Steemit Philippines OPM Open-Mic Contest Sponsored By @Olivia08 | Natutulog Ba Ang Diyos

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Sa nararanasan natin sa buhay ngayon, hindi maiiwasan magtanong kung nasaan nga ba ang Diyos. Kung andiyan Siya, Ito ba'y natutulog lamang.

If you wanted to see the lyrics which is originally sung by Gary Valenciano, check it out here.

Hindi ka nag-iisa kapatid! Tayong lahat, bata or matanda ay nararanasan ang pagtatanong na ito. Isa itong pagsubok na dapat nating malampasan. Tibay ng loob at katatagan ng pananmpalataya ang ating kinakailangan.

Huwag tayong mawalan ng pag-asa at malalambasan nating lahat itong pagsubok na ito!

Isipin din natin na hindi lang tayo ang may mabigat na problema o pinagdadaanan. Bakit ang karamihan ay kinakaya, bakit sila nagtatagumpay sa kanilang mga adhikain. Kaya din natin ito.

Nawa'y makapag-bigay ako ng isang magandang halimbawa para ma-enganyo lahat na tahakin ang tamang landas kung tayo man ay minsang lumihis.

Ang maikling istorya ng aking pagkakadapa.

Itong nangyari sa aking buhay ay naikwento ko na ng bahagya kay @sarimanok nung kapanahunang kami ay nasa isang plataporma pa bago ang steemit. Ang aking matalik na kaibigan na si @avelicac ay isa din sa nakakaalam nito.

Sa ganoong edad ay nakuha ko pang mag explore ng kung ano anong katangahan sa mundo at ang katangahang magdudulot sa akin ng isang batik sa aking pagkatao na puwedeng gawing isnag paraan para sirain ako.

Ako po ay simulang gumamit ng ipinagbabawal na gamot ngunit sa kabutihang palad ay hindi ako nalulong kundi ito ay paitkim-tikim lamang. Isang kasalanan sa mata ng malugod na sosyodad (society), sa mata ng Diyos at sa mata ng batas.

Ang presyo ng produkto ay hindi ko inalintana dahil ako ay malakas kumita at madami akong ipon mula sa aking mga naging trabaho. Ang aking magaling na pakikisama ay isa ding paraan na ako ay hindi napariwara at ginawan ng masama ng aking mga nakasama sa naturang aktibidades.

Ito lamang ay itinigil ko ng tuluyan nung matuon ang aking pansin sa pagbabahagi ng mga istorya at mga larawan sa pag-blog!

Andito na po ako ngayon sa Steemit, sa APPICS at sa Telos.

Isang pagkakadapa dahil sa aking kuryosidad. Hinahanap ang sagot sa mga katanungan kong taglay ng mga panahong yaon. Kung natutulog ba ang Diyos, tayo ay kanyang hinayaan na maranasan natin ang mga bagay na hindi dapat maranasan ng isang mabuting tao na ang gusto lang din ay mabuhay ng masaya at maghatid ng kabutihan sa kapwa.

Sa ngayon ang iniisip ko ay ang aking kapakanan kung ako ay maging lulong sa ganung gawain, paano na ang aking mga pinaghirapan sa mahabang panahon at ang aking narating na hindi pa naman ganun kataas ay ikababagsak kong muli.

Hindi dahil ito ay labag sa batas kundi para sa sarili ko at sa aking mahal na ina. Ipagpapatuloy ko lamang na hindi bumalik sa mga lugar na kung saan ako ay madadapang muli.

Kaya sa mga makararanas ng ganitong pagsubok, at kung tayo ay mapupunta sa kalagayang tayo ay magtatanong kung natutulog ba ang Diyos, ang sagot ay hindi! Isa itong parte ng kanyang pagsubok.

Hinihintay ka lang bumalik sa kanya at lalong tumibay ang iyong paniniwala. Mula sa mga kataga sa kanta ~ "Hinihintay ka lang, kaibigan"

Muli po, marami pong salamat sa pakikinig.

Mga kababayan, ito po si @fycee, sumasainyo.

Maraming salamat @Olivia08 sa pag isponsor ng patimpalak na ito. Hindi ako kagalingan kumanta ngunit gusto ko makibahagi at malaman ang aking istorya na ako din ay dumaan din sa matinding pagsubok at aking nalampasan.

20% Beneficiary goes to @steemitphcurator to help the community.

Sort:  
 3 years ago (edited)

Hmm at isinama mo pa ako ha, pinapaiyak mo naman ako eh. Tutuo. Ang katagang Yan ay ilang beses ko na ring naitanong sa aking sarili. Natulog ba ang Diyos? Tulad ng sinabi mo, nasa atin pa rin ang pagpasya Kung hahayaan nating malugmok tayo sa kumonoy na iyon. Bagkus, pagsikapan nating makaahon sa ubos ng ating makakaya. Kung nasan ka ngayon, yon ay dahil sa pait ng nakaraan na ayaw mo nang balikan. Kaya humayo Ka ayon sa daloy ng kasaganaan na tinatamasa mo ngayon kasama na ang isang paalala na maging nagpakumbaba pa rin at wag Kalimutan ang magpasalamat sa Kanya. Maganda ang pag-awit mo at Puno Ng damdamin.

 3 years ago 

Mhie, I still remembered you told me that pinagtitimpla mo pa sya ng gatas. Grabeh naiyak din po ako while thinking of that. Hahaha ang drama naten sa buhay! Ang mahalaga, naipadama mo sa kanya ang pagmamahal ng isang mabuting ina bago siya mapunta kay Lord.

