Burnsteem25: Oplan Brigada Eskwela ng Day Care Ko na Anak

in Steemit Philippines2 months ago

Magandang buhay po sa lahat!

Ibinabahagi ko po ngayon ang aking mga naging ginawa sa araw na 'to. Alas 8:00 ng umaga, maaga akong pumunta sa paaralan para mag boluntaryo na maglinis ng silid-aralan ng aking day care na anak.

20220808_085611.jpg

Dahil ito ngayon ang pangunahing aktibidad sa paaralan para sa paghahanda sa face to face classes. Hindi pa ito batid kung kailan ito magsimula pero pinaghahandaan na talaga ito ng mga guro at mga magulang.

At dahil baguhan pa ang aking anak sa paaralan na ito. Kaya't maaga akong pumunta para makapag brigada linis sa silid-aralan at mag attend ng kauna-unang meeting ng guro at mga magulang. At saka eleksyon din ng mga opisyales sa silid-aralan.

20220808_085706.jpg

Saktong alas 8:30 ng umaga dumating ako sa paaralan. At nagsimula kaagad ang guro at ng aking mga kapwa magulang na mag meeting. Pinag-uusapan ang mga agenda sa pag-aaral ng mga bata sa meeting at saka election of officers.

20220808_101624.jpg

20220808_084449.jpg

Pagkatapos ay naglinis na sa silid-aralan ng aking anak. Una kung pinupusan yung mga silya at mesa dahil ang dami na ng alikabok. Dahil kasi matagal-tagal na rin itong hindi nagagamit ng mga mag-aaral. Gumamit ako ng basang basahan at isang batya ng tubig. Pagkatapos sinunod ko yung mga bintana kasi panay na rin ang mga alikabok.

20220808_085610.jpg

Ang sarap talaga tingnan na tulong-tulong ang mga magulang at guro na maglinis sa silid-aralan. Talagang napakagaan na ng trabaho kapag tulong-tulong ang isa't-isa. At saka mabilis na matatapos kapag nagkaka-isa ang lahat at tulong-tulong sa mga naging tungkulin.

20220808_103111.jpg

Sa katangian ng mga Pilipino na bayanihan. Ay hindi naging sagabal o hadlang ang mga gawain na ito para hindi maging matagumpay at mabilis na matapos ang mga gawain. Katulad na lang sa mga gawain sa paaralan. Kaya ito ang naging panlaban sa anumang mga sakuna.

At hanggang dito na lang po nagtatapos ang ginawa ko sa araw na ito. Maraming salamat po.

Gumagalang.

Chibas.arkanghil

Sort:  
 2 months ago 

hindi ko na naabotan ang brigada.. kasi sa time namin before, wala namang brigada pero eto nga ay magandang gawain para maging active din ang mga magulang kasama ang anak sa paaralan.. God bless po!

StatusRemark
Club status#club5050
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count300+
Plagiarism Free
Delegator

Luzon Mod,
@junebride

 2 months ago 

Pag mag-aaral na din ang anak mo, makaranas ka na nito dahil ito ang karaniwang ginagawa pag magsisimula na ang pasukan. Maraming salamat sa ratings God bless din..

 2 months ago 

Asa ni na skul sis? Nice ine

 2 months ago 

Isuya mactan nga day care center maam.

 2 months ago 

Hapit na pud ting klase maam,,,busy na pud ta ani!

 2 months ago 

Hahaha maojud sir.

 2 months ago 

mag face to face na gyud sis.

 2 months ago 

Maojud sis maka relax nata sa module 😄

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.06
JST 0.026
BTC 20274.72
ETH 1358.02
USDT 1.00
SBD 2.49