Patimpalak sa Biglaang Kolaborasyon Ika-Limang Araw

in #pilipinas7 years ago

Magandang umaga mga ka steemit! Nasa ika limang araw na kaagad tayo ng biglaang kolaborasyon! Grabe ang bilis lang talaga ng panahon.

Para sa ika-limang araw ang napiling kong akda na gagamitin para sa biglaang kolaborasyon ay ang gawa ni @jayparagat

PANGARAP : Filipino Poetry


Ang tulang ito ay nagbibigay inspirasyon para sa atin na magpatuloy lang sa pangangarap at magsikap din para ito ay makamtan.

Ngayon ang pagsubok, sa isang tula o kwento ano sa tingin mo ang maaring maging balakid para matupad ng isang tao ang pangarap? Paano kung mabigo ang pangarap?

Muli kailangan nyong kumuha ng ideya mula sa tula ni @jayparagat. Kung maari kayong mag comment sa post nya ay mas mainam din para alam ng ating butihing kaibigan na ang kaniyang likha ay nabasa 😉

  • Ang palugit sa pagsusumite ng gawa ay hanggang April 17 2018 alas dose ng tanghali.

Paano mapipili ang nagwagi sa patimpalak?

Ang magiging hurado ay ang mismong may-akda ng piyesang ginamit. Isa lamang ang kaniyang pwedeng piliin na magwawagi sa pagkakataong iyon. Ang anunsyo ng nanalo sa paligsahan ay magaganap pagkatapos ng 7 araw ng naunang anunsyo. Lalagyan ko din ng munting deadline para alam ng hurado kung hanggang kailan siya pwedeng pumili. Sa pagkakataong walang napili ang awtor ay magkakaroon ng kahalili na pipili ng nanalo at ito ay ang inyong lingkod.

Para sa kumpletong detalye ng paligsahan maari mong i-click ang link

Kung may katanungan man kayo, maari kayong mag comment o magpadala ng mensahe sa aking FB account

Sort:  

Salamat kaibagan at na e feature mo sa iyong pahina ang aking likha. 😊😊😊 @tagalogtrail..

Karapat-dapat namang ilagay ang iyong likha sa patimpalak kaibigan. Nawa'y magkaroon ka pa ng mga mambabasa sa iyong akda.


Tunay na isang magandang obra.
Salamat sa iyong ibinigay na inspirasyon kaibigan!

https://steemit.com/teardrops/@beyonddisability/ang-mga-kulay-ng-watawat-ng-pilipinas

ito po ang aking tugon sa "pangarap" ni @jayparagat...

sinikap kong tugunin ang hamon at isama sa kwento
naway inyong maibigan

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 60826.76
ETH 2393.38
USDT 1.00
SBD 2.62