PANGARAP : Filipino Poetry

in #poetry7 years ago (edited)

image
Imahe mula sa:Google

Pangarap


Pangarap na gustong makamit, tila ang tsansa ay sobrang liit.
Munting Pangarap ko'y gustong kung simulan, walang hahadlang kahit sino man.
Madalas kong panalangin sa panginoon,
Na sana'y matulungan na makamit ang mga iyon.

Daan patungong Pangarap man ay matarik at halos di mahagilap.
Ito'y aking kakayanin upang masunod ang layunin ng aking damdamin.
Kahit anong balakid ang landasin basta may Pangarap na bukas aking makakaharap.
Aking ipapakita aking galing at aking mga mithiin.

Sa Pangarap laging nauuna ang hirap,
Ngunit sa dulo ng hirap asahan mong Pangarap ay may dalang sarap.
Upang makamit ito haba-habaan ang dalang sakripisyo.
Kaya wag mawalan ng pag-asa, dahil bukas makalawa Pangarap ay ating makikita.

- @jayparagat

Upvote | Resteem | Comment


@jayparagat

jayparagat.png

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jayparagat being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Kaya wag mawalan ng pag-asa, dahil bukas makalawa Pangarap ay ating makikita.

Isang inspirasyong tunay. Ang pangarap, pinagsisikapan, pinagpapaguran at pinagpapagal. Mas masarap makamtan ang pangarap kung iyan ay matatanggap.

Walang anuman @jayparagat! Kung ikaw ay may pagkakataon maari kang sumali din sa aking patimpalak na biglaang kolaborasyon. Nasa ika apat na araw na ako ngayon.


P.S. pwede ko bang gamitin din ang piyesang ito para sa biglaang kolaborasyon?
Narito ang alituntunin ng mga patimpalak.

Pwede kaibigan..ako'y masaya na aking likha ay iyong napansin..

Salamat kaibigang @jayparagat, ang iyong akda ay ang aking ginamit para sa ikalimang araw.

kay gandang tula

https://steemit.com/teardrops/@beyonddisability/ang-mga-kulay-ng-watawat-ng-pilipinas... ito po ang aking tugon sa hamon ng Biglaan Kolaborasyon ng @tagalogtrail

Paano kung hindi matupad ang panagarap?
Ano ang magiging balakid sa pangarap?

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 60883.28
ETH 2401.75
USDT 1.00
SBD 2.63