Lingguhang Ulat ng Tagalog Trail : Mayo 06, 2018

in #pilipinas6 years ago (edited)


TagalogTrail

Kamusta mga tropang Pinoy!

Ako po si Junjun ng TagalogTrail, kasama ang pinsang si Toto, na maghahatid ng lingguhang ulat ngayong araw.

Una po sa lahat, maraming salamat po sa mga sumusuporta sa @tagalogtrail: sa mga manunulat at mambabasa ng likhang Filipino, at lalo na rin po sa mga tao at grupo na nagpahatid ng suportang pinansyal at upvotes. Special mention po sa @bayanihan at @steemdump na malaking tulong pong naibigay samin nun mga nakaraang linggo.

Dahil sa suporta ninyo nagkaron po kami ng mas maraming pondo para sa aming maraming proyekto gaya ng #tagalogsanysay, #tagalogserye, #tagaloglogo at #tagalogbanat. Asahan nyong mas magiging aktibo pa kami ni Tito at mas marami pang pakulo at good news ang dadalhin namin sa inyo

Maglilipat-Bahay po ang Arawang Edisyon

At eto po ang isang bagong good news. Sa suporta at kooperasyon ni ginoong @themanualbot, isang curator ng @bayanihan, magkakaron na po ng bagong bahay ang Arawang Edisyon ng @tagalogtrail. Simula sa darating na mga araw ay mababasa nyo na po ang arawang tampok ni Toto ng mga akdang Filipino sa blog account ni @themanualbot. Asahan nyo pong mas marami na pong makakakita at makakabasa sa inyong mga likha. Bukod pa roon, magkakaron din po ang mga naitampok na likha ng 30% upvote mula kay TheManualBot at magkakaroon po ng pagkakataon ma-upvote din ng @bayanihan.

Abangan po ang opisyal na anunsyo ng simula ng aming lipat-bahay!

Mga Kasalukuyang Proyekto

Arawang Edisyon ng mga Likhang Filipino

Tuloy tuloy pa rin apo ang pagdiskubre ni Toto sa Steemit ng mga likhang Filipino, mula Lunes hanggang Sabado na lang po dahil mag day-off daw po kami ni Toto sa curation tuwing Linggo. At gaya po ng kaka-anunsyo lang, plano po naming ilalahatla ang arawang edisyon sa account ni @themanualbot upang mas lumawak po ang sakop ng mga mambabasa at maga-upvote 😄

Paligsahan sa Paglikha ng Avatar at Logo

Umay na umay na daw po si Toto sa kanyang anyong tarsier kaya naman ang sigaw nya ay "Tao! Gusto kong maging tao!". At dahil dun magkakaron po tayo ng patimpalak ng paglikha ng avatar para sa amin ni Toto, at kasama na rin po ang opisyal na logo ng @tagalogtrail. Ang buong detalye po ng paligsahan ay nandito sa post na ito. Kaya't mga katropa sali na po kayo sa #tagaloglogo (meron po itong tumataginting na 15 SBD na papremyo!)

Tagisan sa Pagsulat ng Sanaysay

Meron din kaming paligsahan sa paggawa ng sanaysay - #tagalogsanaysay. Isulat lang ang inyong opinyon tungkol sa tanong na "Sang ayon ka ba sa pag gamit ng Baybayin bilang pangunahing pamamaraan ng pagsulat sa ating bansa?". Basahin po ang buong detalye sa post ng contest. Meron pa po kayo hanggang bukas para sumali kaya't maari pa kayong humabol 😊

Hamon ng Kwentong Dugtungan

Ikalawang edisyon na po ng #tagalogserye. Ngayong linggo ay labinglima pong manunulat ang kasali. At talaga naman pong naging rambol sa husay at pagkamalikhain ang mga gawang kuwento. Dahil naging masaya pa itong aktibidad para sa mga kalahok at mga mambabasa, naisipan namin dagdagan ang papremyo sa paligsahang ito. Abangan po ang mga detalye sa susunod naming post.

Promosyon sa Facebook

Active rin po sa Facebook si Toto! https://www.facebook.com/tagalogtrail

Vote Distrubution para sa Abril 29- Mayo 05, 2018


61 upvoted posts na may 51 unique authors

May - AkdaBilang ng Boto
@aaronplando2
@ailyndelmonte2
@coderzairos2
@jemzem2
@chinitacharmer2
@johnpd2
@noyyye2
@llivrazav2
@julie262
@twotripleow2
@valerie151
@virtualself1
@juviemaycaluma1
@loraine1
@mavicalipda1
@mrposyble1
@nantzjbalayo1
@neihy051
@racheleecious1
@redspider1
@rodylina1
@steemdump1
@steemph.antipolo1
@tarsivy1
@tpkidkai1
@joshmarkes1
@jssll1
@christianyocte1
@christyn1
@jenel1
@jennybeans1
@jerylmaeada1
@jhanmervz1
@dexter241
@dontryme21
@eldean1
@essan-san1
@fherdz1
@googled1
@gyn1
@iyam1
@jacinta.sevilla1
@japh1
@jassennessaj1
@jazzhero1
@aiyeecanoy1
@artgirl1
@betbet1
@beyonddisability1
@bloghound1
@cheche0161
Total61

Mga Naibahaging Gantimpala (SBD)

