UNDAS : KALAYKAY, WALIS, KUTSILYO at BASAHAN
Heto na naman ang araw ng mga patay, muli na naman akong kikita nito. Lilibutin ang buong sementeryo, maglalakad sa gitna ng init ng araw at dala dala ang isang kutsilyo, basahan, kalaykay at walis. Aalisin ang makakapal na damo, lilinisan ang mga basurang tila isang taon ng nakaimbak at pupunasan ang mga nagsisilumutang lapida. Sanay na rin ang aking mga kamay sa sugat kasi di rin natin maiiwasan minsan lalu na’t pag may di ka inaasahan na mangyari. Gaya na lang ng pagkuskos ng mga kandila sa nitso, minsan sa sobrang pwersa ko, nasusugat ng kutsilyo ang aking kamay. Mahirap pero kakayanin, sabi ko sa aking sarili. Oo nga, kailanman aaminin ko sa aking sarili na hindi ganuon kadali kumita ng pera. Nagpapasalamat na lang ako dahil minsan may mga mababait na customer. Bukod sa bayad nila sakin, may tip pa akong natatanggap mula sa kanila. Mabuti na lang at malaki laki ang pula kong panyo para duon ko lagi itago ang aking kinikita. Binabalot ko mabuti at nilalagay ko sa maliit kong bag na sinasabit ko na lang sa aking leeg. May customer din na bibigyan nila ako ng pagkain lalo na’t kapag aabutin na ako ng tanghalian. Hindi ko nga alintana ang kagutuman minsan eh, di ko alam kung dahil sa pagod na rin o kaya dahil sa sanay na ako sa karamdamang iyun.
Sabi nga nila, hindi lahat ng oras ay para sa iyo. Minsan may mga customers na hindi na nga sapat ang kanilang pambayad, papagalitan ka pa. Yung kumbaga hindi raw sapat ang serbisyong inilaan ko sa kanila. Napapayuko na lang ako at ipinapanalangin na lang sa Panginoon. Basta ang alam ko, nagtrabaho ako ng tama at malinis. Ewan ko ba kung bakit. Ganito na kurampot na nga lang ang kinikita, may mga ganyan pang tao na kayang mangloko. Gayun pa man, okay lang sakin lahat. Ang mahalaga makakatulong pa ako sa aking pamilya paguwi ko sa aming bahay.
Kumakalampag ang mga barya sa aking bulsa habang ako’y naglalakad. Binibilisan ang bawat hakbang pagkat palubog na ang araw at ako’y makapagsaing na sa aking mga kapatid. At sa daan na aking tinatahak, tila may sumusunod sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Agad kong pinasok ang aking kamay sa aking bulsa upang itago ang mga perang aking kinita. Pilitin ko mang tumakbo ngunit hindi ko magawa. Sumigaw man ng malakas ngunit alam kong wala namang makakarinig. Hangga’t napagtanto ko na lang na sa isang iglap, nawala lahat ang aking pinaghirapan. Wala akong makitang malinaw, hinahabol ang hininga at paunti unting nauubusan ng lakas. Di ko lubos maisip na ang mga kagamitang aking kasama sa buong araw, yun din pala ang kagamitang gagamitin sa aking pagpanaw.
As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Congratulations @oscargabat! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard:
Congratulations @oscargabat! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP