Word Poetry Challenge #4 : Makalumang Harana

images (2).jpeg
Pinanggalingan ng larawan

"Makalumang Harana"

Isang makalumang harana
Dala'y lumang gitara
Suot ay pormado at parang banda
Dahil may kasama pang mga barakada

Ito'y makalumang pamamaraan
Sa pagsuyo ng mga kababihan
Ito'y epektibo minsan
Pero minsan hindi naman

Ito ay pormal na pamamaraan
Sa pagsabi ng iyong nararamdaman
Sa babaeng iyong nagugustuhan
Na pag nagkasundo sa kasal ang patungohan

Gitara'y sisimulan ng tugtugin
At kasabay na ng iyong kakantahin
Iyong sinisinta'y sa bintana dudungaw narin
Mga mata nyo'y sa isa't isa nakatingin

Pero minsan pag nagagalit ang ina ng iyong sinusuyoan
Sapagkat dis oras na ng gabi at oras ng tulugan
Ikaw ay talagang matatapunan
Ng arinola na ihi ang laman

Sinyales ng kayo'y papaalisin
Pero may iba na kayo'y papasukin
At sa pagpasok kayo'y aalukin pa ng inumin
Inuming tubig or juice para ikaw at ang pamilya mag-usap ng masinsin

Pero tila ito'y nawawala na ngayon
Sa makabagong henerasyon
Sapagkat iba na ang ginagamit nilang stilo
Ng pamamaraan sa pagsuyo

Minsa'y dadaanin nalang sa usap-usapa't biroan
Hanggan sa maging magka-ibigan
Minsa'y sa text nalang magkakilala
At mag-eeyeball para magkita at magiging sila na

Pero kahit papaano
May gumagamit pa naman nito
Mga binatang ang harana
Ay uso pa sa kanila

Katulad ko
Makalumang harana ang aking gusto
Sapagkat sa aking tingin mas kikiligin sila dito
Mga babaeng harana'y kanila ring gusto

Makalumang harana
Ay magandang ala-ala
Sa mga matatandang asawa
Sapagkat ang iba'y dito nabuo ang pag-ibig nila

Ito po ang aking entry sir @jassennessaj para sa pang-apat na patimpalak ng "word poetry challenge" at sa magiging hurado nawa'y magustohan nyo po ang aking orihinal na gawa na tula at maraming salamat. Gusto ko ring magpasalamat kay @jassennessaj na ginawa nya ang patimpalak na ito dahil mabibigyan ako ng tsansa na ibahagi sa publiko ang aking tula. Maraming salamat rin sa paglaan ng oras sa pagbasa ng aking tula at sana'y magustohan nyo ito.

Thanks and Godbless
@jumargachomiano

Sort:  

Tunay kang makata @jumargachomiano. Ako'y naantig sa estorya ng tula :)

Maraming salamat @jassennessaj na binasa mo at naantig ka sa aking tula :)

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 66895.91
ETH 3499.24
USDT 1.00
SBD 2.89