Sulat ng Nang-iwan : Munting Tugon sa akda ni @aiyeecanoy

in #philippines6 years ago

Ang akdang ito ay nilikha upang pagtambalin ang dalawang magkaibang lathalain. Mula sa panulat ni @aiyeecanoy na pinamagatang Bakit Mo Ako Iniwan, naisipan ng awtor na si @johnpd na gumawa ng munting tugon sa pamamagitan ng maikling kwento o short-story. Alamin ang dahilan ng kanilang paghihiwalay at tunghayan ang mga susunod pang tagpo ng kanilang naudlot na pag-iibigan.


Ito na siguro ang huling beses na tatawagin kitang mahal. Tapos na tayo. Tinapos ko na ang lahat. Hindi ako nagsawa. Hindi ako napagod. Hindi din ako naghanap ng ibang tao na ipapalit ko sa'yo. Hindi kita magagawang ipagpalit sa iba... hinding-hindi. Wala sa hinagap ko na sa ganitong paraan magtatapos ang relasyon natin. Naaalala ko pa ang lahat, kung paano tayo nagsimula. Mula sa maiilap mong pagsulyap sa akin. Ilang beses ko nahuhuli ang pagkakatitig mo subalit hindi ko masyadong pinapansin. Sapagkat nakatuon ang aking atensyon sa trabaho. Trabaho lamang at kung paano kumita ng pera. Naalala ko ang mga bilin ni inay, na huwag muna akong tumanggap ng mga manliligaw. Ayaw niya na masayang ang oras ko sa ibang tao. Prayoridad ko ang aking pamilya. Alam mo na nagmula kami sa hirap. Bata pa lamang ako nang iwan kami ng aking ama. Panganay ako sa anim na magkakapatid. Malubha ang sakit ni nanay... diabetes. Maagang nakapangasawa ang aming bunso sa kadahilanang maaga din nabuntis. Sa amin nakapisan ang mag-asawa. Walang trabaho ang napangasawa dahil hindi rin nakatapos ng pag-aaral. Ako din ang tumatayong breadwinner sa amin. Ako lamang ang inaasahan ng mga kapatid ko para tustusan ang kanilang pag-aaral. Sobrang hirap ng buhay. Sobrang daming pasakit ang aking tiniis. At sobrang laking sakripisyo ang ginawa ko para tumagal ang relasyon natin.

Dala ng aming kahirapan, hindi ako tumitigil na mangarap. Umaasa ako na balang araw aahon kami sa hirap. Mababayaran din namin lahat ng pagkakautang. At makakapagpundar para sa bagong tahanan. Hindi ko malilimutan kung paanong nakuha mong mahuli na may lihim din akong pagtingin sa iyo. Sa munting pagsilay mo, ako naman ang sumisilip kapag nakalingon ka na. Ipinagtanong mo sa mga kaibigan ko ang aking pangalan, subalit naunahan na kitang malaman agad ang pangalan mo, pati address at cellphone number. Napagtanto mo ba na nagugustuhan kita kaya humanap ka ng paraan para makilala ako? Naulinigan ko sa mga kalaro mo sa basketball na meron ka daw nagugustuhan. Alam ko hindi ako iyon sapagkat walang mabibighani sa aking payak na kaanyuan. Simple lang ako manamit, madalas naka-T Shirt at maong. Hindi rin ako naglalagay ng anumang kolorete sa aking mukha. Mas pipiliin ko pa ipambili ng bigas na sasaingin kaysa ipangkulay sa balat at hihilamusan din bago matulog. Pero nakikinig pala sa bulong ng himala ang langit. Pinagbigyan niya ang aking hiling na magkaroon ng pagkakataong ako'y iyong mapansin. Nagkabungguan tayo sa hagdan ng MRT at kumalat ang mga dala kong flyers. Tinulungan mo akong damputin iyon at kinilig ako nang madampian mo ang aking kamay sa pag-abot mo sa akin ng mga flyers. Mga mumunting bagay lang na ganoon ang nagpapaligaya sa akin. Sapagkat wala sa kakitiran ko ang pumatol ka sa katulad ko. Nakipagkilala ka, nakipagkamay. Nginitian kita at gumanti ka din ng pagkatamis-tamis na ngiti. Para akong idinuduyan sa langit nang bigkasin mo ang pangalan ko at nag-anyaya kang tumulong sa pagbibigay ng flyers sa nagdaraang mga tao. Inaamin ko, mababaw lang ang aking kaligayahan. Kung tatanungin mo ako nung mga oras na 'yon kung maaaring manligaw, malamang sagutin agad kita. Pero iwinaksi ko muna sa isipan ko lahat ng aking nararamdaman. Mas maingay pala ang sigaw ng umaangal na kumakalam na sikmura kaysa sa ugong ng tambol ng tumitibok kong puso.

