Promoting #radyoserye by @jennybeans and my letter to DJ Jelly ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€

in #radyoserye โ€ข 6 years ago (edited)

Magandang buhay po sa lahat!

Atin pong subaybayan ang napakagandang boses ni DJ Jelly @jennybeans na animo'y angel na bumaba sa lupa mula sa langit upang magbigay buhay sa ating mga radyo. Hahaha. Wala pa po sariling istasyon sa radyo baka hanapin niyo kung anong istasyon siya. Hahaha. Hanep nga si DJ Jelly dahil sa steemit agad unang labas niya. Nakakaproud siya. Naging tuloy tuloy career niya. Nagsimula siya sa #steemitserye hanggang sa #steemitdora. Tapos heto siya ngayon nabigyan ng napakagandang break ang #radyoserye. Hahaha. DJ Jelly @jennybeans gorapush at keribels yan. Dadami na love letter sender mo nito. ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€

Sa mga nahuhuli sa mga kaganapan, tunghayan niyo po ang kauna-unahang labas ni DJ Jelly @jennybeans.

Napakaganda ng boses ng ating DJ. Siguradong mabibighani kayo. Ano pa hinihintay niyo? Punta na kayo dito para malaman niyo rin na totoo mga sinasabi ko. Mamaya niyan susulat rin kayo sa kanya.

Katulad ko ngayon, ilalathala ko ang sulat ko ky DJ Jelly @jennybeans. Sana basahin niya sa kanyang #radyoserye. Hahaha. Sis @jennybeans eto na sulat galing sa isang napakagandang dilag. Huwag mo baguhin ang kwento. Hahaha

image

Dear DJ Jelly,
Magandang buhay po saiyo. Alam niyo po ba na sobrang saya ko na mabalitaang nag-umpisa na ang #radyoserye mo. Gusto ko pong ibahagi sa madlang pipol ang napakagandang buhay pag-ibig ko. Hindi po eto katulad ng buhay pag-ibig sa #steemitserye. Alamin niyo na lamang po kung bakit. Para hindi na masyadong tumaas mga pinagsasabi ko heto po ang aking kwento.