May - AkdaGantimpala
@johnpd0.312 SBD
@jazzhero0.2 SBD
@jemzem0.2 SBD
@jenel0.2 SBD
@creyestxsa940.2 SBD
@tpkidkai0.155 SBD
@julie260.122 SBD
@greatwarrior790.112 SBD
@iamdeth0.112 SBD
@artgirl0.112 SBD
@cheche0160.112 SBD
@ryancalaunan0.112 SBD
@rejzons0.109 SBD
@ellechim08160.109 SBD
@chineyes0.088 SBD
@leryam120.088 SBD
@meawesomeness0.088 SBD
@rruubbiie0.088 SBD
@toffer0.088 SBD
@ailyndelmonte0.088 SBD
@jon24jon240.047 SBD
@kfineee0.013 SBD
@beyonddisability0.013 SBD
Total2.768 SBD

At Para sa Mababait Na Nais Pong Sumuporta sa Amin

Kung ibig nyo pong suportahan ang @tagalogtrail at ang orihinal na likhang Filipino, maari nyo pong sundan ang aming “vote trail” sa SteemAuto: https://steemauto.com/

Kung mas nakakaluwag naman po, maari rin po kayong magbigay ng “Steem Power” delegation sa @tagalogtrail 😋 Mamili at pindutin lamang po ang halaga na nais nyo pong ibahagi:

Kaunti lang muna: 5 SP
Eto medyo mas malaki: 10 SP
Nako, medyo galante na po: 25 SP
Wow, rick kid: 50 SP
Seryoso? Salamat po talaga: 100 SP

Sa panghuli, inaanyayahan din po namin kayo na iboto ang mga witnesses na sumusuporta sa orihinal na mga likha: @curie at @ocd. Pumunta lang po kayo sa https://steemit.com/~witnesses at piliin ang curie at ocd-witness sa listahan para bumoto.

At para sa palagiang suporta ni ginoong @surpassinggoogle sa mga likhang Filipino, iniimbitahan rin po namin kayo na iboto ang @steemgigs bilang witness.

Sa mga tropang Pinoy at hindi Pinoy! Mabuhay po kayong lahat!
Suportahan po natin ang Orihinal at Totoong Likhang Filipino!

Sort:  

Mabuhay ka Toto ng dahil sa inyo ginanahan kami mag-sulat sa pambansang wika natin. Mabuhay ang potato chip at chicharon na puro taba!

Para sa chicharon at potatochips! Mabuhay! Wala pong anuman ginoong Two 😂

WARNING! The comment below by @ilhamyus leads to a known phishing site that could steal your account.
Do not open links from users you do not trust. Do not provide your private keys to any third party websites.

Napaka husay na likhain muli ang ating mga talatang naghatid sa atin ng wikang pinoy datapuwat sa makabagong henerasyon sariling wika ay naliliwasan na ng tamang baybay at bigkas ng mga titik nito, subalit akoy nagpapasalamat sa pag limbag ninyo ng paligasahan sa ating sinaunang wika gamit ang mga sanaysay, ibig ko lamang matanto dito na kahit mayabong na pasinood ng bigwas ng mga dulo ng wangis ng kataga na ating bibigkasin ay kasing talas ng sibat ng balaraw na sumasagi sa kaisipan ng ating mga ninuno ang danyos ng tugmat angkop na diwa ng patlang sa bawat himaymay na ating itutugma sa bawat saknong ng balarila. Kung baka sa isang kwento ni lolo juan Ang kantang pag tugdong sa utos na pamikliin ang kanyang apo na kumaglo muna sa ibayo at para di matigang ang buslo ng kawayan sapagkat gagamitin sa bangirahan para mag hapyos ng tunko upang patikasin para sa paglilimian ng pagsasaingan. Ito ay may balalira ng patalunton ng makalumang sanaysayin ng pagtalinga sa utos ng matatanda, bagamat sa ngayon nawawala na ang diwa nito. kayat ako aytum talumpati nagpupugay sa inyong makatalupunpon na asalin sa mga talodtud na ihahayon ng inyong wangis ng kapitagan ng mga salitang maka una.
Ang maga salitang nabangit maaring hindi ninuman mapagtatanto. sa kasalukuyan ngunit ating nababatid sa kaibitiran na ang ating sariling bigkas ng mga sinasabi ay naayon sa makunang tao sa may katagalugan. kung sa dalisdis ng bundok ikaw ay nahahayon, silang mga taga patag sa talukdong ng batis ay nag kukumpol kumpol parsa gaganaping payak na pasinayaan ng may kaanakan, sa araw ng dadatang.kayat ang pintakasi at nag sisipag buslo ng kani kanilang handa na kanilang pinopong pa sa kanilang pinag kllagakan.,kahalintulad nito ay ang pag hahanda ng isang binyagan, na ginaganap tuwing may isinisilang. kung baga sa amin, ang pagiging isang maka katutubong tao ay nagsasabi ng kung saan ka pupunta sa ganitong pananaw. Ikaw ga ay duduung o hahayon sa aming tahanan sa darating na taglugon upang mamayanihan.

yes! malaking tulong ang maihahatid ni @themanualbot para sa mga nagsusulat sa wikang Filipino. at ang 30% ng upvote niya. salamat po sa kolaborasyon 😊

Hehe partida di ko pa inalok yan ng potato chips paano nalang kung inalok ko si @themanualbot ng potato chips baka mas malaki pa ang value ng upvote.

ang kulit ng report

Sympre naman @beyonddisability makukulit talaga kami heheheh

Free Daily Upvote and Get 0.1 Steem Just To Sign up!

affiliatemarketer.website

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 57859.61
ETH 2966.06
USDT 1.00
SBD 3.67