Diary Game Season 3|| November 27, 2021|| Ang Pagpunta Ko Sa Bukid

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang gabi sa lahat mga myembro dito sa @steemitphilippines. Muli na naman akong nagbalik upang ibahagi sa inyo ang mga masasayang pangyayari ng aking Buhay. Katulad ni Kuya @jb123, mahilig din akong maglakbay sa mga lugar na magaganda gaya ng bukid.

IMG20211119061318_01.jpg

Ito ang lugar kong saan ako pumunta. Maganda ang lugar at napakapresko ng hangin dito, maraming mga ibon na nagliliparan at mga magagandang halaman na tumutubo dito.

Malamig pa ang panahon at lugar dahil maaga pa lang ay nagtungo na kami sa bukid para hindi ako maabotan ng mainit na panahon.

IMG20211119060944_01.jpg

May mga malalaking punong kahoy din ang nandito gaya ng mangga, mahogany at iba pang uri ng matitigas na kahoy na pwedeng gawing haligi at sahig ng bahay. Habang paakyat na ako ay medyo napagod ako kaya minabuti kong magpahinga muna sa ilalim ng kahoy na ito.

Napakalamig at presko ang ilalim nito kaya naiisip ko talaga na maganda kapag hindi sinisira ang kalikasan dahil nakakatulong din sa atin ito.

IMG20211119060302_01.jpg

Medyo mahirap ang daan na dinadaanan ko dahil nabubuwal ito dahil sa tubig na dito dumadaloy kapag may malakasan na pag-ulan. Unti-unti itong nabuwal at naging kanal kaya napakahirap dumaan dito.

Dagdag pa dito ang mga malalaking bato na makikita dito. Pero kahit mahirap dumaan dito ay nagawa ko naman para lang din makarating sa aking pupuntahan at makakita ng mga magagandang lugar.

IMG20211119060431_01.jpg

Ito ang tinatawag naming Bajang , isang uri ng halaman na makakati kapag ang katas nito ay malalagay sa ating balat. Maganda ang hugis ng mga dahon at lumalaki ito ng husto.

May mga tao na mahilig magtanim ng ganitong uri ng halaman dahil ginagawa nila itong ornamental plants o palamuti sa bahay. Kadalasan makikita ang ganitong halaman sa mga liblib na lugar, kagubatan at kabundukan.

Ang taas ng halamang ito ay lagpas tao at may malalapad na mga dahon. Pero may mga tao rin na gingawang ulam ang bajang kaya ako ay lubos na namangha nang narinig ko ito.

IMG20211119061247.jpg

Dito sa lugar na ito kadalasang pinapastol ang mga baka dahil may maraming damo ang makikita dito. Ito ang tinatawag naming pastohan o lugar kong saan matatagpuan ang napakaraming baka.

Pero sa pagpunta ko wala akong nakitang baka dito, ayon sa mga tao na nakatira dito, ang mga baka daw ay unti-unting ibininta ng may-ari dulot ng tag-init na nararanasan noong nakaraang taon. Kaya nalungkot ako na marinig ko ang balita.

May mga natutuklasan akong mga magagandang lugar, kaya masasabi ko talaga na tagumpay ang aking paglalakbay at pagpasyal sa aming bukid.

Maraming salamat po sa pagbasa.

Sort:  
 3 years ago 

Worth it gyud kaayo imung pagpicture brother. Nindot pagkakuha.

 3 years ago 

Mao gyud ya

 3 years ago 

Ganda ng lugar miss ko lugar mamin da bohol

 3 years ago 

Salamat po Ma'am..

 3 years ago 

Nice jud sya kaayo...

 3 years ago 

Salamat po .

 3 years ago 

Ganda ng bundok, buti maka pasyal ka ikaw lang isa.

 3 years ago 

Kasama ko ang kuya ko Ma'am. 😊

 3 years ago 

Nice kaayo inyong bukid hehe lami mosuroy diha picture2 dayon

 3 years ago 

Salamat sir..

 3 years ago 

yong halaman na Bajang, yan yong napaka mahal na halaman na palaging pinopost ni Jinkee Pacquaio. Gusto ko yang tanim na yan!

 3 years ago 

May bajang din po na kulay white at green ang dahon.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 67368.20
ETH 2618.26
USDT 1.00
SBD 2.68