Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya

o8mela-b88730583z.120160611113953000g6oh3h9t.10.jpg
Pinanggalingan ng larawan


"Gintong Medalya"


Isang matamis na tagumpay
Ang nangyari sa aking buhay
Na aking iaalay
Sa aking natatanging inay

Tagumpay na parang isang gintong medalya
Na ibibigay ko sa kanya
Sapagkat nang dahil sa kanyang sakripisyo
Nakapagtapos ako ng kolehiyo

Mga gabing aking pinagpuyatan
Mga pagsubok na aking nadaanan
Pati ang aming kahirapan
Ay hindi naging hadlang kailanman

Pati narin sa aking magiting na itay
Sa pagtatrabaho ay walang tigil at humpay
Umaraw man at umulan
Maging maganda lang ang aking kinabukasan

Kahit sa klasi ako'y may kahinaan
Minabuti kong lahat ay aking pag-aralan
Nang sa gayon meron akong matutuhan
At magkaroon ng kahit kunting kaalaman

Ang aming pagod ay talagang sulit
Na kahit bumabagsak ako misan sa mga pasulit
Ay minabuti kong di mauulit
Kaya tagumpay naman nito ang naging kapalit

Mga aking natutunan sa pag-aaral at mga kaalaman
Ay natatanging kayamanan
Na maiibigay at maipapamana sa ating mga magulang
Na walang makakakuha at makakanakaw kahit sino man

Kaya itong gintong medalya ng tagumpay
Na taos puso kong iaalay
At sukli sa inyong walang tigil na suporta
O aking magiting na ina at ama

Ito po ang aking entry sir @jassennessaj para sa pangatlong patimpalak sa "word challenge poetry" na ang tema ay gintong medalya at sa magiging hurado sana magustohan niyo po ang aking orihinal na gawa at maraming salamat. Sa mga naglaan ng oras para basahin ang aking tula ay maraming salamat din sa inyo at nawa'y magustohan niyo ito dahil alay ko ito sa aking magulang.

Thanks and Godbless
@jumargachomiano

Sort:  

Congratulations @jumargachomiano! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Nakakatuwa pong mabasa ang tulang ito. Good vibes talaga 😊
May tagumpay na makakamit sa pagsisikap. - Junjun ng #tagalogtrail

Maraming maraming salamat sa pagbasa po @tagalogtrail

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jumargachomiano being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 68154.08
ETH 3274.07
USDT 1.00
SBD 2.66