DJ Jelly ang buhay pag-ibig ko na ata ang pinakasimple sa lahat. Walang masyadong iyakan at awayan. Noong bata pa kasi ako pinangako ko na sa sarili ko na hindi ako magnonobyo hanggat hindi ako disiotso anyos. Puro pag-aaral inatupag ko. Hindi ko pinapansin mga manliligaw. Wala akong oras para sa ligawan. Hanggang sa nag kolehiyo ako at nag disi otso sabi ko sa sarili ko, Heto na pwede na ako magnobyo. Kung kelan naman disi otso na ko saka naman walang nanliligaw sa akin. Handa na akong magnobyo waley naman. Lumipas na ang isang taon waley pa rin. DJ Jelly nun disi nuwebe ako saka naman meron nanligaw sa akin. Parang lulundag at sisigaw ako nun sa tuwa. Nasabi ko sa sarili ko, Omg! Eto na ata ang hinihintay ko. Isang buwan lang po siya nanligaw sa akin DJ Jelly sinagot ko agad. Atat na atat ata ako nun na magkanobyo. Hahaha. Alam mo ba DJ Jelly sobrang tahimik namin sa unang labas namin. Nanginginig po mga kamay niya. Hahaha. Unang nobya siguro niya ako, katulad ko rin na unang nobyo ko siya. Hahaha. Lumipas ang mga araw, linggo at buwan napagpalagayan na namin ang isa't isa. Naging masaya po kami sa mga araw na magkasama kami. Hanggang sa isang araw nakipagkita siya sa akin at boom nakipaghiwalay siya akin. Wala naman po ako ginawang mali DJ Jelly. Hindi nga kami nag aaway DJ Jelly dahil pinangako ko rin sa sarili ko na kung ako ay magkanobyo ayaw ko ng away at hindi pagkakaunawaan. Kung meron man di pagkakaunawan dapat maayos agad. Mahal ko po siya at seryoso naman po ako sa relasyon namin. Inamin naman po niya na sarili daw niya ang kanyang problema. Wala daw po ibang babae dahil mahal din daw po niya ako. DJ Jelly halos nadurog puso ko nun. Di ko matanggap rason niya. Umiiyak ako na iniwan siya. Halos di ko na makita dinadaanan ko sa labis na pag-iyak kasing kulimlim ng panahon sa araw na yun. Di ko namamalayan binabagtas ko na pala ang pantalan. Gusto kong kumawala sa sakit na nadarama. Gusto kong tumalon sa pantalan. Pero ayaw ata ng panahon na sayangin ko buhay ko sa walang kwentang tao at pag-ibig. Lumabas si kidlat at ako'y biglang natauhan. Ano etong ginagawa ko nakakahiya sa mga taong nakakasalubong ko sa daan. Magpapakamatay na ata ang loka. Hahaha.
DJ Jelly sa una po di ko pa matanggap na ang una kong pag-ibig ay ang saklap. Lumipas ang mga buwan tanggap ko na ang kabiguan ko sa unang pag-ibig. Pero DJ Jelly, bigla pong bumalik sa buhay ko ang una kong pag-ibig. Gusto po niya bigyan ko pa siya ng ikalawang pagkakataon. Nagkamali daw siya sa naging desisyon niya noon. Ako naman si tanga nagpakatanga pa talaga. Tinanggap ko siya ulit ng buong buo dahil nga sa mahal ko pa un tao. Ayon pa nga sa kasabihan, Love is sweeter the second time around. Totoo po yun DJ Jelly naging sobrang sweet at maalalahanin siya sa akin. Hanggang sa sinama na niya ako sa kanila at pinakilala sa pamilya niya. Hiyang-hiya po ako nun sa pamilya niya kasi galing lang kami paaralan at naka uniporme pa. Sabay kaming nananghalian ng pamilya niya. Dahil sa gabi pa ang sunod naming klase nanood lang muna kami ng palabas. Kaming dalawa na lamang po naiwan sa bahay nila. Nagpunta kasi ng bayan pamilya niya. Di ko mawari kung ano ang aking iisipin sa mga panahong yun DJ Jelly. Eto na ata ang kinatatakutan ko ang magkasarilinan kami. Alam mo naman DJ Jelly na sobrang pusok ng mga kabataan ngayon. Rated PG muna tayo DJ Jelly. Habang magkatabi kaming nanonood hinawakan po niya mga kamay ko at kanyang hinalikan. Saka pinaharap niya mukha ko sa kanya. Omg! Hinalikan niya ko. Unang halik ko po un DJ Jelly. Pero daplis lang. Hahaha. Akala ko yun lang gagawin niya DJ Jelly. Hinalikan po niya ako ulit. Matagal po DJ Jelly. Hindi po ako marunong humalik. Mukha atang eksperto na siya sa paghalik DJ Jelly kaya na sabayan ko siya sa paghalik. Ewan ko ba kong bakit nagustuhan ko mga halik niya at napasabay pa ako sa kanyang paghalik. Natuto na ata akong humalik. Hanggang sa nadadalaa na kami sa aming mga emosyon DJ Jelly. Nagiging mapangahas na mga kamay niya. Naglalakbay na siya sa likod ko papuntang hmmmm. Saka naman ako natauhan at parang nabuhusan ng malamig na tubig. Natakot ako DJ Jelly. Pinangako ko kasi sa sarili ko noon na ibibigay ko lamang sarili ko sa asawa ko na. Ngunit bakit ganito ngayon ang nangyayari sa amin. Mabuti na lang DJ Jelly bumalik agad ako sa tamang pag-iisip. Habang patuloy niya kasi akong hinahalikan dinadala na pala niya ako sa kwarto niya. Kaya bigla ko siyang naitulak. Kitang-kita po sa kanyang mukha at mata ang pagkadismaya sa ginawa ko. DJ Jelly wala akong masabi dahil alam ko sa sarili ko na nagkamali rin ako kasi hinayaan ko siya sa umpisa pa lang. Naging tahimik kami DJ Jelly walang gustong magsalita sa amin. Inayos namin mga sarili namin hanggang bumalik kami sa eskwelahan. Alam mo ba DJ Jelly na hindi po siya nagsorry sa akin. Parang wala lang nangyari DJ Jelly. Balik sa normal relasyon namin. Hanggang sa isang araw nagpaalam siya sa akin na sa Manila na siya magpapatuloy ng pag-aaral. Iiwan na niya ako DJ Jelly. Magiging malayo na kami sa isa't isa kaya sinulit namin ang mga huling araw na magkasama kami. Hanggat sinundo niya ako sa eskwela at sumama sa tinutuluyan kong boarding house. Ako lamang po mag-isa sa boarding haus ng mga araw na iyon kasi nagsipag-uwian mga kasama ko sa kwarto. DJ Jelly natuto na ako kaya hindi ko sinarado ang pinto. Saka siya po DJ Jelly gusto niyang isarado ang pinto. Ayaw ko na pong maulit ang mga nangyari sa una baka kung saan pa kami mapunta pagsisihan ko pa sa bandang huli. Ilang buwan na lang kasi magtatapos na ako ng kolehiyo baka majunakis pa ako tapos maiwan akong luhaan dahil punta siya ng Manila. Ramdam ko po DJ Jelly na gustong gusto niya akong masolo. Pero siyempre pinairal ko isip ko saka inisip ko rin mga magulang ko na lubus lubos ang tiwala sa akin. DJ Jelly puro lang po kami kwentuhan nun. Madaling araw na po siya umuwi kasi brown out at wala akong kasama sa kwarto. DJ Jelly wala pi nangyari sa amin kahit nga pahalik di ko pinayagan. Hindi ko po un pinagsisihan DJ Jelly. Dumating na ang araw ng kanyang pag-alis. Naging madrama huling tagpo namin. Nangako kami sa isa't isa na. Pero ang mga pangakong binitawan niya ay hindi natupad. Nagkaroon po siya agad ng karelasyon dun. Hindi ko naman siya masisisi baka dun niya nahanap at nakuha sa karelasyon niya ang hindi ko maibigay sa kanya. Sa una po sobra iyak ko pero sa kalaunan nasabi ko sa sarili ko na tama pala ang ginawa ko sa hindi pagsuko ng bandera. Dahil kung nangyari yun baka hindi ako nakatapos ng pag-aaral at walang magandang trabaho ngayon. Tama po DJ Jelly nagtatrabaho na ako ngayon. Pinilit kong kinalimutan unang pag-ibig ko. Lumipas ang maraming taon na hindi na ko nagnobyo. Natatakot akong magmahal muli at iwan sa tabi. Kaya ngayon single pa rin ako.

