Ang Paglalakbay Patungo sa Dako Pa Roon ni @shikika: Timog Cebu

in #pilipinas6 years ago (edited)

30516037_2100084536687872_7917294300575039488_o.jpg

Madalas akong maglakbay nang mag-isa at walang kasama. Marahil ang mag-isa ay ayaw ng karamihan. Ngunit para sa akin, madalas ay ito ang aking kagustuhan. Siguro’y dahil nakasanayan ko na rin at komportable akong nag-iisa.

Naglalakbay ako nang mag-isa hanggang sa nalaman kong may grupong hindi magkakakilala pero sabay-sabay na naglalakbay patungo sa dako pa roon. Hindi nila kilala ang isa’t isa, pero hindi estranghero ang turing nila sa mga bagong kakilala. Kagaya ko, ang bawat isa sa kanila’y naglalakbay nang mag-isa, hanggang sa daan ay nagkasalubong sila. Bagama’t walang kasiguraduhan ang patutunguhan ay nagpasya na lamang sila na sumabay para marating ang dako pa roon.

30414741_2100085043354488_7695365660989194240_o.jpg

Habang binabaybay ko ang malubak na daan, napagtanto kong matagal na pala akong nawawala. Ilang daan na ang binaybay ko pero hindi ko pa rin mahanap kung saan nga ba talaga ako patungo. Nang malaman ko ang pagsasama-sama ng grupong iyon sa paglalakbay patungo sa dako pa roon ay agad ko silang hinanap. Bagama’t matagal kaming nagkasalubong, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asang makikita ko sila.

Ako’y nagpapahinga sa lilim ng puno nang marinig ko ang malakas na tawanan ng mga taong papalapit sa aking kinaroroonan. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang siyam na naggagandahang dilag. Kinausap ko sila’t tinanong kung saan sila pupunta at nalaman ko ngang sila na pala ang matagal ko nang hinihintay. Sa wakas ay nagkasalubong na rin kami.

Kasama sina @shikika, @sunnylife, @jennybeans, @yennarido, @lunamystica, @akoaypilipina, @taminites, @ellechim0816, at @reginecruz ay nagpatuloy na kami sa paglalakbay sa dako pa roon.

Habang binabaybay namin ang daan papunta sa dako pa roon, hindi namin inaasahang madadaanan naming ang isang magandang talon. Napag-alaman namin na ito pala ang pinakasikat na talon sa Cebu — ang Kawasan Falls.

20170521_131100.jpg

Dahil sa nakakaakit nitong ganda ay napagpasyahan muna naming magtampisaw at maligo rito.

19488852_1763052427044178_3992621441948850345_o.jpg

May tatlong antas ang Kawasan falls at isa-isa naming iyong inakyat. At dahil gusto naming ng adventure ay napagpasyahan din naming tumalon sa mahigit tatlumpung talampakan na talon.

19578037_1780450418651287_1576509160_n.png

Napakasaya ng aming paglalakbay at makikita iyon sa kakaibang ningning ng aming mga mata at ngiti sa aming mga labi.

Pagkatapos naming magpakasaya sa Kawasan Falls ay dinayo naman namin ang Lambug Beach sa Badian, Cebu.

19441753_1763050183711069_4845125433563617925_o.jpg

19264767_1775455839150745_7877928208934996902_o.jpg

Bagama’t ito’y pampublikong dagat ay hindi ito ordinaryo gaya ng karamihan sa mga pampublikong dagat. Pero dahil low tide noong kami’y magtungo rito ay hindi kami nakapagtampisaw sa nasabing dagat at nagkukwentuhan na lang kami.

Nang lumipas ang ilang oras ay nagpasya kaming magpatuloy sa aming paglalakbay.

16463274_1760584273957660_5410059278131493014_o.jpg

Dinala naman kami ng aming mga paa sa napakagandang lungsod ng Moalboal. Nasasabik kami na makita ang nakahahalinang dagat sa lugar na iyon.

