Literaturang Filipino: Pagbabago'y Simulan

in #literaturang-filipino7 years ago (edited)


Credit

Pagbabago'y maaring magdulot ng saya, lungkot o galit sa bunbunan
Ito may kusa o magdulot ng bigat sa kalooban
Maaring ito ay pang-sarili o pangkalahatan
Ang importante maabot ang nais makamtan

Bakit ba pagbabago ay dapat idiin?
Di ba't mas magaan kung wala ng ibahin?
Makontento na lamang sa kung anong meron
At magpasalamat sa anumang estado ngayon

Kung walang pagbabago, wala ring pag-angat na magaganap
Kahit nanaisin, di rin makakamit ang pangarap
Kung puro lamang salita at wala naman sa gawa
Mas mabuti pang itikom na ang bibig dahil ikaw rin ang kawawa

'Pag ang pagbago ay buong pusong nais sungkitin
Aksyon ang atupagin wag lang hilingin
Kapag ang gustong baguhin sa sarili ay may kahirapan
Wag mag-atubiling magpatulong sa iba o kahit sa buong angkan

Wag hintayin na pagbabago'y magiging huli
Simulan na at may panahon pa, wag ng magatubili
Kahit mahirap sa simula, mabuti't merong nagawa
Nang hindi magsisisi at maging kawawa

@wandergirl

You can check out also my other posts here..

Yummiest Ribs in Cebu 🐷👍

I am Envious…😔

December: Busiest month of the year! 🎅☃️

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63713.30
ETH 3389.19
USDT 1.00
SBD 2.62