"Walang-wala" | Tagalog poem | Life

in #poem7 years ago

Minsan sa mundong ibabaw,

Damang-dama mo ang saya na kailan may gustohin mong di bumitaw.

Sapagkat walang nais at gustong matanaw,

Kundi ang kaligayahan ay manatiling sayo at walang kaagaw.

Hiling sa May Kapal,

Na sana'y magkaroon nang buhay na marangal.

Upang madama ang kaginhawaan at tamis ng buhay,

Habang tayoy naririto at patoloy na naglalakbay.

Ngunit bakit sadyang masakit magbiro ng tadhana,

Na kung saan ay ilalagay ka pa sa buhay na walang-wala.

Kahit anong sikap ang nais mong gawin.

Patungo sa wala at ganon pa rin.

Hahay buhay!

Bigyan mo naman ito ng kulay.

Ilabas mo naman ang puso sa pagiging matamlay.

Bagkos magigising ka na lang at magkakaroon ng magandang pamumuhay.

Maging matatag, masipag, at mapagkumbaba palagi.

Huwag gawing kaugalian ang pagsuko ng bukod tangi.

Dahil hindi kataposan ang maging wala.

Kung ang puso mo'y puno ng sigla.

cute-sad-alone-beach-lonely.jpg

Sort:  

nice poem dear

nice post. thank you for sharing this. @yzah

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 53807.82
ETH 2237.98
USDT 1.00
SBD 2.30