Ang una naming pinuntahan ay ang Moalboal Turtle Point kung saan ay hindi maipapaliwanag na saya ang aming naramdaman nang makita namin nang malapitan ang naglalakihang pawikan. Napakasaya namin sapagka’t tatlong pawikan ang naabutan namin doon.

19642452_10209415010436514_3384605217222269931_n.jpg

Matapos naming masilayan ang napakagandang pawikan ay pinuntahan naman naming ang Pescador Island na sikat sa mga yamang-dagat na naroon. Kami’y sobrang namangha sa ganda ng coral reefs na aming nakita pati na rin ang iba’t ibang uri ng isda na noon pa lang nasilayan ng aming mga mata.

19466720_1775486659147663_7856778995135100463_o.jpg

Hindi namin ininda ang tumitirik na araw sapagka’t walang-wala iyon sa tunay na sayang dulot ng tanawing nakikita naming sa ilalim ng karagatan.

19554063_10209415012836574_7517996814878298999_n.jpg

Ilang oras kaming nanatili sa lugar na iyon hanggang sa napadpad kami sa Moalboal Sardine Run. Sinisid namin ang karagatan at nakilangoy sa libo-libong mga sardinas doon.

19511251_10209415053077580_5116100248950229938_n.jpg

Tunay na nakakamangha ang tanawin lalo na sa tuwing pinalilibutan kami ng mga sardinas. Walang kapaguran kaming lumangoy na parang kaisa namin ang mga sardinas na naroon. Walang paglagyan ang aming tuwa nang kami ay bumalik sa aming bangka para sa susunod naming paglalakbay patungo sa dako pa roon.

19511455_10209415018196708_8236696082873590561_n.jpg

Bagama’t hindi pa namin nahanap ang daan patungo sa dako pa roon, walang pagsidlan naman ang aming saya na mapuntahan ang iba’t ibang lugar na aming nadadaanan sa paglalakbay namin patungo sa dako pa roon. At labis rin kaming nagagalak dahil dumadami ang nakikisabay sa aming paglalakbay.

Positibo kaming magkakaroon ng magandang patutunguhan ang paglalakbay naming ito. Matagal man ang pagdating namin, ang importante nama’y masaya kami at maraming nakikilalang mga kaibigan habang binabagtas naming ang daan.

Maraming salamat sa mga kasama ko sa paglalakbay papunta sa dako pa roon. @shikika, @sunnylife, @jennybeans, @yennarido, @lunamystica, @akoaypilipina, @taminites, @ellechim0816, at @reginecruz, maraming salamat at naging kasama ko kayo sa paglalakbay. Hanggang sa muli, mga kaibigan!


Pasensya na't natagalan bago ko kayo nasamahan sa paglalakbay. Naging abala lang talaga. Pero masaya ako't naisulat ko na rin ito. Hehehehe

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

Sort:  

Seryoso yung una? Ikaw lang mag-isa talaga nag-lalakbay? Di ko pa nasubukan lalu't dagat ang tutunguhan kasi hindi naman ako marunong lumangoy. Hindi pa rin ako nakakakita ng mga naglalakihang pawikan sa totoong buhay, sobrang ganda rin nang talon diyan sa inyo. Pati mga sardinas di pa rin ako nakakakita nyan kasi pag dating dito ng mga iyan nasa lata hehe.

Sa malapitan lang po ako naglalakbay mag-isa. Yung mga ilang kilometro lang ang layo. Hehehe. Pero gusto ko rin subukang maglakbay mag-isa nang malayuan. 😅
Hindi rin ako marunong lumangoy pero nagpupumilit pa rin kasi gustong-gusto ko ang dagat. 😂
At saka proud din talaga ako sa mga talon dito kasi ang dami at ang gaganda. Pasyal kayo rito minsan. Ito-tour ko kayo at ipakikilala rin sa mga sardinas dito. Charot. Hehehhe

Anong hindi ka marunong lumangoy tumatalon ka nga sa talon haha. Kinabog mo ang mga lalaki. Subukan mo rin mag-lakbay sa Luzon. Gustong gusto ko rin ang dagat kaya lang ang dagat ang walang hilig sa'kin. Oo sana makarating na ako sa Cebu mukhang sa panaginip na lang talaga ako makakarating sa Cebu haha. Sardinas pawikan at iba pa hintayin ninyo ako bwahhaaha.

