Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas

Una sa lahat ay nais kong batiin ang ating mga minamahal na ina saan mang parte ng mundo ng Happy Mother's day! Salamat sainyong mga gabay at walang hanggang pag-ibig saaming inyong mga anak. Sainyong pagpupursige upang mabigyan kami ng magandang kinabukasan at maabot ang aming mga pangarap. Gayundin ay nais kong pasalamatan ang ating kabayan na si @jassennessaj sa kanyang inisyatiba sa patimpalak na ito kung saan ay huhubugin ang ating pagiging makatang Pilipino sa pamamagitan ng pagsusulat ng isang tula sa wikang Filipino.

Ang totoo ay Filipino ay pinaka-paborito kong paksa noong ako ay nasa mataas na paaralan pa lamang at hilig ko rin ang pagsusulat ng sanaysay at tula. Sa paglipas ng panahon ay mas madalas nang nagagamit ang wikang Ingles dahil sa impluwensya ng social media at hindi ko inaakala na sa muli ay makakapag-sulat ako ng tula. Kaya't lubos kong ikinagagalak na maging bahagi ng patimpalak na ito. Napili kong gamiting paksa ang aking ina sa tulang ito kalakip ang temang "Larawang Kupas" bilang pagpupugay sa kanyang katapangan, gayundin sa pagdiriwang ng araw ng ating mga ina. Sana ay magustuhan mo.

Larawang Kupas

Ang kanyang mga matang puno ng pagsinta,
sa kanyang mga haplos hatid ay ligaya,
ang kanyang mga ngiting sa akin ay nagpapaalala,
Kung paanong ang aking buhay noo'y nagsimula.

Yaong piraso ng papel naaaninag ang nakalipas,
Isang larawang niluma ng mga panahong lumipas,
Mga panahong ako'y nasa iyong kandungan,
Isang paglingap na kailan man ay di mapapantayan.

Isang musmos na walang muwang ang iyong pinapatahan,
ng iyong mga halik at haplos na marahan,
Ang pintig ng iyong pusong karugtong ng aking buhay,
Tanging kaligayahan mo ang nais kong ialay.

Mga butil ng luha sa aking mga mata'y nagmula,
Habang pinagmamasdan yaong iyong maamong mukha,
Mukha ng isang binibini na saaki'y nagbigay buhay,
Salamat sa pag-ibig at paglingap mahal kong inay.

Bagama't ngayo'y isa na itong larawang kupas,
At di na maibabalik pa mga araw at oras,
Maraming panahon man ang dumaa't lumipas,
Ang makasama ka aking ina'y ligaya sa darating na bukas.

Ang litratong ito ay mula sa aming lumang Album. Ako nga pala ang batang babaeng nasa gitna ;)

Maraming salamat sa iyong inilaang oras upang basahin ang aking lathalang tula kabayan!

Mabuhay ang ating mga ina!



We offer Resteem +Upvote service. Single and Monthly subscription, check the details here.
Get an Upvote rewards by following our curation trail.

Also, Please support our Curation Team @sawasdeethailand that aims to reward good quality Thai content creator.

Kindly continue supporting @surpassinggoogle who has been very helpful. Vote "Steemgigs" as witness by going to https://steemit.com/~witnesses

Sort:  

Happy mothers day to your mum.

isa kang makata 😊

Happy mother's day to your Mom!

You have collected your daily Power Up! This post received an upvote worth of 0.41$.
Learn how to Power Up Smart here!

Loading...

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58833.91
ETH 3155.94
USDT 1.00
SBD 2.44