Literaturang Filipino: "Ang Kulay ng Dalamhati" (Orihinal na Likha)

Image Source

Asul ang paborito mong kulay simula nung mga bata pa tayo,

And sabi mo malamig sa mata, masaya, at parang napakapayapa nito

Asul din ang kulay ng langit at ng malawak na karagatan

Asul ang kulay ng damit mo noong huli kitang nasilayan...


Parang ang tagal na, pero sariwa pa ang mga sugat

Nakapaloob parin ang hapdi sa mga tula kong naisusulat,

Ang iniwan mong puwang sa buhay ko ay hindi parin nahihilom ng panahon,

At hindi ko parin matiis na tingnan ang kulay na asul hanggang ngayon.


Asul ang nagpapaalala sa akin kung paano mo sinasambit ang pangalan ko,

Asul ang nag-uudyok sa akin na muling balikan ang mga larawan ng pagngiti mo,

Asul... Asul ang nagpapasiklab ng pangungulila ko sa'yo,

Asul ang naging kulay ng pagdadalamhati ng pusong inulila mo.


Kung nasaan ka man ngayon, alam kong saksi ka sa aking pagtangis

Habang hawak ko ang mga litrato mo -- ultimo tarheta -- at pagluha ko ay labis,

Mananatili kang buhay sa bawat kulay na dadampian ng aking mga mata,

At tulad ng kulay asul, alam kong payapa ka na't masaya.



Ito po ay isang orihinal na obra na aking iniakda upang ilahok sa

Steemph.Cebu: Paglinang ng Kasanayan sa Paggawa ng Literatura - Contest #3

Nawa ay nagustuhan niyo po ito.


Sort:  

Upvoted and re-steemed!!

Salamat! <3

Hello lymxng! :) I don't understand the words, but the blue roses drew me in.. Im following u and upvoted now.

Thank you so much @chinito. I love the contrast of the blue roses with the background too. Followed back!

Qurator
Your Quality Content Curator
This post has been upvoted and given the stamp of authenticity by @qurator. To join the quality content creators and receive daily upvotes click here for more info.

Qurator's exclusive support bot is now live. For more info click HERE or send some SBD and your link to @qustodian to get even more support.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by Lalaii (lyxng) 😘👌 from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59708.78
ETH 3185.76
USDT 1.00
SBD 2.45