The Diary Game Season 3 [07-09-2022] || Ang Matagumpay na Mission sa Patag Manticao Misamis Oriental - Salamat sa Dios! 😇
Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!
Ang ating buhay ay panandalian lamang kung kaya habang tayo ay may buhay at lakas pa ay ipagamit natin ito sa Dios bilang pasasalamat natin sa kanya, sa lahat ng kanyang ginawa sa ating mga buhay.
Para sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyo ang kauna-unahang Mission sa isang Barangay dito sa amin, ito ay sa Patag Manticao Misamis Oriental.
Nitong mga nagdaang linggo nga noong nakaraang Minister's Meeting namin ay, inatasan kami kasama ng 8 sa kapwa ko Youth Pastors na mag worker mona kami sa isang Barangay at ito ay sa Patag dahil ang Pastor doon ay napagdesisyonan na mag step down siya dahil sa katandaan, at habang naghihintay kung sino talaga ang ma assign doon ay kami munang 9 na Pastors at iba-iba sa bawat linggo.
Ngayon, dumating na nga ang araw na magsimula na kami ng aming mission dito sa Patag, at ito ay sa araw ng biyernes na kung saan nagsagawa muna kami ng Prayer and Fasting ng isang araw. Isinagawa nga namin ito bilang paghahanda sa gagawin namin Visitation sa mga membro ng simbahan na nawala na dahil alam namin na sa pamamagitan ng mga gawaing ito ay makapagbigay sa amin ng lakas, dahil sa Dios.
Ngayon mga nasa oras na 3:00 ng hapon ay natapos na din ang aming Prayer and Fasting at bago nga kami umalis ay nag meeting muna kami ng kaonti para sa kinabukasan na gawain. Pagkatapos ng aming meeting ay napag desisyonan namin na magpunta kami sa isang kainan upang doon nalang kami mag break at makakain ng Special Lomi na tinitinda doon.
Ngayon dumating na ang araw na sabado at ito na ang araw upang magsagawa kami ng visitation sa mga dating mga membro na Simbahan dito sa Patag. Mga nasa oras na 9:00 na iyon ng umaga kami nakarating sa Patag at agad din naming sinimulan lang pagpunta sa mga bahay ng mga dating membro, mabuti na lang at kasama namin ang anak ng dating Pastor dito para samahan kami at ituro kung saan saan ang mga bahay na iyon.
Ang pinaka una namang bahay na napuntahan namin ay talagang nagpapasalamat kami sa Dios dahil nag response siya sa amin at sinamahan pa kami at nag guide sa amin sa kanyang mga kasama noon at kinausap at inenganyo na bumalik sa pagpunta sa Church, talagang napakabuti ng Dios. Mga ilang bahay din ang aming napuntahan at encourage namin silang lahat na magpunta sa Church sa linggo at sa tulong ng Dios, sana ay maka punta sila.
Natapos kami sa aming visitation mga nasa 12:00 na iyon ng tanghalian kaya bumalik na kami sa Church para makapag tanghalian pero dahil niluluto pa ang pagkain, naglinis na lang muna kami sa Church para malinis ito sa linggo, sa aming Pagsamba sa Dios. Sa mga oras nga na ito ay pinatulongan naming nilinisan ang Church mula sa luob hanggang sa labas, at nagpapasalamat talaga kami sa Dios lakas na kanyang ibinigay sa amin. Kitang kita naman ang sa mga larawan na napaka sipag ng aking mga kasamang mga Pastors tulad na lamang nila Ptra @emzcas, Ptr. @quilvz at kaming lahat.
Mga ilang oras lang din ay naluto na ang aming pagkain kaya nagpahinga muna kami sa paglilinis para makapag tanghalian na. Pagkatapos na maka kain ay pinagpatuloy namin ang aming paglilinis hanggang matapos kami mga nasa oras na 4:00 ng hapon. Sa lahatng mga nangyari ay taus puso ang aming pasasalamat sa Dios.
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter
Hey ya! Just swinging by to say that you had made it to the top recommended posts for Booming support! Check the details here: Steemit Philippines Top Three Posts of the Day | Recommended Posts for Booming Support | 07-13-2022
Luzon Mod,
@junebride
@tipu curate
Upvoted 👌 (Mana: 3/8) Get profit votes with @tipU :)
Kanindot diha kuya..
mabuti naman at nagrespond ang church member...God bless!
Praise the Lord keep up the good work for God's glory!
To God be the Glory!