Malakas lang talaga yata ang loob kung magpakamatay este tumalon. Malakas ang loob kasi may life vest. 😂
Soon! Maglilibot ako sa Pilipinas pagkatapos kng libutin ang buong Cebu. 😊
Pero malay natin, makapunta ka talaga rito at ma-meet mo rin ang mga kaibigan nating pawikan at sardinas. Hehehe. Ayos lang na matagalan basta makakarating din. 👍

Diyos ko po! Kahit yata may life vest ay hindi ko kakayanin, tumingin lang sa ibaba ay tila napakahirap na tatalon pa kaya? Haha. Tuwang tuwa talaga ako sa mga sardinas at pawikan na iyan, maiba iba naman, minsan nakaka sawa din na tingnan araw araw mga nasa kapaligiran ko, mga tanim kong papaya,sigarilyas,sili,kamote at iba pa, atsaka mga baka,kambing at manok haha ibang iba ang buhay dito kaysa sa diyan, ang mabuhay sa kapatagan tila nakaka bagot lalu kapag gabi na hehe. Mula hilaga hanggang sa timog ng Cebu ay malamang sa sulit na sulit ang pag-lalakbay sa panaginip ko na lang iyon . Maraming salamat sa pagbahagi ng napaka gandang storya. Lubos akong namangha sa lakas ng iyong loob.

Hehehe. Ewan baka trip ko lang din sigurong tumalon-talon sa mga ganyan kahit hindi marunong lumangoy. 😂
Pero hindi lang dagat ang gusto ko, kahit ano basta may touch ng nature. Mapa-dagat o kapatagan pa 'yan. Pero mas masaya nga rin namang iba't iba ang nakikita natin. Kasi kapag hindi ako gumagala, nagkukulong lang din kasi ako sa kwarto ko. 😂
Sana nga makapunta ka rito sa Cebu. Malay natin magkatotoo talaga ang panaginip mo. 👍
At saka maraming salamat din at nagustuhan mo ang paglalakbay na ito. 😊😊😊

Walang ano man kaibigan, noong una pa lang alam ko na, na maiinam ang mga kwento na nag-mula sa'yo. Aantabayanan ko hanggang sa susunod mong storya. Daghan salamat boss Jemzem xx.

Taos-puso rin akong nagpapasalamat sa iyo, boss @twotripleow. Natutuwa ako't may nagbabasa ng post ko. Para sa akin ay isang achievement na iyon. More power at God bless sa iyo, kaibigan. 😊

@twotripleow 😀 makakapaglakbay ka na sa kahit saan sulok ng Pinas maging sa iba't ibang panig ng mundo sa tulong ng #steemitdora. Hahahaha.
Sama ka na rin sa amin paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀

Maynila at Bulacan lang ang destinasyon ko hehe hindi pwedeng umalis mamamatay sa uhaw at init mga alaga ko hehe. Ganyan lang ba ka simple ang "Sa Dako Pa Roon" sasabihin ko lang ang mga natunguhan ko na lugar? Kung gayon aking ipapagmalaki ang aking bayang sinilangan datapwat nailathala na ni Regine ang isang kalapit o katabing bayan ko (Angat Bulacan) ibig ko rin sumali nang nalaman ng nakakarami na sa amin ginagawa halos lahat ng paputok (Santa Maria Bulacan), maka bukas na siguro ito maiilathala sapagkat ubod ng hirap maghanap ng litrato hehe. Salamat sa iyong imbitasyon.

