Paglalakbay Sa Dako Pa Roon ni @shikika: Ang Bayan ng ANGAT , Bulacan

in #pilipinas6 years ago (edited)

Masaya ang maglakbay na may kasama kaya naman ng imbitahan ako nina @shikika sa dako pa roon sumama din ako sa kanilang paanyaya.

Madami din ang aming narating kasama sina @sunnylife na ipanakita nag ganda ng bundok KraKra sa Bulgaria -bagamat napakalayo narating pa din ng mga #steemitdora ang lugar , sa patuloy naming paglalakbay nakarating kami sa Saranggani kina @jennybeans, kasama ang probinsya ni @yennarido na aming pinasyalan ang lamig sa batis na aming pinasyalan , hindi nga lang ako nakaligo dahil sa sobrang lamig ng pakiramdam ko, pero ng pumasyal kami sa Camarines Sur At Villasis Pangasinan kina @lunamystica at @akoaypilipina napawi ang lamig na nararamdaman ko dahil sa ganda at lawak ng lupain na taniman sa Iriga at dahil sa layo ng lakbayin inabot na kami ng gutom kaya naman sarap na sarap ako sa pakbet na nakahain kina @akoaypilipina.

Dahil gusto ko din na ipakita sa kanila ang aking bayang pinagmulan .Inanyayahan ko sila sa dako pa roon sa bayan ng Angat ,lalawigan ng Bulakan,ang bayang aking kinagisnan....Tara na at ng makarating tayo ng maaga pa sa amin ang aking nasambit sa aking mga ka dora explorer hahahah .Nakakatuwa nga sumakay lang kami sa pampasaherong bus papuntang bulakan ,hindi na yata sanay si @jennybeans sa byahe nahilo siya ng konti , pero ng makaamoy sya ng dala kong katinko napawi ang pagkahilo nya pamahid sa hilo yun lagi kong dala pampaalis hilo hehehe.Pagbaba ng bus nakita nila agad ang aming munisipyo.

angatmunicipalty.jpg

Kasunod nun dumaan kami sa Sta Monica Parish Church , isa sa dinadayo na simabahan dito sa bulakan dahil sa ganda ng arkitektural na disenyo nito. Hindi na kami nakapag selfie dito kasi nagugutom na ang aking mga kaibigan.

stamonica.jpg

Dahil gutom na din kami kumain muna kami sa amimg munting bahay .Naku tuwang tuwa sila kasi masarap din ang simoy ng hangin sa Bulakan at tahimik sa aming lugar lalo na sa loob ng aming bahay kasi walang tao sa sala hahaha , Nahihiya sila kapag may bisita kaya nasa kusina sila at naghahanda ng aming pananghalian.

house.jpg

Hahaha!!...Nakita nyo ang sala ng aming bahay walang katao tao ...nagtatago sila sa mga bisita .

food2.jpg

Ayan na mga ka #dora naka hain na ang ating pananghalian .

Pagkatapos ng konting kwentuhan pumasyal kami sa baryo ng Pandi kung saan matatagpuan ang GK -Gawad Kalinga Enchanted Farm, ang mga kababayan natin ay nagtatanim ng mga organik na halaman at ibat ibang klase ng hayop na maaring ibenta na syang pinagkukunan nila ng pagkakakitaan.Napakasaya namin dito nagkuhaan ng pictures,selfie dito selfie doon hahaha!!! Si @shikika nakipag bonding pa sa mga alagang baboy ng mga tiga GK ,hindi ko alam magiliw pala sya sa baboy hahaha at pati mga bata na nag visit sa GK giliw na giliw sila!!!Si @sunnylife at @lunamystica naman nakikipag tsikahan sa mga tagapag alaga ng halaman.Parang ayaw na nila umalis sa lugar na ito.

Sinabihan ko na lamang sila na may isa pa kaming pupuntahan ang Angat dam,para makita din nila ang dam na syang nagbibigay ng halos 90% tubig sa buong kamaynilaan .

enchanted-farm.jpg
Source : Gk Enchanted photo

gk biik.jpg
Source : Gk Enchanted photo

kioskGK.jpg

Eto nga pala ang mga produkto na kanilang binebenta para sa kanilang pangkabuhayan. Nakakatuwa na makatulong sa kanila.

angat-dam.jpg

Eto daw pala ang itsura ng Angat dam sabi ni @akoaypilipina [email protected] ng simoy ng hangin at ang tubig napakalinis ,kay sarap pagmasdan ang pagaspas ng tubig .Kung pwede lang mag swimming lumubog na sana kami ang nasambit ng aking mga ka #dora hahahaha!!!..pero sorry hanggang tingin lang tayo.Sa susunod na pagpasyal natin sa dako pa roon marahil mapupuntahan natin ang iba pang yamang tubig na pwede tayong magtampisaw .

Hanggang dito na lamang muna ang aming pamamasyal at may pasok pa ako , nag bakasyon lamang ako ng 2 araw para magbigay oras na samahan ang aking mga kaibigang #dora. Sana , makasama din kayo sa dako pa roon , sbi nga ni @shikika mas madami mas masaya , kaya ano pang hinihintay nyo mga ka #steemitdora halina't samahan kami sa dako pa roon.

Thanks for dropping by!!!

#steemph, #steemitpowerupph, #steemph-bulacan, #gratefulvibes, #steemitfamilyph

logosteemitfamily.jpg

logosteemph.png

poweup.gif

Sort:  

Bulacan, ikay aking napapakinggan...
Masaya, malaya at maraming kaligayahan...
Mamamasyal ako pagdating ng araw diyan...
Mabuhay ka, yakap ko hinigpitan...
~ @bloghound ~

sama ka din sa dako pa roon sis@bloghound para lalong maging masaya ang paglalakbay at kwentuhan!!! Ang galing ng maikling tula , salamat sissy!!!