Ito ang mga katanungang tayo din ang sumagot bandang huli kasi narealize natin sa ating pagbangon.

Masaya po ako kasi anjan kayo non kasama ko online which is dito din umiikot ang mundo ko non. Basta tuloy na lang kung ano ang nasimulan after ng pagtalikod sa masamang gawain.

 3 years ago 

Oy oy oy! Naiyak , tama ka kaibigan . maraming salamat sa tiwala at inilahad mo.ang lahat sa amin dito. Mabuhay ka Amba!

 3 years ago 

Tuwing naiisip ko ako'y naiiyak pero mas lalo ako naging matatag sa mga pagsubok na ngayon ay nararanasan dahil nalampasan ko na ang pinaka matindi. Salamat po sa pagbisita.

 3 years ago 

Yan ang matamis na tagumpay yong nadapa tayo at bumangon dahil hindi natutulog ang Diyos.

 3 years ago 

Nakaka iyak nga...nice choice of song...

 3 years ago 

Marami pong salamat sa pag bisita admin. ^_^ Dapat po Take Me Out Of The Dark pero nasisip ko din dapat Tagalog.

 3 years ago 

Totoo ang buhay natin ay may halaga sa Kanya.. Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong kwento. Mahal tayo ng Diyos at lagi sya anjan, naghihintay lng sa atin na lumapit sa kanya.

 3 years ago 

Kaya dapat din nating pahalagahan ang ating buhay. Maraming salamat sa pagbisita.

 3 years ago 

Madadapa pero babangon. Magkakamali pero matututo. Mas tinitingnan naman ng Diyos ang paglapit natin sa kanya hindi ang ating pagkadapa.

Natutulog ba ang Diyos and Take me out of the Dark my Lord are great songs.

Thanks for sharing your experience and for the encouragement!

 3 years ago 

Ang pagkakadapa ay talagang parte ng ating buhay. Bangon lang din ng bangon at sikapin wag madapa ng paulit ulit sa isang klase ng pagkakamali. Salamat sa pagbisita.

 3 years ago 

Makabagbag damdamin ang pagkanta mo Amba...ang importante ay bumangon nga muli, let bygones be bygone at enjoy mong happiness and freedom mo ngayon na nahiwalay ka na sa bisyo dati.

 3 years ago 

Ito po ay totoo! The kind of freedom na wala tayo inissip na may naapakan po tayo at may tinatago tayo behind the success! I am an open book!

 3 years ago 

I hope God will lead you to the right path (totally and forever, kasi wala talagang maidudulot na mganda).

Sometimes hinahayaan nya tayo na maexperience ang mga bagay na hinda maganda o mga bagay na masama para lang matuto tayo at sa pagbangon natin, tayo ay magiging mgandang huwaran sa mga tao na hindi pa nagbalik loob sa Diyos, nasa ilalim pa rin ng influence of drugs.

Be a role model, be an inspiration.

You are right, God never sleeps, He's always there for us. Just waiting for us to call His name.

 3 years ago 

Yes! Let's claim it na totally forever kasi there's no reason for me to go back. I HAVE TO BE A ROLE MODEL. We are human beings - meant to commit mistakes and learn from it. Despite all that, tayo ay pumili ng tamang desisyon na tatahakin. God also given us this freedom (tama po kayo). Andiyan lang Siya, hinihintay tayo.

Maraming salamat sa pagbisita kuya Tirso ^_^

 3 years ago 

You’re welcome, and by the way nice choice of song and voice too!

God bless!

 3 years ago 

Naku sir Tirso bolero ka ha! Trying hard nga eh.

 3 years ago 

Grabeeee! I'm teary eyes while reading, tapos napaiyak ako sa chorus. Grabeeee. I'm overwhelmed right now kasi nga I don't know if papasa ba ako o hindi, pero I know God has better plans for me. All I have to do is do my best and have confidence sa sarili ko, and above all, trust Him.
Madapa man tayo, He has ways para makita natin ang light. Basta may tiwala sa sarili and sa Kanya lang.

Thank you for sharing your story and this song. I'm emotional right now. OMG. Tumagos saakin ang kanta mooooo... T_T

 3 years ago 

Thanks neng, I am glad I have touched you in a way na makatulong if every we would have the same question in the future. Isipin mo lang makakapasa ka. Law of attraction lang yan.

 3 years ago (edited)

Huhu, thank you!!!!

buti di ko sinabi, thank you for sharing your day with us. nyahahahahahhahahahahaha

 3 years ago 

Maganda po ang mensahe ng iyong kanta Ms, Fycee. Talagang kapag down ka this song tatagos sa iyong puso. Sadyang dumadaan lang po tayong lahat sa mga pagsubok pero that doesn't mean we are a bad person, phases lang naman ang buhay may time na down ka maytime naman na we learn from our mistakes and we survive it through.
The best part is yong realizations you get out of those pitfalls.
You are strong kasi naovercome nyo po ang addiction.
Congrats po sa inyo.
We were all born to have talents even sa singing meron nga lang tayong certain levels pagdating sa galing. Well done po.

 3 years ago 

Totoo yan, we couldn't have it all ika-nga. I have already internalized all these things during those times I had some moments of silence in my life amidst getting super busy from my previous jobs.

Let's just make ourselves busy and seek for the help of God to make us strong so He can lead us to the straight path. Thank you so much for dropping by and glad you liked it.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.029
BTC 58068.07
ETH 3133.85
USDT 1.00
SBD 2.44