ay gawin ito sa masistemang pamamaraan na hindi nakakasakit ng damdamin.


20) Umamin sa kasalanan at humingi ng tawad

iStock_33850824_SMALL222a7.md.jpg

Kahit masakit sa kalooban na tanggapin na ikaw ay nagkasala ay mas mabuti na gawin sabay ang paghingi ng tawad. Simpleng bagay lang yan na kailangan ng tunay na sinsiridad at katoohanan sa sarili para magawa. Kapag nagkasala, ay humingi ng tawad.


21) Magpatawad sa iba

U5drvSfSSs8tZQ3LyMr4FCzRuJztNBX_1680x8400.jpg

Kabilang bahagi ng pagpapatawad. Kapag may ibang steemian na alam mong nagkasala at humihingi ng tawad, ay patawarin mo at bigyan nga pangalawang pagkakataon. Kapag may sama ka ng loob sa iba, hindi lang yan nakakasama sa ibang tao o sa nagkasala kudi sa iyong sarili at sa kumunindad na ikaw ay naroroon.


22) Ugaliing umatras minsan

U5dqzWuS9q6iVVurHv3rWmuELtPLqXX_1680x8400.jpg

Magmuni-muni sa mga argumentong nakukuha mo sa ibang tao. Minsan mas nakakagaan ng loob ang pag-atras para isipin ang bagay bagay at para makabawi ka para sa iyong sarili.


23) Sagutin ang mga kumentong binabato sa iyo

U5drm1dQF1f1fyAPjwdvHwuc1QdqKxN_1680x8400.jpg

Kapag ang mga taong naglalaan ng oras para basahin ang mga gawa mo at may mga kumentong nilalagay ay dapat mong basahin ito a sagutin amg bawat kumento o punto. Mauunawaan ng iilan kung maraming kumento ang hindi mo masaagutan ngunit kung palagi mo nalang iniiwasan ito ay hindi rin maganda sa imahe mo.


24) Tulungan ang iba at magpasalamat

U5du1Z9YtKhhUzBYFVRESFy3BT6AF7X_1680x8400.jpg

Marami tayo dito na may alam sa cryptocurrencies at ang konsepto nito. Pero hindi ito nangangahulugang may alam ang lahat ng tao sa stemit. Tulungan ang ibang steemian para matuto sila sa kung anu ang cryptocurrency at ang konsepto nito. At ang huli, wag kalimutang magpasalamat sa mga taong tumulong din sa iyo.


25) Ibahagi ang magagandang post

U5drcC95Ldwiq4sgHjP5RSfJtpRiNn5_1680x8400.jpg

May mga link na makikita sa ibaba ng bawat artikulo na iyong ginawa o ginawa ng iba, ito ay mga button para maibahagi mo ang mga magagandang nilalaman sa iba pang social media gaya ng Twitter, Facebook at LinkedIn. Ito ay hindi lang para sa mga awtor ng magagandang artikulo kudi para malaman ng iba ang tungkol sa steemit na may steemit para sa lahat.


26) Bisitahin ang mga bagong nilalaman

U5dr7ancej6VUV2cMPt73u79BpWbJ1o_1680x8400.jpg

Maraming mga bagong tao na sumasali at dumadating sa steemit araw araw. Mahirap makakuha ng atensyon na gusto ng mga tao sa dam ngmga sumasali at nagpopost. Kaya naman, ugaliing bisitahin ang mga bagong artikulong ginagawa o nailalathala sa steemit at bigyan ito ng panahon na basahin at halaga parasa awtor. Hindi lang sila ang nabibigyan ng gantimpala bagkos ikaw rin na nakakita.


27) Magkumento kung may ifaflag ka na post at balikan ito para tignan ang tugon

U5drppLfbKyEk9KZ3Ror7KZZ9oN32D8_1680x8400.jpg

Isang kurtisiya na kapag nag flag ka ng post ay dapat mag-iwan ka ng mensahe para sa akda ng artikulo. At kapag nagiwan ka ng mensahe ay dapat balikan ito para malaman ang tugon ng may-akda kung may tamang rason para hindi siya iflag ay alisin ang flag. Hindi makatwiran ang pag-flag na walang basehan.


28) Magbigay ng beripikasyon

U5dtGvBZACqRzPuocQ9KKbZLHEr7pMz_1680x8400.jpg

Hindi mo kailangan na iberipika ang iyong sarili sa steemit ngunit nakakatulong ito para pagkatiwalaan ka ng ibang tao sa steemit at makakuha ng mga solidong boto sa mga tagasunod mo. Basahin ang napakagandang eksplinasyon na ginawa ni @reneenouveau.


29) Basahin ang panuntunan sa channel na kabilang ka o channel kung saan magpopost ka

U5drk4MP4kY3FLf8omHEnFdz6LDQEuK_1680x8400.jpg

Basahin ang mga panuntunan. Yan ang dapat unahin bago mag-post sa isang channel. Kapag nagkamali ka dahil na di mo nasunod ang nakasaad dapat gawin ay humingi ng tawad at ibura ang iyong post.


Photo Credits: Ang lahat ng mga larawan na ginamit ay kinuha sa personal na Istockphoto.com at Thinkstockphotos UK.


Maraming Salamat!"

"best of time"

Sort:  

"Wag maging stalker" ayay hahaha sa facebook nalang to gawin mas maganda mang stalk doon kaysa dito hahaha!

Hugot!

Resteemed, very informative!

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by concordia(themanualbot) from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

mabuting basahin para may matutunan

Waw sinderella.
I like your post..

Maraming salamat @themanualbot. Tunay kang kahanga hanga. Good job buddy!!!

Maraming salamat sa impormasyon mo. Tama lahat ng nakasaad, matutong sumunod sa mga patakaran at dapat alam natin ang ating limitasyon para hnd tao nakakaperwisyo ng kapwa natin. 👍

Magaling ito. :D

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 75969.36
ETH 2843.76
USDT 1.00
SBD 2.56