@reginecruz salamat sa masaya at masagang paglalakbay kasama ka. Kami iyong nilibot sa Angat, Bulakan. Natawa ako doon sa katinko. Hahaha. Ang lage ko naman baon sa biyahe ay white flower. Hahaha. Di ko alam biyahilo pala si @jennybeans. Di sana nagdala ako ng reserba. Hahaha
Andito pala ang paborito kong baboy. Hahaha

image

Naaliw kami masyado sa ating paglalakbay at sobrang sarap ng iyong mga inihanda. Di talaga magugutom si @jennybeans. Hahaha

Dumarami na ang #steemitdora. Nakilakbay na rin si @taminites saka @ellechim0816. 😀
Hanggang sa mahaba pa natin paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀

Hahahaha sobrang saya dahil napakarami na ang gustong makibahagi sa dako pa roon, marahil malilibot natin ang lahat ng lugar na hindi pa natin nararating kasama ang mga dora explorer sa steemit...hindi ko nga akalain na mahiluhin pala si beshy @jennybeans hahahangandandin white flower pero ung katinko ko kasi nakasanayan ko na hahahaha....ang puti ng baboy na paborito.mo....organik kasi ang nasa GK kaya iba ang kulay nya...salamat ulit@shikika sana madami pa ang sumama para lalo tayong maging masaya😊

Hahahaha. Pak na pak at bet na bet sa komento. Hahaha
Meron na tambayan ang mga dora explorer. Hahaha
Punta ka na dito.
Steemitserye & Steemitdora Full Force Discord Channel.
😀😀😀

Hahahaha...salamat....puntahan ko yang discord channel n yan 😊😊😊

Hahahaha, hinding-hindi talaga ako magugutom pag kasama ko kayo.... Pero ano yung katinko??? Amonia ba yan?? Di ko alam eh hahaha

Wahaha. Sis @reginecruz sagutin mo tanong ni @jennybeans kung ano ang katinko dahil ikaw lage meron bitbit nun. Waaaahhhh

hahaha sis @jennybeans , ointment yan pamahid kapag nahihilo ... para lalo mo ma appreciate eto ang padala ko para sayo beshy @jennybeans...para magamit mo din sa paglalakbay kapag hindi mo ako nakasama hahahhah:) pero hwag mo ko iiwan gusto ko lagi kayo kasama hahahha!!!

Katinko_Ointment.jpg

Iba na talaga ang handa hahaha @reginecruz... Wag kang mag-alala di ka namin iiwan ni @shikika maging ng iba pa nating kasabay na naglalakbay kasi the more, the merrier at ibig sabihin din nun mas maraming manlilibre ng pagkain Haha :)

Nakapunta na ako sa inyo madaming beses na hehe. Blue green kulay talaga ng Angat Dam hehe. Dumaan ka pala sa Pandi kaunting kembot na lang nasa barangay kana namin hehe.

hahahahaha ...resolution cp ko the best hahaha kaya affected kulay!!!oo madalas kapag saturday sa pandi ako dumadaaan ...diretso waltermart mas mabilis ,medyo late na kasi ako umaalis sa bahay kapag Saturday @twotripleow!!!

Ay grabe dumadaan ka na pala samin. Mas maganda na dumaan ngayon doon sa may Engkanto Siling Matanda 'gang makaraing ka sa Santa Clara hehe

Oo nga madali nga dun.hayaan mo kapag mahaba haba ang bakasyon papasyalan kita bro@twotripleow..

Haha sige, pwede rin mag meet up sa Angat para kasama sina NInjace at Oppa. Mas madami mas malaki gastos LOL. Biro lang syempre mas mainam mas marami talaga mas masaya o kaya kapag mayroong handaan na lang dyan sa inyo mag imbita ka hehe

Hahaha...tama mas masaya madami..!!!

Wow..salamat @reginecruz na inilakbay mo kami sa dako pa roon at sa hinanda mong masarap na pagkain..lalo mo kaming napasaya ..salamat..😀👍

salamat din sa paanyaya sa dako pa roon... ako din ay naligayan kasama kayo!!!Sana ay madami pa tayong maisama sa ating paglalakbay sa dako pa roon:)!!!

You got a 1.15% upvote from @upmewhale courtesy of @shikika!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

Wow, salamat @reginecruz dahil ipinasyal mo kami sa inyong bayan. Grabe ang sarap ng mga pagkain lalong-lalo na ang lumpia... 😍😍 Pero di nga keri ng powers ko kaya nahilo ako buti na lang pala sis handa ka HAHAHAHA

hahahaha...oo sis medyo mahiluhin ka na pala..buti na lang may katingko akong dala hahhahha!!! san kaya tayo dadalin ng mga ka #steemitdora natin sa susunod ? Ang saya saya dami na napupuntahan...

Kaya nga sis @reginecruz san kaya tayo mapapadpad sa susunod? Yan ang aabangan natin hahaha...
Pero may bago akong natutunan sayo ngayong araw, di ko talaga alam noon kung ano ang katenko hahaha... Ngayon di lang ang bayan nyo ang nakilala ko, maging ang ointment na dala-dala mo ay makaka daupang-palad ko pa pala haha.. :)

Hahaha...tama ka sis @jennybeans abangan natin ang susunod na paglalakbay...may bago ka na isasama ang katinko oitnment hahahha❤

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 62759.93
ETH 3112.27
USDT 1.00
SBD 3.87