Nagmamahal,
@shikika

DJ Jelly ang karugtong ng aking kwento sa susunod ko na ipublish. Abangan niyo po ang mga sumunod na nangyari. Masyado na kasi mahaba. Lampas kinse minutos na ata eto. Hahaha. Meron pa po karugtong una kong pag-ibig. Hahaha.

Sana po meron nakuhang aral ang ating mga tagapakinig. Hahaha.

Maraming maraming salamat po DJ Jelly sa pagbabasa ng aking kwento. Mga kathang isip po lamang ang kwentong yan. ๐Ÿ˜‰ Hanggang sa muli. ๐Ÿ˜€

Sa mga gusto pong magbahagi ng mga kwentong buhay pag-ibig magpadala lamang po kayo ng sulat kay DJ Jelly @jennybeans. ๐Ÿ˜€

I am very grateful happy and waiting. ๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ’–

Be grateful in every little/simple things and you'll find happiness you ever wanted! ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€

Everyday is worth to be grateful of!

How about you? What's your #gratefulvibes story for today? Join the #gratefulvibes community challenge of @paradise-found as it is extended forever. You can share yours and show to Steemit world how grateful you are. Feel free to comment and share. See you around! ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ’–

I am inviting everyone to join us at,
Gratefulvibes Community Discord Server
Steemgigs Discord Server
Steemitserye and Steemitdora Full Force

Let the #teardrops of gratefulvibes begins! ๐Ÿ˜€๐Ÿ’–

P.S. Please support my witness @surpassinggoogle who inspire me continue what I started. To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:

image

Yours truly,

@shikika with much love ๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€

Keep steeming! ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€

image

image

U5duDsPLWVkRfhiP758pZa8Qhn95oFE.gif

Sort: ย 

Inday inday nakain ka han kasunog han munyika. ๐Ÿ˜

Hahaha. Mommt nakadto ak minuhang.

uy sis @shikika, kaloka yung love story mo ... my goodness!!
kailangan ko atang mag modulate ng boses kasi ang kulit ng letrahan natin
at tyaka dhai parang di ko keri basahin yung RATED PG lines .. bata pa po ako HAHAHAHAHA pero totoo pwedeng i-skip yun???

Wahahaha. Kahit totoo man yan o hindi ang kwentong naipadala ko saiyo DJ Jelly basahin mo lahat. Wala dapat iskip! Hahahaha.

Waaaaaa ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ
Di ko keri dhai... Daw eew, yuck, kaluod Hahahaha
Di gyud nako ma imagine akong self na basahon to dhai... Waaaaaaa bahala ka diha Hahahahaha

Wahahahaha. Basahin mo na sis. Nyahahaha

grabeee ang ganda ng peg, haba ng hair ni ate
nag- enjoy ako don hehehe
mapusok na pag ibig bute na lang nd ka bumigay sis nyahaha
bata pa si jelly, yong ano ano..naku patay na kaya mo yan @jennybeans

panalo to! winner!

Wahahaha. Nasa tamang eda na si jelly sis. Hahaha
Salamat sis at nagustuhan mo. ๐Ÿ˜€

Ang ganda nga ng lovestory ni @shikika sis kaso waaaaaa di ko ata keri yung linyahan Hahahaha ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

grabe ganon pala ang istoryahe ng lovelyf mo sis..mapusok hehe wag kang mag alala late bloomer din ako tulad mo pero wag naman sanang ang kadestiny mo sis is gurang din na tulad ng asawa ko wahahaha..halos anak na nya akong tignan kasi pandak si ako at halos lolo na rin sya ng mga junakis namin hahaha! magkaganon pa man ay loyal naman si sugar daddy(diabetic kasi sya kaya sugar) lol! kaya ok na rin sis.. hehe

Wahahaha. Natawa ako sis sa comment mo. Dami tawa ko dito. Hahaha. Abangan mo sis ang karugtong ng kwento. Hahaha
Ang mahalaga sis mahal na mahal niyo ang isa't isa. Siguradong lubos kayong pinagpala. ๐Ÿ˜€๐Ÿ’–

Wow..te @shikika ngyn ko lang nabasa to 'til d end...ganun pala ang lovestory mo dati hehehehh๐Ÿ‘๐Ÿ’ž๐Ÿ˜€

Wahahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60005.26
ETH 2409.81
USDT 1.00
SBD 2.43