You are viewing a single comment's thread from:
RE: Ang Paglalakbay Patungo sa Dako Pa Roon ni @shikika: Timog Cebu
Sa malapitan lang po ako naglalakbay mag-isa. Yung mga ilang kilometro lang ang layo. Hehehe. Pero gusto ko rin subukang maglakbay mag-isa nang malayuan. 😅
Hindi rin ako marunong lumangoy pero nagpupumilit pa rin kasi gustong-gusto ko ang dagat. 😂
At saka proud din talaga ako sa mga talon dito kasi ang dami at ang gaganda. Pasyal kayo rito minsan. Ito-tour ko kayo at ipakikilala rin sa mga sardinas dito. Charot. Hehehhe
Anong hindi ka marunong lumangoy tumatalon ka nga sa talon haha. Kinabog mo ang mga lalaki. Subukan mo rin mag-lakbay sa Luzon. Gustong gusto ko rin ang dagat kaya lang ang dagat ang walang hilig sa'kin. Oo sana makarating na ako sa Cebu mukhang sa panaginip na lang talaga ako makakarating sa Cebu haha. Sardinas pawikan at iba pa hintayin ninyo ako bwahhaaha.
Malakas lang talaga yata ang loob kung magpakamatay este tumalon. Malakas ang loob kasi may life vest. 😂
Soon! Maglilibot ako sa Pilipinas pagkatapos kng libutin ang buong Cebu. 😊
Pero malay natin, makapunta ka talaga rito at ma-meet mo rin ang mga kaibigan nating pawikan at sardinas. Hehehe. Ayos lang na matagalan basta makakarating din. 👍
Diyos ko po! Kahit yata may life vest ay hindi ko kakayanin, tumingin lang sa ibaba ay tila napakahirap na tatalon pa kaya? Haha. Tuwang tuwa talaga ako sa mga sardinas at pawikan na iyan, maiba iba naman, minsan nakaka sawa din na tingnan araw araw mga nasa kapaligiran ko, mga tanim kong papaya,sigarilyas,sili,kamote at iba pa, atsaka mga baka,kambing at manok haha ibang iba ang buhay dito kaysa sa diyan, ang mabuhay sa kapatagan tila nakaka bagot lalu kapag gabi na hehe. Mula hilaga hanggang sa timog ng Cebu ay malamang sa sulit na sulit ang pag-lalakbay sa panaginip ko na lang iyon . Maraming salamat sa pagbahagi ng napaka gandang storya. Lubos akong namangha sa lakas ng iyong loob.
Hehehe. Ewan baka trip ko lang din sigurong tumalon-talon sa mga ganyan kahit hindi marunong lumangoy. 😂
Pero hindi lang dagat ang gusto ko, kahit ano basta may touch ng nature. Mapa-dagat o kapatagan pa 'yan. Pero mas masaya nga rin namang iba't iba ang nakikita natin. Kasi kapag hindi ako gumagala, nagkukulong lang din kasi ako sa kwarto ko. 😂
Sana nga makapunta ka rito sa Cebu. Malay natin magkatotoo talaga ang panaginip mo. 👍
At saka maraming salamat din at nagustuhan mo ang paglalakbay na ito. 😊😊😊
Walang ano man kaibigan, noong una pa lang alam ko na, na maiinam ang mga kwento na nag-mula sa'yo. Aantabayanan ko hanggang sa susunod mong storya. Daghan salamat boss Jemzem xx.
Taos-puso rin akong nagpapasalamat sa iyo, boss @twotripleow. Natutuwa ako't may nagbabasa ng post ko. Para sa akin ay isang achievement na iyon. More power at God bless sa iyo, kaibigan. 😊
Nawa'y mas pagpalain ka ng panginoong Hesus Kristo at lagi kang mag-iingat kaibigan sa inyong paglalakbay.