Word Poetry Challenge #8: Tagpuan

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Mabuhay mga Makatang Pilipino!

Ngayon ay ang ika-walong edisyon ng patimpalak na tula ni @jasssennessaj na may temang "Tagpuan". Sa muli ay ako'y nakikibahagi upang maipamalas ang aking kakayahan sa pagsusulat ng tula gamit ang ating sariling wikang Pilipino. Ang tula ay isang uri ng sining kung saan ay malaya mong maisasaad ang iyong damdamin maging ito man ay kaligahayan, kalungkutan o kabiguan. Katulad ng pagpipinta, ang pagsusulat ng tula ay isang mabisang pamamaraan upang maipaabot ang ating nais na mensahe sa ating mga mambabasa. Para sa akin ang pagsusulat ng tula ay hindi kinakailangan na maging magaling ka, ang totoo ay hindi mo na kailangan isipin pa ang nais mong isulat sapagkat ang pinaka magandang likhang tula ay nanggagaling sa puso ng isang manunulat. Kaya naman kung sa tingin mo ay wala kang talento sa pagsusulat ng tula, bakit hindi mo subukang bumuo ng tulang galing sa iyong puso at iyong ipamalas sa ating kapwa Pilipino.

Narito ang aking likhang tula para sa edisyong ito na may temang "tagpuan".

Aking orihinal na litrato

Tagpuan

Tuwing ika-apat ng hapo'y ako'y nasasabik,
sapagkat sa burol ako'y papanhik,
sa lilim ng punong kahoy at simoy ng hangin,
ay mga nasasabik na puso't damdamin.

Sa pagkanlong ng araw at pagsikat ng buwan,
manining-ning na bituin sa langit na karagatan,
mga alitaptap dala'y kakaibang liwanag,
katulad ng pagsintang sa mga mata'y mababanaag.

Ngunit paglipas ng oras ay tila ba kay bilis,
kadarating lang at ngayon ay muling aalis,
paalam sa pansamantalang paglisan,
bukas ay babalik sa burol na tagpuan.

Ngunit patawad aking mahal ako'y hindi na nakabalik,
ni salitang paalam ay hindi ko nasambit,
kung maaari ko sanang ibalik ang panahon,
aking nanaising muling makita ka roon.

Sa ating lugar na tagpuan sarili ay natagpuan,
tila ba ako'y bumabalik sa nakaraan,
mayayabong na puno'y nanatiling nakatayo,
at sa lilim nito ay may nakaupo.

Tila isang pamilyar na damdamin ang napukaw,
munting puso'y nagpupumiglas, nagsusumigaw,
tumigil ang oras at pag-ikot ng aking mundo,
nang muling masilayan iyong mga matang nagsusumamo.

Sa oras ng aking pagkawala ay nanatiling tapat,
saksi ang burol sa bawat luhang pumatak,
pag-asang nanatili sa gitna ng karimlan,
panibagong ala-ala sa paboritong tagpuan.



Also, Please support our Curation Team @sawasdeethailand that aims to reward good quality Thai content creator.

Thank you to @hr1 for supporting our writings too.

Kindly continue supporting @surpassinggoogle who has been very helpful. Vote "Steemgigs" as witness by going to https://steemit.com/~witnesses

Sort:  

Nakakabagbag damdamin ang iyong akda kabayan @wondersofnature! Sana manalo ang iyong akdang tula.😊

You have collected your daily Power Up! This post received an upvote worth of 0.18$.
Learn how to Power Up Smart here!

* *Ngunit paglipas ng oras ay tila ba kay bilis, kadarating lang at ngayon ay muling aalis, paalam sa pansamantalang paglisan, bukas ay babalik sa burol na tagpuan

I sometimes collect interesting quotes to make a post on their basis. I think that this will be one of them.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65359.95
ETH 3492.90
USDT 1.00
SBD 2.51