Lumalim ang ating pagkakaibigan. Ikinumpisal mo sa akin ang iyong nadarama. May gusto ka nga sa akin. Naniniwala ako sapagkat malinis ang iyong hangarin. Ipinaalam ko kay inay kung maaari na akong magkaroon ng kasintahan. Walang kaabog-abog na tumutol siya. Papaano na ang kinabukasan ng pamilya? Papaano na kami ng mga kapatid mo? 'Yan ang palagi niyang tugon. Inilihim ko kay inay ang lahat. Itinago ko ang relasyon natin. Ngunit hindi rin pala magtatagal dahil may tenga ang lupa, may pakpak ang balita. Mabilis pa sa epidemya na kumalat sa aming kanayunan ang balita ng pag-popropose mo ng kasal sa akin. Agad nagalit si inay nang malaman ang nangyari. Pinapahiwalay niya ako sa'yo. Nalaman din kasi niya kung ano ang kasalukuyang estado mo. Ganun lang talaga si inay, mapili. Ayaw lang niya danasin pa namin ang hirap. At katulad ng palagi kong binabanggit sa'yo, ako lang ang inaasahan ng aming pamilya.

Totoo, iniwan kita dahil sa pera. Dahil 'yun din ang hiling ni inay. Mahal mo ako at ramdam na ramdam ko 'yun pero hindi sapat na pagmamahalan lang. Hindi natin maipambabayad sa mga gastusin ang pag-ibig natin. Hindi mo maipambibili ng pagkain ang pagmamahal. Pera ang dahilan. Pera din ang napili kong solusyon. Aaminin ko, hindi ko naibigan ang pagiging simple mo... ang kababawan ng iyong mga mithiin. Nakukuntento ka na sa kalagayan mo ngayon, kaiba sa nararamdaman ko. Gusto ko maranasan ang karangyaan. Gusto ko mamuhay na walang kakapusan. Mataas na bahay, magagarang damit, mamahaling sasakyan, malalaking savings, madalas na pamamasyal sa ibang bansa... gusto kong mamuhay na parang sa mga mayayaman. Napagdesisyunan ko sumali ng Networking. Ito lang ang naisip kong paraan para umahon kami sa hirap. Pinangakuan ako ng magandang kinabukasan ng aking sponsor. Yayaman daw ako. Lalaki daw ang grupo ko. Nagtiwala ako sa kanya. Sa ngayon unti-unti na ako nakakaipon. Naibili ko na din ng sasakyan si inay na kaka-amputate lang ng dalawang hita dulot ng sakit na diabetes. Hindi na siya mahihirapan maglakbay dahil de-kotse na siya. Pinapagawa ko na din ang apat na palapag na resthouse namin sa Tagaytay. Kakabalik ko lang din galing Maldives. Masarap magtampisaw sa tubig doon habang kumakain ng lobster at umiinom ng whiskey. Sa makalawa, bibisitahin ko ang grupo ko sa Papua New Guinea. Lumalaki na ang bilang ng mga distributors doon. Kailangan ko silang ma-duplicate nang maayos. Hindi ko pinagsisisihan na humiwalay muna sako sa'yo. Natamasa ko ang limpak-limpak na salapi buhat nang mapromote ako bilang Diamond Commissioner. Nasa Networking pala ang swerte ko, dapat noon ko pa nalaman. Hanggang dito na lang siguro tayo. Hindi kita gustong saktan subalit kung ang sakripisyong iyon ang magiging tulay sa pagkamit ko sa aking mga pangarap, malugod kong tatanggapin ang paghihiwalay natin. Alam ko makakahanap ka pa ng babaeng mas deserving. Sa ngayon, ilaan mo muna ang oras mo sa paghihilom ng nasugatan mong puso. Muli, ako'y magpapaalam na, Mahal.

