Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan | Bakal na Upuan
Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan
Ako'y nag-iisa dito sa bakal na upuan
Kung saan dito mo binitawan
Ang pangako mo ng walang hanggan
Sa pagsibol ng ating pagmamahalan
Itong bakal na upuan ang ating tagpuan
Inukit mo pa ang ating pangalan
May pangakong ikaw at ako'y walang iwanan
Lumago ang ating pag-iibigan
Nagkaroon na rin ng mga awayan
Nakakatuwa kasi ating nakayanan
Kasi tayo'y magkaagapay, nagtutulungan
Marami rin tayong pinagsaluhan
Dito sa ating bakal na upuan
At dito pa natin pinagplanuhan
Ang pagbuo ng ating tahanan
Tatlong anak? hindi, gusto ko isa lang
Pero apat na supling, tayo'y biniyayaan
At dito, dito sa ating bakal na upuan
Sila rin ay naglaro't naghabulan
Ngunit kahit ano mang saya,
mapapalitan ng pait at sakit
Ang ating tagpuang dati'y puno ng tamis
Biglang nahitik ng paghihinagpis
Tama na, irog, nauunawaan ko
Alam kong ginawa mo ang lahat, nilabanan mo
Pinalalaya na kita, maaari ka nang humayo
Alam kong alam mo na sobrang sakit nito
Huwag kang mag-alala, kakayanin namin
Lagi mong tandaan, kasama ka sa panalangin
Lagi kang nasa puso, laging iisipin
Ang alaala mo'y hinding hindi lilimutin
Ngayon, alam kong di ka na nahihirapan
Tapos na ang mga turok at mga gamutan
Alam kong lagi ka lamang nariyan
Ginagabayan kami mula sa kalangitan
Pero wag mong alisin na ako'y mangulila
Sa ating tagpuan, hindi ka na kasama
Laging hanap malulutong mong tawa
Ang mga biro mong ubod ng kwela
Hinatid na kita sa huling hantungan
Pero bumabalik pa rin ako sa ating tagpuan
Batid ko ring di naman kita madaratnan
Ngunit alaala mo, taglay pa rin ng bakal na upuan
Upvote this: https://steemit.com/free/@bible.com/4qcr2i
Upvote this: https://steemit.com/free/@bible.com/4qcr2i
Ang galing galing mo naman. Sana sa hurado ito'y magustuhan. Sad story but relatable. Bet ko 'to.
Salamat po. Natutuwa akong nagustuhan mo po. Sali ka rin po sa contest.
https://steemit.com/wordchallenge/@jassennessaj/word-poetry-challenge-8-tema-tagpuan-or-tagalog-edition
Ang lungkot naman nito sis! Naramdaman q talaga ang emosyon -- ang pangungulila sa taong minamahal! 😥
Oo nga titser min-min eh. Hindi naman ito hango sa totoong buhay pero naiyak din ako habang sunusulat ko yung mga huling stanza. T_T
Nakakatindig balahibo ang mga litanya mo kabayan @romeskie.😊 masayang alala sa tagpuan kasabay na rin ang kalungkutan sa inyong tagpuan..gudluck sa lahok mo kabayan!😊
salamat @blessedsteemer. :-) naiyak ako habang sinusulat ko yan. T_T
Malalim hugot mo kabayan..at baka iyo na yang napagdaanan haha.😊
Hindi po. Imahinasyon ko lang po. ^__^
Napahusay ate @romeskie! Isa kang pambihira.