Winners Announcement: Literaturang-Filipino - Paligsahan sa paggawa ng Maikling Kuwento. (Contest#3) Congratulations!
Kami ay lubos na nagagalak dahil sa pinakitang dedikasyon ng mga Pilipinong sumali sa amiing unang patimpalak tungkol sa paggawa ng tula na may temang pagkamakabayan. Naipakita ninyo ang inyong angking galing sa matalinghagang pagsulat at ang inyong pagkamalikhain sa temang binigay at uri ng sulatin.
Hindi man gaano karami ang nagsumite ng kanilang mga gawa, lubos parin ang aming tuwa dahil may mga Pilipinong gustong matuto ng ibang gawain at magkaroon ng ibang paraan para makuha ng biyaya sa steemit. Asahan niyong tuloy-tuloy ang aming mga proyektong gustong ipamahagi sa mga Pilipino.
Kaya ito na ang mga mapapalad na napili at mananalo ng karagpatang gantimpala
1st place - 5 SBD - Literaturang-Filipino: Ang Bulag na Bates - Gawa ni @jazzhero
Sa pangaral ng aking ama, naitaga sa puso ko ang imahe ng pinuno na gusto kong abutin. Isang pinunong tapat at patas, tinatangi at ipinagmamalaki ng bawat isa sa tribo. Para sa aking bayan at para sa aking pamilya, nagaalab ang aking resolusyon.
2nd place - 3 SBD - Literaturang Filipino: Maisasalba Pa Ba? - Gawa ni @xorexman
Marami sa ating mga pilipino ang talaga namang iniingatan ang salitang "pag-aasawa" at "pagpapa-kasal". Masasabi mong mayroon kang isang buong pamilya kung kayong mag-asawa ay hindi magkahiwalay. Ngunit paano mo pa ba maisasalba ang isang pagmamahalan kung alam wala na nga
3rd place - 2 SBD - "Literaturang Filipino: Uhaw sa Edukasyon" - Gawa ni @annedyosa
Isang araw habang siya'y nangangalap ng makakain, hindi sinasadyang makakita siya ng mga dayuhang gumagala sa kanilang bayan. Ito'y nakasuot ng mga mamahaling damit na tila'y mga prinsesa't prinsipe sa ganda at kintab ng kanilang kasuotan. Siya'y nabighani sa mga dayuhang nakita. Dahil sa kanyang kagustuhang makahawak ng ganoong klaseng mga gamit, pinuntahan niya ang mga dayuhan at akmang hahawak sa kanilang mga suot. Ngunit sa hindi
4th at 5th - 1SBD bawat isa
Literaturang Filipino: Pangarap ng Isang Bata - Gawa ni @tpkidkai
Literaturang Filipino: Si mandarayang Juan - Gawa ni @jenel
Congratulations sa inyo at Maraming Salamat!
Sa mga hindi pinalad na manalo, maraming salamat dahil naging parte kayo sa paligsahan at naipakita niyo ang angkin ninyong galing sa pagsulat ng wikang Filipino. Naway mapaunlad pa ninyo ang inyong kakayahan sa pagsulat at sumali ng sumali sa mga magaganap pang patimpalak hanggang manalo na.
Antabayanan ang aming susunod na patimpalak!
Maraming salamat steemph.cebu sa pagkilala at pagtangkilik sa mga akdang Filipino.
Mabuhay kayo poreber! :D
maraming salamat po sa inyo :)
Oh my boy is doing it. Congrats
Hahahaha thanks
maraming salamat po @steemph.cebu :-)
Congratulations @steemph.cebu! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of comments
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Wow congrats s winners.