Hahaha. Ganun lang po kasimple @twotripleow para madaling makasabay ang mga manlalakbay. Hahahaha. Aasahan namin ang iyong pagsama sa aming paglalakbay sa dako pa roon. Di ko pa alam kung meron hangganan ang aming paglalakbay. Hahaha. Siguro kung wala ng makisabay tapos na ang aming paglalakbay. Hahaha. Sana umabot tayo sa ibayong bansa. Nyahahaha. Sobrang tayog ng pangarap. Subalit kami ay nakarating na ng Bulgaria. Hahaha. Alam ko marami ka pang maipapakita sa bayana mo. 😀😀😀

Maloloka kayo kasi galing na kayo sa Bulacan tapos biglang babalik ulit haha. Pero sige bukas pangako o kaya naman mamaya tatapusin ko na ito. Nahihirapan lang ako sa paghahanap ng mga larawan. Galing kayo Cebu tapos balik ulit kayo sa Bulacan haha e dinadaanan lang ako ni @reginecruz araw araw hehe.

Hahaha. Kahit saan. Kahit pabalik balik pa tayo sa paglalakbay. Parang naliligaw lang. Hahahaha
Ipakita mo mga alaga mo diyan at mga pananim mo siguradong mabebenta lahat yan. Hahaha

Oo sige ba, baka ubos na ang pera niyo kapapabalik balik sa Cebu to Bulacan haha. Tingnan natin kung magugustuhan nila mga lugar sa kapatagan hehe.

Hahaha. Wala talaga kaming pera sa aming paglalakbay. Sinasagot lahat ng gastusin ng mga nakikilakbay. Wahahaha
Siguradong napakatahimik sa kapatagan at presko ang hangin. 😀

WOOOOW!!!! Ang gandaaaa!!! Ang cute cute naman nung pagong. :) :)

Mas cute pa 'yung pagong sa amin @creyestxsa94 no? hahahahaha.
Iniimbitahan ka rin namin @creyestxsa94 na sumabay sa paglalakbay namin. hehehe. Mas marami, mas masaya! :D
Dalhin mo rin kami kahit saan mo gusto. :)

@creyestxsa94 samahan mo rin kami sa aming paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀 Sana magkita kita tayo sa unahan. 😀

Wow! Hihihi nice. Thumbs up ko nimu @jemzem

Salamat, @abchro. 😊

Sumama ka na rin @abchro sa aming paglalakbay. 😀

Yes2. Sama ko sunod

Antayin namin ang iyong pagdating. 😀

Maraming salamat at isinama't pinasyal mo kami sa mga magagandang tanawin sa Cebu @jemzem... No doubt kung bakit andaming pumupuntang turista jan sa inyo kasi sobrang ganda naman pala jan... Andami mong ipinakita sa amin at kahit walang pagkain haha busog na busog naman ang aking mga mata sa mga larawang iyong ibinahagi... :)

Pero dun sa Kawasan Falls, grabe... More than 30ft? May acrophobia ako eh so parang di ko ata keri ang tumalon... Iniisip ko pa lang, mahihimatay nako hahahaha :)

Kaya ipinagmamalaki ko talaga ang Cebu at hinding-hindi ako magsasawa sa mga natural na yamang matatagpuan sa bayan kong ito. ❤
Maraming salamat din sis @jennybeans at natuwa ka sa pagbahagi ko sa paglalakbay na ito. 😊
At oo sis, 35 feet yung talon na tinalunan ko. Hindi na kasi ako takot mahulog. Kasi mas nakakamatay pa noong nahulog ako sa kanya kasi hindi niya ako sinalo. Buti pa ang pagkakahulog ko sa talon, sinalo pa ako ng tubig. Nyahahahah

Hahaha. @jennybeans sayang hindi nagdala ng litson si @jemzem. Masarap daw un lechon sa Carcar. Kaso dinaanan lang natin un. Hindi bumaba si @jemzem. Hahaha

