"Luha" Tula ng Pagkabigo at Pagbangon

in #poem7 years ago

Naranasan mo na bang masaktan at umiyak? Naranasan mo na ba ang luha na puno ng paghihinagpis? Hindi pa huli ang lahat, bumangon ka at maging panatag, dahil ang pagkabigo ay di dahilan upang wakasan mo ang lahat kundi ito'y sandata upang maging malakas ka.

tears.jpg
Image Source

Isang sakit na kay hirap tiisin
Buhat ng damdaming nasaktan ng matalim.
Animo'y luhang dumadaloy sa aking mga mata,
Na talagang sanhi ng sakit mong dala.

Bakit ba na kay hirap talaga?
Ang masaktan sa piling ng iyong pagsinta.
Tibok ng puso ko'y parang wala na
Dahil sa sobrang paghihinagpis na aking nadama.

Bakit mo ba nagawa ang lahat?
Bakit mo ba ako iniwan ng kay saklap?
Yun nalang ba ang katapusan ng ating pag-ibig.
Na sa sakit ay wala nang salitang mailabas ang aking bibig.

Simula na ba to ng aking pagkaulila.
Sa pagkawala mo'y ako'y lumuluha.
Di ko alam kung paano wakasan ang sakit,
Dahil talagang sayo lang ako naaakit.

Peru bahala na kung gayunman ang gusto mo sinta.
Paalam nalang sapagkat ayaw mo na.
Magiging matatag nalang ako kahalip ng pagkawala mo.
At babangon dahil alam kung may patutunguhan pa ako.

I am a part of @steemitfamilyph. Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment

https://steemit.com/~witnesses

Vote @steemgigs, @rcarter , @curie , @blocktrades , @neoxian , @liondani,
@pharesim , @good-karma ,@jerrybanfield , @neoxian and dont forget @arcange

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54045.75
ETH 2247.37
USDT 1.00
SBD 2.30