"Word Poetry Challenge #8". Tema : "Tagpuan" | Tagalog Edition

in #wordchallenge6 years ago

e2xkrgluj4.jpg



Sa Divine Mercy tayo unang nag-tagpo
Tumabi ako sa'yo at doon umupo
Nag-dasal tayo ng amanamin
Natapos ang misa nag-tungo tayo sa'min.

Ilang gabi na rin ako nalilito
Ilang gabi na rin ako pari't pa rito
Kailan ka ba darating sa'ting tagpuan?
Ngayon, bukas o pag-tapos ng hapunan?

Pinagkaitan ng tadhana
Nanaghoy, ngunit 'di inalintana
Bumangon sapagkat kailangan
Pighati ang tumalima sa isipan.

Simbahan ang naging saksi
Sa tagpuan mo rin pala iwawaksi
Salamat! Alam kong hindi ka nararapat
sapagkat, alam kong hindi ka tapat.



#wordchallenge

Sort:  

Napakalalim ng hugot mo maestro twotripleow!😊 isa kang alamat.😊 gudluck sa lahok mo maestro.😊

Haha master! Oo hugot talaga ito hayop kasi siya nyahahaha! Kape kape na lang tayo huwag mo lang babaliktarin.

Aww. Grabe ito kuya! Mukhang hango sa tunay na pinagdaanan! Goodluck satin. Hihi

Haha oo matagal na naman nangyari yun kaya hindi na masakit. Good luck sa'tin.

Humugot ka ulit bro...goodluck sa atin ...magaling ang pagkagawa mo bro 2k..❤

Thank you Regine haha. Hugot hugot lang kapag may time.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 64294.06
ETH 3427.66
USDT 1.00
SBD 2.59