Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Kumusta mga kababayan kong makata!

Ako'y naririto muli upang makibahagi sa patimpalak na pinangungunahan ni @jassennessaj na may temang "Gintong Medalya". Ito ay napakagandang pagkakataon para sa ating mga Pilipino upang maipamalas ang ating galing sa pagsusulat at paglalahad ng ating mga damdamin sa pamamagintan ng mga tula. Kung kaya't akoy nagagalak na maibahagi ang aking orihinal na akda. Sadyang nakakataba ng puso ang pagsusulat ng mga tula gamit ang ating sariling wika na sa paglipas ng panahon, ang dugong makatang manunulat na pamana ng ating mga ninuno ay nananatili sa ating mga puso't damdamin. Sana ay magustuhan mo :)


Source

Gintong Medalya

Mainit na kape tuwing bukang liwayway,
pangpawi ng lamig ni inay at itay,
sa aming masaya at munting dampa,
isang bagong umaga ang magsisimula.

Hawak ang asarol, piko at kalaykay,
suot ang sombrerong paborito ni itay,
hahayo't magtutungo sa malawak na kalupaan,
upang linisin ang kanyang pagtataniman.

Si inay na bitbit ang mga bayong at bilao,
upang i-alok panindang gulay, kakanin at kung ano-ano,
upang matustusan pangangailanga't aking pag-aaral,
Akin namang pangako'y medalya ng parangal.

Ningas ng lampara, liwanag sa aking libro,
pangakong pagyayamanin edukasyong pamana ninyo,
Bawat patak ng pawis ay di ninyo alintana,
Inyong mga sakripisyo'y hindi mababalewala.

Sa araw na ito, akoy aakyat sa entablado,
kagalakan ko ang pumanhik kasama kayo,
Upang aking isabit yaong alay na gintong medalya,
Pagkat parangal na ito'y nararapat sainyo, mahal kong ama't ina.



Maraming salamat sa iyong inilaang oras upang basahin ang aking akda kabayan!



Also, Please support our Curation Team @sawasdeethailand that aims to reward good quality Thai content creator.

Thank you to @hr1 for supporting our writings too.

Kindly continue supporting @surpassinggoogle who has been very helpful. Vote "Steemgigs" as witness by going to https://steemit.com/~witnesses

Sort:  

You have collected your daily Power Up! This post received an upvote worth of 0.45$.
Learn how to Power Up Smart here!

😊 Labis ko pong naibigan ang inyong tula. Maganda ang naiguhit na larawan ng bawat talata, nakakamangha rin po ang paggamit ng mga di pangkaraniwang salita. Tunay po kayong makata,

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.030
BTC 59317.93
ETH 2530.37
USDT 1.00
SBD 2.47