Tagalog Poetry : Puso Laban sa Pera

in #poetry6 years ago

images (4).jpeg
Pinanggalingan ng larawan

"Puso Laban sa Pera"

Dalawang makapangyarihan
Ang maglalaban
Sino kaya ang mananaig
Sa larangan ng pag-ibig


Puso ko na ang pag-ibig libre
O ang kanyang pera na pag-ibig mo'y bininili
Pero bakit siya ang iyong pinili
Pag-ibig ko ba sayo ay may mali?


Kay sakim ng iyong ginawa
Ako lang ay iyong pinaasa
Ako sayo'y nalalaswa
Sapagkat hanap mo lang sa lalaki ay pera


Sana'y sinabi mo nalang sa akin
Na pera lang ang iyong papairalin
Para lahat ng aking barya ay aking iipunin
At ibibigay ko sayo para sayo'y ipakain


Sana'y sinabi mo nalang sa akin
Na pera lang ang iyong papairalin
Para maghanap ako ng trabahong papasukin
Nang sa gayo'y tayo parin


Pero alam mo ba?
Kahit ganyan ka
Kahit mukha kang pera
Mahal na mahal parin kita


Dahil sa taglay mong ganda
At sa masayang kasama
Pero mapapatawad pa naman kita
Bumalik kalang sakin at tayo'y muling magsisimula


Pero tanga ba ako?
Tanga dahil puso ang gamit ko sa pagpili sayo
O tanga dahil di ko mabili ang gusto mo
Dahil yang pera lang naman ang wala ako


Puso, apat na letra
Pera, apat rin na letra
At mahal na apat din ang letra
Saan kaya dito sayo mas mahalaga


Mahal dahil sa puso yon ang iyong nadama
O mahal dahil gusto mo ang kanyang pera
Sana'y maging matalino sa pagpili
Kasi baka sa huli ika'y magsisi


Nawa'y nasiyahan kayo sa aking gawang tula na resulta lamang ng aking malikot na imahinasyon. Maraming salamat sa paglaan ng oras sa pagbasa ng aking tula at sana'y magustohan niyo ito.

Sanay suportohan niyo po ang tulang ito na aking ginawa ko kahapon at nitong mga nakaraang araw.

Thanks and Godbless
@jumargachomiano

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 67003.49
ETH 3502.34
USDT 1.00
SBD 2.87