Literaturang Filipino: Pangarap ng Isang Bata

Sabi nga nila umaaraw, umuulan ngunit paano nalang kung palaging ulan ang iyong nadadaanan? Magiging matatag ka ba at lalaban o magpapadaig sa agos ng problema at maglulukmok sa kabiguan?

"Maganda sa Maynila! Maraming oportunidad na trabaho hindi tulad dito sa probinsya na tayo ay magsasaka lamang!"

Ayan ang laging bentahe ng mga taong nanggaling sa Maynila at iyan din ang pumasok sa isipan ng musmos na si Ron na noo'y labing isang taong gulang pa lamang. Inipon niya ang kaniyang sahod sa koprahan at ng may sapat na siyang pera ay nagpaalam siya sa kaniyang mga magulang na siya ay luluwas din at makikipagsapalaran.


Pinagkunan ng Larawan

Nanaig ang pag-aalala nila para kay Ron, ngunit naintindihan naman nila na kailangan talaga niya itong gawin para sa pamilya. Panganay si Ron at siya na lamang inaasahan sa bahay, ang kaniyang ama ay hindi na makakapagtrabaho ng mahusay dahil sa pinsalang dulot ng dinamita noong bata pa sila. Maliban sa pagsasaka ay pangingisda din ang kanilang ikinabubuhay at sa di inaasahang pagkakataon natamaan ang kanyang ama at nadisgrasya.

Medyo napanatag naman ang kanilang kalooban dahil ang kaniyang magiging amo ay ang kaniyang Tito Allan at nangako ito na aalagaan ang bata. Puno ng pag-asa ang bata ng dumating siya sa Maynila, inisip na niya ang mga gagawin at kung magkano ang kaniyang maiipon at maipapadalang pera pantulong sa kaniyang mga magulang.

Nagtrabaho si Ron sa isang malaking tindahan ng kaniyang tiyuhin, dito siya ay ang taga buhat ng mga panindang hollow blocks at semento.


Pinagkunan ng larawan

Noong una ay maayos naman ang pakikitungo sa kanya ni Allan ngunit hindi naglaon ay naging malupit ito dahil sa nahuli niya ang kaniyang tiyuhin na kumukuha ng pera sa benta ng tindahan na hindi alam ng kaniyang kabiyak.
Agad itong isinumbong ni Ron at dito na nagsimula ang kaniyang bangungot.


Pinagkunan ng larawan

Mula sa palo at suntok, madalas ay hindi na siya pinapakain ng kaniyang tiyuhin. Hindi rin siya nakalaban dahil sa respeto narin sa nakakatandang kamag-anak. Ngunit ang lahat ay umaabot din sa sukdulan. Isang araw habang walang bantay sa tindahan tumakas ang bata at nilimas ang benta ng araw na iyon. Naisip niya na babalik nalang siya sa probinsya para doon sya at mamuhay ng payak.

Ilang minuto pa ang lumipas at napansin ng kaniyang Tito Allan na wala ang bata at wala din ang perang kanyang dapat ay makukuha. Sa galit nito ay tumawag siya sa mga pulis at dali-daling ipinahanap ang bata, at hindi naglaon ay nahuli ang musmos na tangan-tangan parin ang bungkos ng salapi na kaniyang ninakaw sa kaha.

Nakulong siya sa salang pang-uumit, at walang nagtanggol kahit isa sa kaniya. Maging ang asawa ng tiyo Ron niya ay galit din sa kaniya dahil sa salang kanyang nagawa.

Ang kaniyang mga pangarap na makatulong sa kaniyang magulang, makapag-aral at maging matagumpay ay nawala na ng tuluyan. Ito ay kaniyang naalala habang hinihimas ang mga bakal ng munti niyang kulungan.

Pinagkunan ng larawan

Sort:  

This post has been featured on Daily Steemitfamilyph featured post #70
Congratulations!

Thank you Ohana!

kawawang bata... Kasalanan yan ni Tito Allan.. Kung ano kasi nakikita sa matatanda ginagaya ng mga bata..

Ang husay mo talaga @tpkidkai walang makakapantay.. aha ;)

Oo habang binubuo nya ang pangarap nya ito namang si Allan talaga.

Oi nakita ko may entry ka rin check ko maya maya :)

Hoi anung pinagsasabi nio jn

Nice post! Ahahahaha.

Ang saklap ulit ng nangyari sa bida! 😣

Hehe naku-nako! panay masasaklap nalang ang nangyayari sa mga bida ko. Parang hindi sila mga bida ng kwento.

Followed you happy steeming!

Removed

You are most welcome! If I may ask what is the nicest thing in my post? I'd love to hear that from you :)

Oke my friend, I will be waiting your post

It seems like you are not reading :) I will give you 2 options. It is either I will flag your comment or you will just remove your comment. You choose which is which because you are already spamming my post.

This is not nice, this is awesome @nazaruddin885

Hey thanks for dropping by! Really appreciated will you be kind enough to tell me which part of the post are you referring to? It seems like you are posting nice post randomly per minute :)

Eto talagang si Tito Allan. Tsk!

This is awesome tay!!!!
Nice post. (Spammer lang. Lol!)

Nice post! Hehe salamat oo iba talaga si @kendallron este Allan pala pasaway masyado.

Nice post $slap @tpkidkai wlang hiya pangalan tlga nmin ni bunso napahtripan m

Pakita mo sakin si Allan at sasapakin ko! hahahah
Nice nice sir!

  • Nominated :)

Nasa discord @itsjessamae. Salamat sa nomination :)

Si kendall ang alam kong allan ang pangalan. Hahahah

Hahah si Ron ay si Bunsi @itsjessamae

nice. hahaha!

Puno talaga ng pagkabigo at pighati itong kwento na to
Kawawa si bunso, pati sa kwento may kick at punch pa din

Kasama sa buhay yun ni bunso. Siya ang alay para sa ating mga kabiguan sa buhay.

Follow, I follow back, let's support each other 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 58140.63
ETH 3077.94
USDT 1.00
SBD 2.33