Mitolohiyang Pinoy: Si Bathala ---------- Shot with GoPro5 | Borawan Sandbar, Qu ...

in #appics7 years ago

... ezon

Si Bathala at isa sa mga sinaunang Diyos ng Mundo ayon sa Alamat ng mga Tagalog, kasama nyang nilikha si Amihan (Ang Hilagang Hangin), at si Aman Sinaya (Diyosa ng Dagat).
Sa pasimula ay ang langit at ang dagat. Ang patuloy na pagsasalpukan ng dalawang elemento ang syang lumikha sa tatlong kaunaunahang Diyos. Sa kagustuhang magkaroon ng kahariang paghaharian, napagkasunduan ng tatlong Diyos na paghatian ang Mundo, si Bathala ang naghari sa Langit, si Aman Sinaya ang naghari sa Dagat at si Amihan ang naghari sa Hangin.
Ayon rin sa Mitolohiyang Tagalog, si Bathalang Maykapal o Bathala ang syang kataas-taasang Diyos at Hari ng mga Diwata na kasamang naninirahan ng mga Diyos at Diyosa sa kalangitang tinatawag na Kalualhatian. Para sa mga sinaunang Tagalog, ang mga anito o espirito ng mga namatay, mga elementong lamang lupa at mga diwata ang nagsisilbing tagapagpamahala at tagapamagitan ni Bathala, ng mga Diyos at Diyosa sa mga tao.
Ang katunggaliang Diyos ni Bathala at si Bakonawa – ang Hari ng Kasanaan o Kadiliman at ang kanyang mga alagad ay ang mga Aswang at Mangkukulam.
Ayon sa alamat, si Bathala ay sumiping sa isang babaeng mortal ng minsang bumisita siya sa lupa. Sila’y nagpakasal at nagkaroon ng tatlong supling: Si Apolaki (Diyos ng Pakikidigma at Araw), si Mayari (Diyosa ng Buwan), at si Tala (Diyosa ng mga Bituin).
Pinaghirapang Tagalugin Mula sa Wikipedia.


Darn, ang hirap pala magtagalog, dumugo ang ilong ko sa kakaisip ng katumbas na salitang tagalog ng salitang ingles. Arrgh!

d8a490ac8c2e5b68f583258daf78cd77

Powered by APPICS - visit us at appics.com

Sort:  

To listen to the audio version of this article click on the play image.

Brought to you by @tts. If you find it useful please consider upvoting this reply.

Clear water and a blue sky = perfection 🙌🏻

Congratulations @pinoy.viajero! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You distributed more than 700 upvotes. Your next target is to reach 800 upvotes.

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last post from @steemitboard:

SteemFest Meet The Stemians Contest - The mysterious rule revealed
SteemFest⁴ - Meet the Steemians Contest

You can upvote this notification to help all Steem users. Learn how here!

Thanks bro. Cheers! 🍺👍

boss buti anlaki ng boto mo kahit nagtatagalog ka..sinasadya mo ba talagang magtagalog? curious lang.hehe

Posted using Partiko Android

Happy weekend brad! Oo nga eh nagulat ako. Sinusubukan ko magtagalog sa ibang posts ko. Pero napansin ko iba parin talaga hatak ng votes kapag English. Pero minsan masarap magsulat ng nasa tagalog. 💪😊

mas marami kasi ang nakakaintindi sa english at maraming malaki ang boto. Pansin mo naman sa mga post ko kaht minsan hindi na maayos ang english pinipilit ko pa ring mg english. hehe

Posted using Partiko Android

Okay naman sya brad. Astig ka nga eh kasi Minnow ka na. Ako ay isang hamak na plankton palang. Haha. Congrats nga pala! Painom naman dyan! 🍺🍺🍺

hahaha tagal ko na rin kasi boss, naku kung inabotan mo yung dating steem, nakakalungkot. Bihira lang makatanggap ng malaking boto. Kaya nga nong nag update nagustohan ko ito. Pero mahilig lang talaga ako magsulat kaya ayos lang sakin ng ganoon.hehe

Posted using Partiko Android

Wow, ok nga eh. Nagbabasabasa ako medyo frustrated nga mga steemians dati dahil sa bots pero ngayon mukhang okay na nga daw. Sumasali na nga ako sa mga contest dito, ang galing! Sobrang nagienjoy ako sa community. Madami kasing mababait at supportive sa mga bago. Pansin ko yung last na post pala mo parang anlakas ng ulan dyan. Sana okay na.

ah, oo noong nakaraan. Dati marami kaming manunulat ng tagalog dito boss. Mayroon nga kami ng storya na paiba-iba everyday, iba ang author. Sya nga pala di na tayo madyado mag comment baka maubos RC at di na tayo maka comment sa author na bomoboto.haha

Posted using Partiko Android

Okay brad. Haha. Ginawang chat ang comment box. Lol. Ingat dyan.

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.33
JST 0.096
BTC 64688.63
ETH 1883.70
USDT 1.00
SBD 0.38