"Sa piling ng aking Nanay", Tagalog Poem for my Mother

in #filipino-poetry7 years ago (edited)

Pasalamatan nating ang ating mga Ina na laging nariyan sa ating tabi at nakasuporta. Itong tula ko ay alay ko sa mga Inang walang humpay na nagmamahal sa kanilang mga anak.

579c1e436c6efa42c42995a4c897378a--mother-daughter-pictures-mommy-and-daughter-photo-ideas.jpg

Sa pagmulat ko sa mundong ibabaw,
Damang-dama ko ang yakap at halik ng Ina kung mapanglaw.
Pagmamahal niya ay walang kapantay,
Kaya buong buhay ko sa kanya iaalay.

Salamat O aking Ina,
Sa lahat ng iyong pagmamahal at suporta.
Na sa tuwing ako'y bigo at naghihikahos,
Nariyan ka sa tabi ko simula palang noong ako'y musmos.

Di wari masukat ang iyong katapangan,
Na sa buong buhay ko'y binigay mo ng lubusan.
Kahit ano pa man ang iyong sapitin,
Basta't magawa mo lang ang lahat para sa akin.

Patawad sa mga panahong ako'y naging pabigat,
Di ko sukat akalain ang kasakimang naidulot ko sayo ng salat.
Natuto na ako sa aking mga pagkakamali,
Dahil sa isang tulad mo na di wari.

O aking Ina,
Salamat sa pagiging ilaw ng tahanan.
Na kahit makulimlim man ang ating katayuan,
Nagsisikap ka pa rin para tayo'y magkaroon ng kaginhawaan.

Salamat! Salamat! Salamat!
Biyaya ka ng Maykapal mula sa aking pagmulat,
Di ko bibiguin ang lahat ng iyong paghihirap,
Para sa ikabubuti ng ating hinaharap.

My works..

I am a part of @steemitfamilyph. Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment

https://steemit.com/~witnesses

Vote @steemgigs, @rcarter , @curie , @blocktrades , @neoxian , @liondani,
@pharesim , @good-karma ,@jerrybanfield , @neoxian and dont forget @arcange

PicsArt_01-31-10.06.15.png

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 53807.82
ETH 2237.98
USDT 1.00
SBD 2.30