. . .

P.S. Kapag naisipan mong sumali sa team ko, pm mo lang ako sa FB Messenger. Wag ka mag-alala, bibigyan kita ng madaming spillover.


Bakit Mo Ako Iniwan?
ni @aiyeecanoy
Sa pagmulat ng mga mata sa umaga
Hindi inaasahang dumating na pala
Sa takbo ng buhay kong nag-iiba
Dahil tinakda talagang makilala ka

Di ko alam ba't minahal kita kaagad
Niligawan ka sabay hawak sayong mga palad
Sinagot mo ako parang tayo'y lumilipad
Kasama kita kahit saan man tayo mapadpad

Ang saya sa mga araw na'yon
Hindi parin ako makalimot hanggang ngayon
Ika'y nagbago dahil wala akong pera noon
Tinalikuran mo ako agad dahil don

BAKIT MO AKO INIWAN?
Dahil bulsa ko'y walang laman
Kaya pinagpalit mo ako sa mayaman
Kasi ayaw mo ng kahirapan

Diba sabi mo ayaw mo ng praktikalan
Dahil comfortable ka sating pagmamahalan
Bakit bigla mong binitawan?
Sana hinitay mong lumabas aking kayamanan

Ikaw yung tipong madalian
Dahil gusto mong hindi maiwanan
Sa mga katropa mong syotang may sasakyan
Hindi katulad ko maglalakad lang


*larawan mula sa https://m.wikihow.com/Make-a-Life-Plan
Sort:  

P.S. Kapag naisipan mong sumali sa team ko, pm mo lang ako sa FB Messenger. Wag ka mag-alala, bibigyan kita ng madaming spillover.

The words, lines, letters and grammar is very common and GASGAS
(scratches ) But this
scratches made us strong and more bolder enough to figure out what is real and what is fantasy.

wala lang may masabi lang ako sa comment section mo

tara na sa Maldives @mariejoyacajes
magandang i-feature un sa blog. 😆

hahaha pupunta tayo jan because of steemit. Blog on

Ang galing ng pagkakalikha!.

Kung paano nakonek at naipaliwang ng may-akda na mayroon pang ibang dahilan kung bakit siya iniwan.
Kung bakit kailangan nilang maghiwalay sa mga panahong iyon.

Habang binabasa ko siya naisip ko, sana nagkaroon ito ng tinig sa DSOUND na boses ng dalaga.


Dama ko bilang mambabasa ang kaluluwa ng manunulat dito, na lubus-lubosan kong ikinasiya. Mahina ang salitang ikinasiya, inibig ang tamang salita para dito. Basta mga ganoon. sana huwag kang magsawang lumikha ng mga ganitong obra dahil sobrang bihira ng ganitong akda.

The "PS" 😂😅😄 madamdamin sya sobra.

nakaka-relate ka din ba @rodylina? matagal ko pinag-isipan ung tawag na "Diamond Commissioner" nyahaha! 😂

Sobra hahah

Hello @johnpd gusto ko sana sulatan ulit ng tula itong, Sulat ng Nang-iwan : Munting Tugon sa akda ni @aiyeecanoy . . kung ok lang sayo hehe

opo. lubos ko pong kinalulugdan na magpatuloy pa ang kwento ng dalawa. natutuwa po ako at magkakaroon din kayo ng tugon sa nagawa kong akda. 😊

Congratulations @johnpd! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Do not miss the last announcement from @steemitboard!

napaka galing niyo . @johnpd

hahaha mukha po ba akong ma'am @fherdz?
anyway, thanks po sa papuri. 😊

halla sorry, sorry, nasanay na sa mga clients, @johnpd

I found this amazing truly amazing this one should be featured in daily post but was too late, I leave a x2 upvote in this post cheers @johnpd.

thank you @steemph.antipolo
there is a sequel to this entitled Nang Tumawag si Aling Marilyn
you should also check it out. 😊
and i am also planning to make a fictional story creating a superhero for S.A. but haven't finished internalizing about it.

kuya rg ito...the feels. hindi ako nabore magbasa. gumawa na tyo ng nobela dugtungan tapos isubmit sa star cinema. wahahaaha

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 61639.07
ETH 2982.91
USDT 1.00
SBD 2.46