Sis @jemzem sobrang saya at tuwa namin na dinala mo kami sa napakagandang lugar sa Timog Cebu. Dahil hindi kami nakapagtampisaw sa Angat Dam sa bayan ni @reginecruz salamat saiyo @jemzem binigyan mo katuparan na kami'y magtampisaw na napakalawak na karagatan ng Cebu at sa napakalamig na Falls. Kay gandang tanawin at mga lamang dagat. Ngayon pa lang namin nasasaksihan ang napakaraming sardinas. Tunay ngang mayaman, masagana at napakaganda ng Cebu. 😀💖
Mabuhay ang mga manlalakbay! 😀
Salamat @jemzem kami'y iyong pinaunlakan. 😀
Deretso tayo ng Santander sis. Hahaha

C360_2017-07-23-21-44-52-422.jpg

Ang kinatatayuan ko ay ang Southern Most Tip of Cebu. 😀 Ito'y matatagpuan sa Liloan, Santander. Makikita sa likod ang ibayong isla ng Dumaguete. 😀
Sana meron magdala sa atin sa Dumaguete sa pagpaptuloy ng atin paglalakbay patungo sa dako pa roon.
Sis maglagay ka ng #steemitdora sa tags mo. 😀 para di tayo mawala at di magkahiwahiwalay. 😀
Certified #steemitdora ka na. Dito ang atin munting tambayan.
Steemitserye & Steemitdora Full Force Discord Channel.
😀

Taos-puso rin akong nagpapasalamat sa 'yo sis @shikika dahil inimbitahan mo kaming samahan ka sa iyong paglalakbay. Ako'y nagagalak na makasama ko kayong maglakbay sa kahit saang dako ng Pilipinas.
At saka sana makapunta rin ako ng Santander. Hanggang Alcoy pa lang ang napuntahan ko e. Hindi bale, sana may magdala sa atin d'yan. Hehehee.
At may bagong discord server na rin pala. 😄
Mabuhay ang lahat ng manlalakbay! 🎉

Hahaha. Nakakatuwa talaga na marami na rin ang nakikisabay sa paglalakbay patungo sa dako pa roon. Balang araw makakapunta din tayo ng Santander. Hahaha.
Steemitserye & Steemitdora Full Force po un bagong discord para walang iwanan. Hahaha

Sana nga. Trip kong maglakbay sa Samboan at Santander soon. Ang gaganda raw kasi ng falls doon. Pero mag-iipon muna kasi wala pang budget sa gala ngayon. 😂
Full force na full force na tayo! Ang laki na ng pamilya natin. ❤

Hahaha. Sama sama tayo sa santander at samboan. Hahaha. Full force talaga. Lumalaki na pamilya natin. Hahahaha

Wow na wow....sis @jemzem salamat at sinama mo kami sa paglalakbay mo patungo sa lugar na to ang ganda...maraming salamat at labis mo kaming napasaya...good job sis...😀👍

Maraming salamat din, sis @yennarido! Ang dami ko nang napuntahan na iba't ibang lugar dahil sa paglalakbay nating ito. At masaya ako na nakasama ko kayo sa napakagandang paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😊

sis salamat at sinama mo kami dyan sa paglalakabay mo
ang gandaaaaa!!!
na lat man ng dating eto na ako hahahaha
rock n roll sis

Maraming salamat, sis! Ayos lang ma-late. Kahit ako naman e, number 1 late. Hehehe

You got a 1.05% upvote from @upmewhale courtesy of @shikika!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

Maraming salamat dito sa boost, @shikika. 😊

Wa sapayan @jemzem 😀 sensya na sa aking nakayanan. 😀 Salamat sa pagpaunlak sa aking paanyaya. 😀

Naku sobrang laki na ng tulong ng pa-boost mo sis. Maraming salamat din sa pag-imbita sa amin sa paglalakbay na ito. 😊

Walang anuman po @jemzem. Nakakataba lang po ng puso makitang lumalaki at dumarami ang #steemitdora. Hahaha

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63453.92
ETH 3283.73
USDT 1.00
SBD 3.89